Three

47 4 0
                                    

Chapter 3


Balik freshie na naman ako. Tinapos ko lang ang unang taon ko bilang BS Entrep student sa Ranai University, at uulit na naman ako ng 1st year para maging Visual Arts student sa Art School for the Elite. Kasalanan ko rin naman ito.


Right now, nakasakay ako sa car na galing from ASE. They called kanina before fetching me. Nag-drama pa nga si Kuya Vance bago ako umalis. Para namang hindi ko siya makikita tuwing Christmas or summer breaks. Pero possible nga na hindi ko siya makita if may mga activities siya outside the country sa mga panahong 'yun.


Also, I already sent an e-mail to my parents, informing them that they don't have to pay for my tuition anymore since I'm studying at ASE na. As usual, wala akong natanggap na reply. Sanay na rin naman ako.


Wala rin naman akong dinala na kahit ano doon. They will provide everything I need. Lahat ng damit, money, pagkain, items... school na ang bahala doon. Bawal rin ang gadgets. Tanging me, myself, and I lang ang kailangan nila.


I didn't read the school's terms and conditions that much, so I don't have any idea sa kung anong papasukin ko. Hindi rin naman nagbigay ng any tips or advice si Kuya and wala rin siyang masyadong experiences na ni-share sa akin, so I guess I have to learn it all by myself.


After 2 hours maybe, nakarating na kami sa ASE. I'm surprised na ganito pala talaga kaganda ito sa personal. I already went to a lot of mansions and villas, but I've never seen anything like this before. I'm not going to lie. I am struck by the grandeur of the school.


If I could describe Art School for the Elite in one thing, I would say that it's majestic. Para itong palace— no, palace talaga siya. Talaga bang pagmamay-ari ito ng gobyerno? Ganito ba talaga kayaman ang Pilipinas? Kasi hindi ko ramdam based sa mga nababasa kong articles and napapanood kong news.


The driver opened the door for me. Muli akong tumingin sa ASE. Grabe ang architectural style nito. Is this really going to be my home for the next four years?


I started walking through the magnificent arched doorway. I saw a man and a woman standing and waiting for me at the entrance. Mukha rin silang students.


"Welcome to the Art School for the Elite, Miracle!" The guy energetically greeted me. Siniko ito nang babae na para bang nagsasabing umayos ka. Hindi ito pinansin ng lalaki at patuloy lang akong kinausap. "I'm Ashton, a 4th year music student."


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Art School for the EliteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon