Chapter 9: Hog-She-Ads

0 0 0
                                    

"Nakikita mo na ako Archi?" tanong ni Telma.

"Ginamit namin ang kakayahan ng duwende para magkausap kayo." sabi ni Isabel.

Hindi makapaniwala si Archi sa nakikita kaya hindi 'to makapagsalita.

"Pero anong ginagawa ni Archi dito? akala ko si Sandro ang dadalhin ninyo?" tanong ni Telma.

"Si Archi talaga ang may pakana ng lahat, ginamit n'ya lang si Sandro para makuha ang gusto n'ya." paliwanag ng kambal.

Humingi ng mas maayos na paliwanag si Telma na s'ya namang binigay ng lima, doon biglang nagsalita na si Archi.

"Papaniwalaan mo ba sila?" tanong ni Archi.

"Ano naman ang dahilan nila para mag sinungaling?" pabalik na tanong ni Telma.

"Nilinlang lang sila ni Sandro, iniba ni Sandro ang mga nangyari para ituro ako."

"Hanggang ngayon talaga Archi itutuloy mo ang pagsisinungaling mo?" isang pamilyar na boses mula sa dilim, nang matanaw na ni Archi kung kanino nang galing ang boses, nakita n'yang si Sandro pala ang nag salita.

"Anong ginagawa mo dito?" anong ni Archi.

"May mga est'yud'yante kasi mula sa school mo ang gusto akong makausap." sagot ni Sandro.

"Inutusan lang namang ako ni Mila at Milo na tawagan ang principal, mabuti nalang agad kang naniwala sa akin Sir." dagdag pa ni Romeo.

"Ngayon Archi, kung hindi totoo ang kwento ko, pwede mo bang i-kwento kung ano ang bers'yon mo ng nangyari?" paghahamon ni Sandro

"Plano mo ang lahat! kinuhaan ko lang ng video ang nangyari para ilahad ang kababuyan mo." sagot ni Archi,

"Ipinain mo sa akin si Telma, alam mong mahal ko s'ya kaya kumagat naman ako sa bitag mo, ang hindi mo lang alam, si Telma ang pinakanasaktan." naaasar na sinabi ni Sandro.

"Telma, ikaw na ang humusga kung sino ang tunay na may kasalanan." sabi ni Isabel.

"Hindi na ako pipili, pareho kayong pinaglaruan lang ako." galit na sinabi ni Telma.

"Anong gagawin mo sa kanila?" biglang tanong ni Kimberly.

"Isasama ko na sila sa hukay, doon lang ako matatahimik." sagot ng nanggagalit na dalaga.

"Hindi kami makakapayag, hindi tama 'yun." pagpipigil ng kambal.

"H'wag na tayong mangealam." sabi ni Kimberly.

"Pero hindi tama na pumatay ng tao." sabi ng Kambal.

"Kasalanan naman din nila kung bakit nagpakamatay si Telma eh, hayaan na na'tin sila." sabi ni Romeo.

"may iba pang paraan para makapagbayad ng kasalanan si Archi o Sandro." paliwanang ng Kambal.

"Telma, may iba pa bang paraan para matahimik ka ng hindi sila pinapatay?" pasigaw na tanong ni Isabel.

"Wala na, buhay kapalit ng buhay." sagot ni Telma.

Hindi ito ang nais ng kambal kaya kahit pinaalis na sila ni Telma, hindi sila umalis, nais ng kambal na pagbayaran ng may sala ang kamalian nila ng walang kailangang mamatay pa, pilit nalang silang hinihila ni Romeo at Kimberly kaya walang magawa ang kambal sa balak ni Telma, si Isabel nalang ang makakapagdesisyon kung hahayaan n'yang patayin ni Telma ang dalawa o pipigilan si Telma.

Tinignan ni Isabel ang reaksyon ng dalawa, pinipilit ni Archi na tumakas sa p'westo n'ya ngunit hindi s'ya makaalis, samantalang si Sandro ay nakatayo lang at hinihintay ang pagdating ni Telma.

