Chapter 35

1.4K 15 0
                                    

Rainbow Colored Mind




"Friend, get up na. Tinawag-tawagan mo ko tapos matutulog ka lang." Inalog-alog ni Jerome ang balikat ko. Hapon na at hindi pa rin ako bumabangon sa kama. Iyak lang ako ng iyak. Kanina naririnig ko si Nick na sumisigaw sa labas at kumakatok sa baba pero hindi ko siya pinansin o sinilip man lang. Ayoko muna siyang makita.

Umuwi ako sa dating bahay namin at nakatulog ng umiiyak kagabi. Hindi ko kayang tanggapin na may ibang babaeng nabuntis si Nick. Bakit ba nangyayari sa amin ito? Bakit sa tuwing akala kong magiging maayos na ang lahat saka naman may panibagong problema? Maybe... maybe we're not meant to be together.

Lumingon ako kay Jerome. Agad ko siyang niyakap at umiyak. Hinaplos-haplos niya ang buhok ko.

"Ano na naman ginawa sayo ng asawa mo?" Nag-aalalang tanong nito.

"May nabuntis siyang ibang babae. Nabuntis niya si Tiffany." Humihikbing sabi ko.

"Girl, kasi naman tigilan mo na. Wala ng ginawa ang hinayupak na yun kung hindi ang paiyakin ka." Sabi ni Jerome. "Tumayo ka nga dyan. Tayo na!"

"Ayoko..." Sabi ko at humiga ulit. Ibinalot ko ang sarili ko sa kumot.

"Anong ayaw mo? Ano gagawin mo dito, magmumukmok buong araw?" Galit na sabi nito. "Hindi sa Nick na yan umiikot ang mundo mo! Kaloka ka!"

"Iwan mo muna nga ako." Sabi ko.

"Hay nako, Cassie, huwag mo kong artehan ng ganyan. Hala, tayo na!" Utos nito. Pumunta siya sa may paanan ko at hinatak ang paa ko.

"Jerome, naman!" Hindi ko na napigilan ang matawa.

"Dali na, magshower ka na. Rarampa tayo. Mag-paparty-party tayo para makalimutan mo yung walanghiya mong asawa." Sabi niya.

"Ayokong umalis ngayon." Sabi ko.

Pumamewang siya. "At ayoko din nakikita kang nagmumukmok dito. Get up!"

Alam kong hindi niya ako titigilan kaya napilitan na akong tumayo. Naligo ako at nagbihis pagkatapos ay inayusan niya ako ng buhok at nilagyan ng make up.

"O, di ba ang ganda ganda mo na? Hindi halatang may tatlo ka ng anak. Hot mama." Sabi ni Jerome habang nakaharap kami sa salamin.

Natawa ako. Siguro kung wala si Jerome matagal na akong nasiraan ng bait dahil kay Nick. Siya lang ang napapatawa sa akin kahit noong panahon na depressed na depressed ako dahil sa panggagahasa ni Nick sa akin noon.

Bumaba kami at nang makalabas kami ng bahay nagulat ako ng makita ko siya. Si Nick.

"Cassie, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. Magpapakalalaki ako kahit isang beses lang at sasapakin ko yang asawa mo. Nakakaimbyerna!" Mahinang sabi niya habang naglalakad kami.

"Mag-usap tayo." Sabi ni Nick. Sandali siyang napatitig kay Jerome at tinignan niya ito ng masama. Baka mag-init pa ang ulo ni Jerome at totohanin ang sinabi niya kaya agad ko ng pinalayo si Nick. Baka magkasakitan pa ang dalawa.

"Umalis ka na. Utang na loob, Nick, tigilan mo muna ako." Sabi ko at hinatak ko si Jerome sa kamay. Tumakbo kami papasok ng kotse niya.

Pumalakpak si Jerome. "Bravo! Bravo, girl!"

I rolled my eyes at him. "Just start the car."

Sinimulan niya na paandarin ang kotse.

PHOENIX CORDOVA: Sleeping with my rapist'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon