Chapter 7: She-Been

0 0 0
                                    

"Si Sandro?" tanong ni Romeo.

"'yung ang binanggit ni Telma na pangalan."

"Ibig sabihin kailangan na'ting pumunta sa kabilang school?" tanong ni Romeo.

"Ganun na nga." sagot ni Kimberly.

"Paano naman 'yun?" tanong ulit ni Romeo.

"Ako na ang bahala, may quiz bee ako sa makalawa, doon 'yun gaganapin sa paaralan kung saan principan si Sandro." sagot ni Isabel.

"Doon nga pala 'yun, kasama din kami doon" dagdag pa ng kambal.

"Ibig sabihin, kayo nalang tatlo ang mag-iimbestiga kay Sandro?" Tanong ni Romeo.

"Kasama din ako." sabi ni Kimberly.

"Sige, papaiwan nalang ako dito, oo nga pala, hinahanap na ni Sir Manikas ang file ni Telma, mabuti pa siguro isa uli na na'tin 'yan." babala ni Romeo.

"Sige, pero kopyahin na muna na'tin ang laman ng CD." sabi ng kambal.

////////

Dumating na ang araw ng quiz bee, si Isabel at ang kambal at sa pagalingan mag baybay sumali, sa mantalang si Kimberly naman ay sa question and answer, gaya ng mga nakaraang quiz bee, nanalo na naman si Kimberly, isa na naman parangal pang dagdag sa mga nakuha na n'ya ng una, nanalo rin si Isabel at ang kambal, nasa unang place si Milo at pumangalawa naman si Mila sa kanilang division.

Dahil sa school ni Sandro ginanap ang qiuz bee, isa s'ya sa mga nagparangal sa apat, habang ibinibigay ang award, isang bulong ang ginawa ni Isabel, "Alam na namin ang ginawa mo kay Telma.", hindi 'yun pinansin ng punong guro hanggang sa bulong naman ni Kimberly ang narinig n'ya, "Kailangan mong pagbayaran ang ginawa mo kay Telma.", muli hindi ulit 'yun pinansin ni Sandro, hanggang sa ang kambal naman ang sabay na nagalita, "Kitain mo kami mamaya pagtapos nito kung ayaw mong ipagsabi namin ang ginawa mo kay Telma.", sa pag kakataon 'yun nagsalita na ang punong guro.

"Saan tayo magkikita?"

Pinili ng apat ang stock room, isa kasi ang lugar na 'yun sa hindi napupuntahan minsan lang din bisitahin ng Janitor.

////////

"Ano na ang pinagsasabi ninyo?" tanong ng punong guro.

"Isa ka sa pinakamatalinong est'yud'yante sa school namin, kaya lang isa ka rin sa pinakamasama." sabi ni Isabel.

"Sabihin ninyo na ang pinupunto ninyo."

"Si Telma, ginahasa mo s'ya at kinuhaan mo pa ng video." sabi ni Kimberly.

"Saan nang gagaling ang pinagsasabi ninyo?"

"May file mula sa guidance office namin, doon namin nakita." sagot ni Milo at Mila.

"totoo ang nasa video, pero malaking kasinungalinga ang nasa file na sinasabi mo, hindi totoong ginahasa ko si Telma, at hindi rin totoo na ako ang kumuha ng video." mabilis at inis na sagot ni Sandro.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ng kambal.

Doon na nagkwento si Sandro ng bersyon n'ya ng nangyari noong panahon na 'yun, inamin n'ya na totoong pinayuhan n'ya si Telma na ipagamit ang katawan n'ya sa mga teacher para pumasa sa mga subject n'ya, pero ginawa n'ya lang daw 'yun dahil sinabi sa kanya ni Archi na gawin 'yun, nais daw kasi subukan ni Archi ang pagmamamahal ni Telma sa kanya.

Kung mapapayag daw ni Sandro si Telma makikipaghiwalay daw si Archi kay Telma, pumayag si Sandro sa kadahilanang may pagtingin pala s'ya kay Telma, at pag hihiwalay ni Archi si Telma, may pagkakataon na si Sandro sa pag-ibig ng dalaga.

HIndi naman daw n'ya inasahan na gagawin talaga ni Telma ang payo n'ya, sinabi rin daw kasi ni Archi na pipigilan n'ya ang si Telma sa payong gagawin ni Sandro.

Ngunit hindi 'yun ginawa ni Archi, sinabi pa ni Archi na katawan daw ni Telma ang hinihingi kong kabayaran sa payo ko, kaya nangyari ang nasa video, hindi na raw pinigilan ni Sandro ang pangyayari dahil gusto n'ya rin ito, ang hindi lang nila alam, kinukuhan daw ni Archi ang pangyayari at ipinakalat ito sa buong school.

"Bakit naman gagawin 'yun ni Sir Archi?" tanong ng kambal.

"Para makagraduate" sagot ni Sandro, doon pinaliwanag ni Sandro na hindi lang pala ang pagtatalik nila ni Telma ang nirecord ni Archi, pati rin pala ang pagtatalik na nangyari sa pagitan ng mga guro, ginamit 'yun ni Archi para pang black mail sa mga teacher at mabigyan s'ya ng hindi lang pasado kung 'di mataas na marka.

"Ibig ninyo po bang sabihin kasalaman lahat ni Sir Manikas lahat?" tanong ni Isabel.

"Hindi naman, may kasalanan din ako, pero hindi lang ako nakahingi ng patawad kay Telma sa nagawa ko, nakita ko nalang kasi s'yang patay na." sagot ni Sandro.

"Kailangan na'tin ulit makuha ang file ni Telma." sabi ng kambal.

"Baka madelikado ulit tayo nun." pag-aalalang sinabi ni Kimberly.

"May pangtawag ba kayo kay Romeo?" tanong ng kambal.

Ibinigay ni Kimberly ang kanyang cellphone at maswerte naman sumagot agad si Romeo.

"Sinunog na ni Sir Manikas ang file ni Telma." ito ang balitang nakuha nila mula kay Romeo.

Cate Fog In TribeWhere stories live. Discover now