"Telma! patawarin mo na ako, hindi ko naman alam na magpapakamatay ka eh." maluwa-luhang pakiusap ni Archi.

"Inaamin mo na ba ang kasalanan mo?" Tanong ni Telma.

"Oo, inaamin ko na, patawarin mo na ako." pakiusap ni Archi.

"Ikaw Sandro may sasabihin ka ba?" tanong ni Telma

"Wala, totoong may kasalanan din ako sa pagkamatay mo, kaya kung ano man ang magiging desisyon mo malugod ko 'yung tatanggapin." sagot ni Sandro.

"Gusto mo pa bang kumuha ng buhay mula sa kanila?" tanong ni Isabel.

"Anong bang mapapayo mo?" pahinahon na sinabi ni Telma.

"Narito kami para matahimik ang kaluluwa mo, kung papatay ka man, hindi na rin naman nun mababalik ang buhay mo, at baka lalong hindi mataimik ang kaluluwa mo." sagot ni Isabel.

"Ibig mo bang sabihin, hahayaan ko nalang ang ginawa sa akin ng dalawang 'to?"

"Para sa akin 'yun ang tamang gawin."

"Pero hindi 'yung ang dapat gawin." sabi ni Telma.

Nag-isip na muna si Telma ng ilang sandali, tapos ay nagtanong sa dalawang lalaki.

"Mayroon ba sa inyo na gustong sumama sa akin?"

Nag prisinta si Sandro nais n'yang sumama kay Telma, at tumingin si Telma kay Archi ngunit wala s'yang nakuhang sagot.

"Minahal mo ba talaga ako Archi?" tanong ni Telma.

wala ulit s'yang nakuhang sagot mula kay Archi.

Paunti-unti, nawala ang kaluluwa ni Telma at nawala ang mabigat na pakiramdam sa paligid.

////////

"Anong nangyari?" tanong ni Romeo.

"Tumawid na sa kabilang mundo si Telma." sagot ng kambal.

"Paano natahimik ang kaluluwa n'ya?" sumunod na tanong ni Romeo.

"Tingin ko hindi talaga paghihiganti ang layunin ni Telma, kung hindi pagmamahal, noong nakita n'yang wala naman pala s'yang nakitang pagmamamahal mula kay Archi, minabuti na n'yang tumawid." paliwanag ng Kambal.

"Mabuti na rin at tapos na." mahinahong pagkakasabi ni Kimberly.

////////

"Hindi na s'ya babalik 'di ba?" takot na tanong ni Archi

"Hindi na po, maayos na s'yang umalis sa school." sagot ni Isabel.

"Bakit hindi n'ya ako kinuha?" malungkot na tanong ni Sandro.

"Nakita kong natuwa s'ya sa sinabi ninyo kaya tingin ko hindi ka na n'ya sinama."

"Sayang, 'yun na sana ang pagkakataon kong makasama si Telma." panghihinayang ni Sandro.

Nagpaalam na ang lima sa dalawang principal, hinayaan na nilang mag-usap ang dalawa.

////////
"Natulungan naman na'tin si Telma 'di ba?" Tanong ni Kimberly.

"Tingin ko naman oo, hindi naman s'ya tatawid kung hindi s'ya kuntento sa resulta." sagot ng Kambal, sabay lingon kay Isabel at nagsabing "Isabel, marami ka pang ipapaliwanag sa amin."

"Ano na ang gagawin na'tin sa susunod?" tanong ni Romeo.

"Susunod? parang ayaw ko na." sagot ni Kimberly.

"Tingin ko, handa na kayo, mayroon pang mas malaking misyon tayong gagawin." sabi ni Isabel habang nakangiti.

"Malaking misyon?" pagtatakang sinabi ni Romeo.

"Tama, isang malaking misyon, pero kailangan ko muna kayong tanungin, gusto ninyo pa bang sumama?" Isang ngiti ang nakikita sa muka ni Isabel habang sinasabi ang katagang 'to.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 08, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Cate Fog In TribeWhere stories live. Discover now