Chapter 5: Photo-Graph-Her

0 0 0
                                    

Hindi ganoon kadali makausap ang kanilang punong guro, marami kasing meeting ang dinadaluhan nito, ngunit isang panuntunan sa paaralan na ang punong guro ang papalit sa gurong hindi makakapasok sa pagkakataon na 'yun kinausap ulit nila si Crissa.

"Pwede pa ba akong humungi ng pabor sayo?" tanong ni Isabel.

"Gusto mo na bang may magkagusto sayong lalaki?" pabalik na tanong ni Crissa.

"Hindi, may gusto sana akong pagbakasyunin na guro."

"Si Teacher Nelson ulit?"

"Hindi na, ibang guro naman" sagot ni Isabel.

Pinaliwag ng lima ang plano nila kay Crissa, at pumayag naman ito sa nais nila.

"Tungkol pa rin pala sa multo ni Telma." sabi ni Crissa.

"Gusto lang namin matahimik ang kaluluwa n'ya." sagot ng kambal.

"Kung ganun, bakit hindi ang principal nalang mismo ang gamitan ko ng magic ko?" suwest'yon ni Crissa.

"Kaya mo ba 'yun?" tanong ni Romeo.

"Oo naman, sabi sa inyo kahit sino eh." sagot naman ni Crissa.

"Sige, bukas papuntahin mo sa storage area ang pricipal," sabi ni Kimberly.

////////

Kinabukasan, pumunta si Crissa sa storage kasama ang pricipal.

"Gusto pa bang tangalin ko ang magic ko?" tanong ni Crissa.

"Makakausap ba namin ang pricipal kahit may magic mo?" tanong ng kambal.

"Oo naman, mas magiging totoo s'ya sa pag sagot." sagot ni Crissa.

"Sige, h'wag nalang." sabi ng kambal.

"Paano aalis na ako, may praktis pa kasi ako." paalam ni Crissa.

walang nababakas na reaksyon ang punong guro, ganito ang utos ni Crissa sa kanya.

"itatali ba na'tin s'ya?" tanong ni Romeo.

"Hindi naman siguro kailangan, nasa ilalim s'ya ng magic ni Crissa" sagot ni Isabel.

"Tingin ko mas mabuting itali na'tin s'ya, para sigurado lang." sabi ni Kimberly.

Itinali nila sa isang upuan ang punong guro.

Sinimulan ng kambal ang pagtatanong, "Anong relasyon ninyo po kay Telma?"

pagkasabi palang ng pangalan ni Telma nagiba na ang reaksyon ng punong guro.

"Anong ginagawa ninyo? bakit ako nakatali? nga bata, pakawalan ninyo ako." sabi ng pricipal.

"Nawala ang magic ni Crissa, mabuti pala tinali namin kayo." sabi ni Romeo.

"Anong bang nangyayari?" tanong ng Principal.

"May gusto lang po kaming malaman tungkol kay Telma." sabi ni Isabel.

"Kay Telma? paano ninyo nalaman ang pangalan na 'yun?"

"Alam po naming na dati ninyong kasintahan si Telma." sabi ng Kambal.

"Pwede bang kalagan ninyo muna ako?" pakisuyo ng principal.

"Hindi po ba kayo aalis?" tanong ni Romeo.

"Hindi ko alam kung paano ninyo nalaman ang tungkol sa amin ni Telma, pero kalokohan 'to mga bata, kalagan ninyo kayo, this is your last warning" babala ng Principal.

"Sagutin ninyo po muna kami ng maayos." sabi ni Kimberly.

"Mister ang Miss Ganobari, graduating na kayo 'di ba? gusto ninyo bang hindi 'yun matuloy?" sa tanong na 'yun ng principal napilitang kalagan s'ya ng kambal.

"All the five of you, in the guidance office, now!" Utos ng punong guro.

////////

Sa guidance office, nakita na agad nila ang masungit na muka ni Missus Tambura, ang guidance councilor, kinatatakutan kasi sa school ang guidance councilor, maaaring ipatawag ang magulang nila na sobra nilang ikahihiya.

"Kasalanan 'to ni Crissa." hindi pweding malaman ni Daddy 'to, pag-aalala ni Kimberly.

"Sa akin OK lang, baka matuwa pa nga si Mama at Papa." masayang pagkakasabi ni Romeo.

pinaupo sila ni Missus Tambura at agad pinagsabihan, umabot ng kalahating oras ang pangangaral sa kanila, hanggang sa dumating si Crissa.

"Excuse me po Ma'am, may pinabibigay lang po si Sir." sabi ni Crissa, lumapit si Crissa sa councilor at agad n'ya itong hinawakan.

"OK na, nasa ilalim na ng magic ko si Mrs. Tambura." masayang balita ni Crissa.

"Ayan ka naman sa magic mo eh, baka mawala ulit 'yan" sabi ni Kimberly.

"Hindi ko rin alam ang nangyari kanina, pero ito na si Mrs. Tambura, matagal na rin s'ya dito sa school, baka may alam s'ya." paliwanag ni Crissa.

"Sige, kakausapin namin ni Mrs. Tambura, pero h'wag ka na muna aalis ah." sabi ng kambal.

Pumayag naman si Crissa sa nais ng kambal.

"Ma'am, may alam po ba kayo tungkol kay Telma?" tanong ng kambal.

"Telma? maraming estud'yante na akong nakasamuha, hindi ko na maalala ang lahat ng 'yun." sagot ng councilor.

"Kay Principal Manikas po may alam po ba kayo sa nakaraan n'ya?" sunod na tanong ng kambal.

"Oo naman, anong tungkol kay Archi?"

"Gusto lang po naming malaman kung kilala ninyo ang dating kasintahan ni 'Archi'?"

"Hindi ko na kilala 'yun, unang nakita ko si Archi ay isa s'yang malungkutin bata, wala s'yang ibang kasama at iwas s'ya sa ibang mga mag-aaral." sagot ng councilor.

"Nabanggit po ba n'ya kung bakit?" tanong ng Kambal.

"Noong nakausap ko s'ya sinabi n'ya sa akin na tungkol daw sa mahal n'ya, tunanong ko kung kamag-anak n'ya, sinagot naman n'ya ako ng 'hindi', tinanong ko kung kasintahan n'ya at nakakuha din ako ng parahong sagot."

"Ma'am, noong pagdating ninyo po ba dito, may nabalitaan kayong estud'yanteng nagpakamatay?" tanong ni Isabel.

"May roon nang ganoong pang yayari, ang sabi-sabi nagpakamatay daw ang babaeng 'yun dahil sa sobrang kahihiyan n'ya."

"Paanong kahihiyan po?" tanong ng kambal.

"May kumalat daw kasing video ng babae habang nakikipagtalik, hindi pa ako ang guidance councilor noon kaya hindi ko masyadong alam ang nangyari, pero pwede kong nahapin ang file para sa inyo."

"Malaki pong tulong kung mahahanap ninyo po 'yun." sabi ni Romeo.

"Maiba ako, paano na ang kaso namin?" tanong ni Kimberly.

"Ako na ang bahala, ipapalimot ko kay Mussus Tambura." sabi ni Crissa.

"Paano naman kay Principal?" sunod na tanong ni Kimberly.

"Tingin ko, magdasal nalang tayong malimutan n'ya." nangungumbinsing sagot ni Crissa.

"Yari talaga ako sa magulang ko pag nalaman 'to" pag-aalala ni Kimberly.

Cate Fog In TribeWhere stories live. Discover now