Chapter 12

1.3K 16 0
                                    

"Carry my luggage." Sabi ni Andi sa akin. Nasa airport na kami. I'm glad walang revelation ang naganap dahil hindi pa ako handa. Besides, pag nalaman ni Nick ang tungkol kay Miggy kukunin niya sa akin ang anak ko. Ayun lang naman talaga ang pakay niya sa akin. Gusto lang niyang magkaron nang anak. Speaking of anak, I might be pregnant again. What am I going to do with this baby kung buntis nga talaga ako? Itatago ko na naman kay Nick? I can't afford to have another child. Marami akong gastusin. Mahal ang mga gamot ni Miggy. Last week nga kinuha na nang bangko ang kotse ko. How am I going to raise this child?

"Cassie, I said carry my luggage!" Pasigaw na sabi ni Andi.

"I'm sorry." Sabi ko at binitbit ang luggage nito. I'm already carrying her luggage and my luggage. Nahuhuli ako sa paglalakad dahil sa bigat nang mga dala ko.

"Hurry up! Pag nawala mo yang luggage ko, mawala ka na rin. Mamahalin ang mga damit na nasa loob niyan." Sabi nito.

Ang antipatika ng babaeng ito! Siya kaya magbuhat ng sarili niyang luggage para hindi mawala sa kanya. Kaya lang siguro ako sinama ni Nick dito para magbuhat nang mabigat na luggage ng bruhang iyan!

"Aaay!' Napasigaw ako nang madapa ako.

Napalingon ang dalawa sa akin.

"Oh my god! My louis vuitton luggage!" Agad na tumakbo si Andi. Dinampot nito ang luggage niya habang si Nick ay nakatingin lang sa amin.

"Pasalamat ka walang sira ang luggage ko. This cost a fortune." Sabi ni Andi. Inilahad nito ang kamay niya sa akin.

"Come on, get up! Mahuhuli tayo sa flight!" Sabi nito. Hinawakan ko ang kamay niya at tinulungan niya akong tumayo. Kahit papaano pala may konting kabaitan din ang bruang ito.

"I'll carry my luggage since your too clumsy to do it! Gosh, simpleng bagay na lang di mo pa magawa." Inis na binuhat nito ang luggage.

Napahawak ako sa tiyan ko. Sana hindi nasaktan ang baby ko. I know I'm still not sure if I'm pregnant pero ayokong may mangyaring masama sa baby ko kung sakaling may dinadala na nga ako.

"Is something wrong?" Tanong ni Nick.

"Nothing." Sabi ko at nagpatuloy ako sa paglakad.

Nakatulog ako sa eroplano kaya paglapag namin sa Malaysia. I feel refreshed after a 3 hour sleep. May sumundo sa amin na limousine at ibinaba kami sa hotel.

"I'm going shopping. Ciao!" Sabi ni Andi na nasa loob pa rin nang limousine.

"Ok, have fun." Sabi ni Nick.

Pumasok kami sa hotel at nagpunta sa reception area. Dalawang hotel room lang ang kinuha ni Nick. Is he going to sleep with Andi tonight? What do I care? I'm just his secretary. Matuto kang lumugar, Cassandra!

"This is your room, ma'am." Sabi ng bellboy. Binuksan niya ang kwarto gamit ang keycard at ipinasok ang mga gamit ko. Binigay niya sa akin ang card at umalis na.

I looked around the room. Ang laki nang kwarto at ang ganda nang view. Tanaw ko ang buong siyudad. Pero hindi ko magawang ma-enjoy ang view dahil hindi pa rin maalis sa isip ko na baka buntis ako. Pasalampak akong nahiga sa kama. I haven't had my period this month, I was too busy to notice it. Kailangan ko na talagang bumili ng pregnancy test para sa ikatatahimik ng isip ko. May nadaanan kaming pharmacy kanina na malapit sa hotel. Pupunta ako ngayon doon.

Tumayo ako at lumabas nang kwarto.


"Cassie." Kalalabas lang din ni Nick sa kabilang kwarto. "Saan ka pupunta?"

PHOENIX CORDOVA: Sleeping with my rapist'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon