Chapter 14

1.3K 14 0
                                    

"Marry me." Nick said in a sleepy voice. He was still on top of me, his face buried into my neck. He had been so gentle when we made love. Hindi na siya agresibo katulad ng dati. He took his time, he made love slow and thorough, worshiping every part of my body with his hands and lips.

"Are you serious?" Gulat na tanong ko.

"Very serious." Agad na sagot nito.

"Why do you want to marry me?" Please sabihin mong dahil mahal mo ako...

"Because you're pregnant with my child." He answered.

Aasa-asa pa kasi ako eh. He will never love me. "What if... what if I say no?"

Matagal itong hindi nagsalita. Akala ko nga nakatulog na siya. Bigla nitong inangat ang ulo makalipas ang ilang minuto at tumingin sa mga mata ko. "I am not asking you to marry me, Cassie. Magpapakasal tayo sa ayaw at sa gusto mo."

"I don't understand why we have to get married. Ikaw pa rin naman ang ama nitong dinadala ko kahit hindi tayo kasal. Para sa akin ang kasal ay para lang sa taong nagmamahalan. Magpapakasal lang ako sa taong mahal ko at mahal ako." I don't want him to marry me out of obligation. I don't want my kids to grow up watching us being in a loveless marriage.

"Pero nagpapagalaw ka sa kung sinu-sinong lalaki. How ironic." He said with a sarcastic smirk.

Bago pa ako nakapag-isip dumapo na ang palad ko sa pisngi niya. His face hardened with anger, naningkit ang mga mata nito. Umalis siya sa ibabaw ko at humiga sa tabi ko. Tumalikod siya sa akin. I felt my tears burning up at the corner of my eyes. Hindi ko na pinigilan ang pagtulo ng mga luha ko. The man I love thinks I'm a slut! Hindi ako nagpapagalaw sa kung sinu-sinong lalaki katulad ng ibinibintang niya. He is the only guy I've ever slept with. How dare he accuse me of sleeping with other guys?








Nakasakay na kami sa limousine at papunta na sa airport. There was a tense atmosphere and no one is talking. Para kaming hindi magkakakilala. Napatingin ako kay Nick. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa labas ng bintana at hawak ang isang baso ng red wine. Buong araw niya ako iniiwasan at hindi kinakausap.

"Cass, tungkol sa sinabi ko kagabi..." Mahina ang boses na sabi ni Andi. "Can we keep it a secret?"

Sandali akong napaisip. Naalala ko ang sinabi niya na nabuntis din siya noon. Yun siguro ang tinutukoy niya. "Oo naman."

"Thanks." She smiled but her eyes were filled with pain.

Ngiti lang ang isinagot ko.

Ibinaba kami ng limousine sa harap ng airport. Ibinaba ng chauffeur ang mga luggage namin. I picked up my luggage pero madaling binawi sa akin ni Nick iyon.

"Hindi ka pwedeng bumuhat ng mabibigat na bagay." Walang emosyon na sabi nito.

"Kaya ko ito! Huwag mo akong gawing embalido." Inis na sabi ko at sinubukan kong kunin ang luggage ko mula sa kanya.

"Huwag mo akong punuin, Cassandra. You won't like it when I'm angry." He said in a low but dangerous tone. Binitawan ko ang luggage ko at tumaas ang isang sulok ng labi niya. Ilang beses ko na siya nakitang magalit and I definetly didn't liked it.

We handed the flight attendant our tickets then we boarded. Katulad ng dati, dinala kami ng flight attendant sa first class. Katabi ko si Nick at si Tristan at Andi naman ang magkatabi.

"Can I sit with Cassie?" Tanong ni Andi ng paupo na ako sa tabi ni Nick. Sandali itong natigilan. He looked at me and looked at Andi. Tumaas ang kilay ni Andi, naghihintay ito ng sagot.

PHOENIX CORDOVA: Sleeping with my rapist'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon