Chapter 8: Wash-Her-Man

0 0 0
                                    

Kinabukasan, nagkita-kita ulit ang lima sa library, para planuhin kung paano nila makakausap ulit ang kanilang principal.

"Kung ipakia kaya na'tin sa kanya ang video?" suwestion ni Isabel.

"Baka mapagalitan lang ulit tayo." sabi ni Romeo.

"Pwede ba kung ano man ang iniisip ninyo h'wag na akong kasama?" pangangambang tanong ni Kimberly.

"Pero kailangan na'tin mapanagot si Sir Manikas sa ginawa n'ya kay Telma." sabi ng kambal.

"Ano bang plano mo?" tanong ni Kimberly.

"Hindi naman kasi epektibo ang magic ni Crissa sa kanya, kung sa pamamagitan kaya ng guidance councilor?" suwesyon ng kambal.

"Kay Ma'am Tambura?" tanong ni Kimberly

"Kailangan lang na'tin ng kaunting tulong ni Crissa." sagot ng kambal.

////////

Ginamit ulit nila ang maic ni Crissa sa councilor, ipinatawag nila ang punong guro sa office nito.

"Sir Manikas, may mga reklamo kasi sa inyo." sabi ng councilor.

"Anong reklamo naman Ma'am Tambura?" pagtatakang tanong ng principal.

"Tungkol sa pangyayari noong nakaraan, tungkol kay Telma."

"Sino naman ang magrereklamo sa pangyayaring matagal na naganap?"

"Kami po Sir." sagot ng kambal.

"Kayo na naman? gusto ninyo pa bang makagraduate?"

"Kung makapagsalita po kayo parang pinaghirapan ninyo ang paggraduate." sabi ni Isabel.

"Hindi ko gusto ang pagsasalita mo sa akin, principal ako sa school na 'to."

"Principal na hindi karapatdapat." sabat ni Romeo.

"diretsuhin ninyo na nga ako, anong ba ang gusto ninyong mangyari?"

"Gusto po naming pagsisihan mo ang nangyari kay Telma." sagot ng kambal.

"Ano naman ang kinalaman ko doon?"

"Kayo po ang nag record at nagpakalat ng video ni Telma." sagot ni Isabel.

"May patunay ba kayo sa sinasabi ninyo?" mayabang na tanong ng principal.

"Sinunog mo ang file ni Telma!" mabilis na pagkakasabi ni Romeo.

"Uulitin ko ang tanong, may patunay ba kayo sa ibinibintang ninyo?"

Walang nasagot ang lima.

"Mukang wala naman pala tayong pinag-uusapan dito, kung ganoon mga bata, pagbibigyan ko ulit kayo sa pangyayaring ito, pero ito na ang huli, kung mauulit pa 'to papatalsikin ko kayo sa paaralang ito." pagbabanta ng principal.

Agad umalis ang principal at naiwang tahimik ang lima.

////////

"Sabi sa inyo h'wag ninyo na akong isama." malungkot na sinabi ni Kimberly.

"Hindi na'tin s'ya na paamin." sabi ng kambal.

"Ano ka kasi ang plano mo?" tanong ni Isabel.

"Nirecord ko ang pag-uusap na'tin kanina, pero dahil wala s'yang inamin, hindi ko rin 'to mapapakinabangan." sagot ng kambal.

"Ibig sabihin kailangan na'tin s'ya mapaamin sa ginawa n'ya para mapagbayaran ang ginawa n'ya? wala na bang ibang paraan?" tanong ni Romeo.

"May naisip akong ibang paraan, pero delikado 'to." sabi ni Isabel.

"Kung direkta ulit na'tin kakausapin si Sir Manikas ayaw ko na." nangangamba ni Kimberly.

"Basta, magkita-kita ulit tayo mamayang gabi dito sa school." pag-iimbita ni Isabel.

////////

Dumating ang kinagabihan at pumunta naman ang apat sa yaya ni Isabel.

"Kakausapin ba ulit na'tin ni Telma?" tanong ni Romeo.

"Ang duwende ang kakausapin na'tin." sagot ni Isabel.

"pero wala tayong dalang likido mula kay Crissa." paalala ni Kimberly.

"Kaya nga bibigyan ko nalang s'ya ng ibang likido na tignin ko magugustuhan n'ya rin." sagot ni Isabel.

Nanguna ang kambal sa pagpasok sa gusali, agad namang humarang ang duwende at humingi ng alay, ibinigay ni Isabel ang dala n'yang likido at natuwa ang duwende.

"Makakadaan na kayo."

"Ikaw kasi mismo ang pakay namin ngayon." sabi ni Isabel.

"Ano naman ang kailangan ninyo sa akin?" tanong ng duwende.

"Pamilyar ba ang ibiniay kong likido sayo?"

"oo naman, isa 'to sa pinakamasarap."

"Bibigyan ulit kita n'yan kung tutulungan mo kami." sabi ni Isabel.

"Mukang magkakasundo agad tayo."

////////

"Ano ba ang likidong binigay mo sa duwende?" tanong ni Kimberly.

"Mahabang kwento, basta kailangan nalang na'tin mapapunta dito ang principal." sagot ni Isabel.

"Madaling araw na, paano pa na'tin mapapapunta ang principal?" tanong ni Romeo.

"Narito sa school ang principal, nalaman ko na t'wing gabi bago ang meeting sa faculty ay sa school natutulog ang principal."

"Ang galing mo naman, saan mo nakuha ang impormasyon na 'to?" tanong ng kambal.

"Mahabang kwento rin, tulungan ninyo na akong mapapunta ang principal." sabi ni Isabel.

"Teka lang, hindi namin tatanggapin na marami kang sinesekreto sa amin, sagutin mo muna ang mga tanong namin bago kami sumunod." sabi ng kambal sa mabagal na tono.

"Hindi na 'yun masyadong importante pero sige."

Pinaliwanag ni Isabel na sa kanya galing ang likidong ibinigay n'ya sa duwende, hindi pala ito ang unang beses na sinuhulan n'ya ang duwende, may mga pagkakataon kasing nagpupunta s'ya sa school para makausap ang mga kaluluwang naninirahan dito, sa mga kaluluwa naman n'ya nalaman ang tungkol sa pag tulog ng principal sa school t'wing bago ang faculty meeting, ginagawa daw ito ng principal para paghandaan ng mabuti ang meeting.

"Kung ganoon nakita mo na dati si Telma?" tanong si Romeo.

"Oo, pero hindi ko naman alam kung anong kwento n'ya, ngayon ko lang s'ya pinansin." nagmamadaling sagot ni Isabel.

"kung nagagawa mo namang palang tulungan ang mga kaluluwa dati pa, bakit mo pa kinailangan ng tulong namin ngayon?" tanong naman ni Kimberly.

"Hindi naman ako ang may dahilan kung bakit nabuo ang grupo 'di ba? isa pa, natuwa lang ako na may kasama na akong tumulong sa kaluluwa, masaya akong kasama ko kayo." nakangiting sagot ni Isabel.

"Sige na nga, papuntahin na na'tin si Sir Manikas." pag-yayaya ng Kambal.

Habang papunta sa kwarto ng principal, "Bakit pala hindi nalang na'tin papuntahin si Telma kay Sir Manikas?" tanong ni Kimberly

"Hindi naman nakakakita ng kaluluwa si Sir." sagot ni Isabel.

"At kung pupunta s'ya sa gusali makakakita na s'ya?" dagdag na tanong ni Kimberly.

"Doon papasok ang duwende, kaya ng duwende na buksan ang pakiramdam ni Sir Manikas para sa mga kaluluwa." sagot ni Isabel.

"Ibig sabihin makakakita at makakausap na n'ya ang kaluluwa?" tanong naman ni Romeo.

"Tama ka."

////////

Para mapapunta ang principal sa gusali kung nasaan ang duwende at kaluluwa ni Telma, kinuha ni Romeo ang laptop, ginising ang principal at nagpahabol hanggang sa gusali.

Ginamitan na ng duwende ng magic si Archi at nakita na n'ya ang kaluluwa ni Telma.

"Telma?" isang gulat na gulat na sinabi ni Archi.

Cate Fog In TribeWhere stories live. Discover now