Chapter 1: To-get-her

0 0 0
                                    

Isang nabuong grupo ng mga high school student ang napagdesisyunang sulos’yunan ang problema ng isang multo sa paaralan nila, Romeo Andos, first year, Isabel Biliran, second year, Kimberly Hadogo, Thrid year at ang kambal na sina Milo at Mila Ganobari, fourth year.

Unang nilang nakausap ang multo kasama ang isang babaeng dahilan ng pag kakakilala nilang lima, si Crissa, nagpapatulong kasi si Crissa na makausap ang multo para malaman kung paano namatay ang mangliligaw nito.

Nagawa nilang makausap ang babaeng multo at doon nila nalaman ang dahilan kung bakit hindi pa rin matahimik ito.

S’ya si Telma, dating mag-aaral sa paaralan nila, may lalaki daw na nanakit sa kanyang damdamin kaya hanggang ngayon nagmumulto pa rin s’ya, binganggit ni Telma na Sandro ang panganlang ng dating nobyo n’ya at ‘yun nalang ang nalaman ng grupo, maraming rin kasing ibang multo at elemento sa gusaling kinaroroonan ni Telma.

Natapos ang gabi na sinabi ng kambal kay Crissa na sila nalang lima ang aayos ang problema ni Telma para matahimik na ang dalagang multo, pumayag naman si Crissa.

////////

Sumunod na gabi, nagsama-sama ulit ang lima para makausap ulit ng maayos si Telma, hindi tulad ng nauna nilang pagpunta, naghanda na sila ng pangontra para sa ibang mga nananahan sa gusali.

Asin at dinasalang tubig, meron din silang laway ni Crissa para pang alay sa bantay ng duwende.

Bumuo sila ng bilog gamit ang asin , nagsindi sila ng kandila sa gitna ng bilog at umupo sa paligid ng kandila, tapos nun ay isang dasal ang ginawa nila.

“Isabel, ang kaluluwa lang katulad ng kagabi ang tatawagin mo” babala ni Kimberly

Sumagot naman si Isabel na alam na n’ya ang gagawin, si Isabel kasi ang sasaniban ng multo ni Telma para makausap nila ‘to, humingi nalang siya ng tulong para sa pagtawag ng multo ni telma.

“nandito na s’ya” pagkasabi nun ni Isabel, nabago ang boses nito.

“bakit ninyo ako ulit tinawag?” tanong ni Isabel, na ngayon ay nasaniban na ni Telma.

“Gusto ka namin tulungan” sagot ng kambal.

“Tulungan? Hahanapin na ninyo si Sandro?” tanong ulit ni Telma, sa malamlam na tinig.

“Bigyan mo lang kami ng impormasyon tungkol kay Sandro” sabi ni Romeo.

“payag na ako, dadalhin ko kayong lima sa nakaraan ko” sagot ni Telma.

Pumikit ang lahat nang pagtapos sabihin ni Telma ang kasagutan niya.

////////

Pag dilat nila, nasa school pa rin sila pero umaga na.

“Anong nangyari?” tanong ni Isabel
“Ikaw na ba ‘yan Isabel?” pabalik na tanong ni Kimberly.

“Oo, inabot tayo ng kinaumagahan sa school?” sabi ni Isabel.

“hindi rin naman sigurado kung anong nangyari, pero tingin namin ito ang nakaraan” sabay na sagot ni Milo at Mila.

Naobserbahan ng kambal ang mga silid paaralan kaya nasabi nilang nasa nakaraan silang panahon, iba na kasi ang section na nakalagay sa mga ‘yun.

“kailangan na’tin hanapin si telma” pagyaya ni Romeo.

“Mabuti pa nga, maghiwa-hiwalay tayo” pag sang-ayon ni Isabel.

Nagkasundo ang lima na magkita nalang sa parehong lugar matapos ang tatlompong sandali, bago maghiwa-hiwalay, nakakita sila ng janitor na papunta sa direksyon nila, agad silang nagtagong lima, baka kasi masita sila sa hindi pagsusuot ng uniform habang nasa school, nakaligtas sila sa janitor nang biglang may guward’yang sumigaw.

“Hoy!”

Hindi na nakapagtago ang lima at mabilis na lumapit ang gward’ya sa direks’yon nila.

“Pasens’ya na po at magpapaliwanag po kami” sabi ni Romeo.

“Mabuti naman” sabi ng guward’ya.

“Medyo mahirap pong ipaliwanag pero galing po kami sa hinaharap” sabi ni Kimberly.

Nilapit na ng g’ward’ya ang kamay nito at mukang dadamputin na sila.

“nalimutan mo ‘to” sabi ng guward’ya.

Nagtaka ang lima sa nangyari, gumagos kasi sa katawan nila ang kamay ng guward’ya.

“Salamat sa paghatid” sagot ng Janitor.

“Alam ko na, hindi na’tin dala ang katawan na’tin sa panahon na ‘to, kung ‘di ang diwa lang na’tin” sabi ng kambal.

Nais kumpirmahin ni Isabel ang teyorya ng kambal, kaya sinubukan n’yang itagos ang kamay n’ya sa pader, ngunit hindi n’ya nagawa.

“bakit hindi ko matagos ang kamay ko sa pader?” tanong ni Isabel.

“kailangan mong isiping na tatagos ka sa pader” sagot ng kambal.

“Ano na ang susubok” sabi ni Romeo.
Agad tumakbo si Romeo sa pader at nakatagos nga s’ya.

“Mas madali na ang paghahanap na’tin” masayang sinabi ni Kimberly.

////////

Nag punta si Romeo sa canteen, inisip n’yang baka nagmimiryenda doon si Telma, pero nabigo s’ya, walang estud’yante sa canteen, hindi ata ito ang oras ng pagkain.

Si Isabel sa library nag punta, wala ring estud’yante sa aklatan.

Sa Auditorium naman nagpunta si Kimberly, pero wala pa ring estud’yante.

Bulamik agad ang tatlo sa lugar kung saan sila magkikitang lima, naroon na rin pala ang kambal.

“Kamusta ang mga silad aralan?” tanong ni Kimberly sa kambal.

“Walang mag-aaral sa school ngayon noh?” pabalik na tanong ng kambal.

“Wala akong nakita” sagot ni Romeo.

“ganun din ako” dagdag pa ni Isabel.

“nalaman kong sabado pala ngayon kaya walang mag-aaral” paglilinaw ng kambal.

“bakit naman dito tayo dinala ni Telma kung wala namang estud’yante?” tanong ni Romeo.

“May tumingin ba sa silid ng mga guro?” tanong ni Kimberly.

Doon napagdesisyunan ng lima na puntahan ang silid ng mga guro.

Cate Fog In TribeWhere stories live. Discover now