Chapter 6

1.6K 20 0
                                    


Cassie's POV

Pinakawalan ko ang luha ko pagpasok ko ng kotse. Nanliliit ako sa sarili ko. He used me like I'm a cheap whore. What's worse is that my own body betrayed me. Hiyang-hiya ako sa sarili ko.

Ini-start ko na ang kotse at nagdrive pauwi. When I got home sinalubong ako ni Miggy. Pinayagan na siya ng doktor na pansamantalang lumabas ng ospital basta huwag lang daw masyadong magpakapagod. He's still the same Miggy, a cute ball of energy. Hindi mo maiisip na may sakit siya dahil sa kakulitan nito.

"Mama, mama!" Kinuha niya ang kamay ko at hinatak ako. Dinala niya ako sa dining room. "Look, me and yaya made a red velvet pizookie."

"That looks delicious." Sabi ko. Lumuhod ako at hinalikan ko siya sa noo. "How do you feel?"

"I feel fine." Sagot niya. Tumingin siya sa akin at napakunot ang noo. "You're eyes are red. Umiyak ka ba?"

"No, baby."

"Don't lie, mama! Who made you cry?" Salubong ang kilay na tanong nito. Gusto kong matawa sa itsura ng anak ko. He's so protective of me, akala mo kaya na akong ipagtanggol.

"No one." Ngumiti ako at niyakap siya. "I love you."

"I love you too, mama. Just tell me kapag may umaway sa'yo. I will beat them up." Sabi ni Miggy.

Tumawa ako. "Don't worry, baby. Walang umaway sa akin. Napuwing lang ako kaya namula ang mata ko."

"Ok. Let's just eat the pizookie that we made." Aya ni Miggy. Kinain namin ang ginawa nilang pizookie at pagkatapos ay naglaro kami ng videogames. I try to spend as much time with him as possible. Kahit marami akong trabaho, ang anak ko pa rin ang priority ko. My world revolves around my son.

Pasalampak akong humiga sa kama ko. Napainom ko na si Miggy ng gamot at napatulog ko na siya sa kwarto niya. Nagpakawala ako ng buntong hininga. It's been a long, tiring day. Bukas magsisimula na akong magtrabaho bilang secretary ni Nick. From being a company owner magiging sekretarya na lang ako at ang boss ko pa ang lalaking kinamumuhian ko. Ibang-iba na siya sa Nick na minahal ko noon. He's a different guy now. O siguro hindi ko lang talaga kilala ang totoong siya?

[Flashback]

"I saw your boyfriend yesterday." Sabi ni Tiffany, ang cheer captain namin.

 

"I know. Nagpaalam siya sa akin na pupunta siya sa bagong bukas na nightclub ng kaibigan niya." Sabi ko.

 

"Pero sinabi ba niyang may kasama siyang babae?"

 

Napakunot ang noo ko. "Sino?"

 

"I don't know her name. Pero may ipapakita ako sa'yo." Inilabas nito ang cellphone. She showed me a video of him dancing with a pretty girl. Then they started kissing! "I think he is cheating on you, Cassie. Nandoon ako, nakita kong sabay silang umalis ng nightclub pagkatapos nilang maghalikan. Who knows what happened pagkalabas nila doon."

 

I bit my lower lip. Pinilit kong huwag umiyak. I know Nick wouldn't cheat on me. Siguro meron siyang dahilan. Sigurado akong sasabihin niya iyon sa akin at magpapaliwanag siya. I can't trust Tiffany. Alam kong dati pa niyang gusto si Nick.

 

 

Tinawagan ko si Nick at inaya ko siyang kumain sa labas. We went to a fast food restaurant.

PHOENIX CORDOVA: Sleeping with my rapist'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon