Chapter 9
Dali-dali akong tumakbo sa building ng Performance Department. Na-late kasi ako ng gising dahil alam kong wala kaming class this morning. Hindi rin ako ginising ni Alice dahil alam niyang magagalit ako 'pag kinatok niya ako at nalaman kong wala naman palang kwenta 'yung sasabihin niya. Pero nakalimutan kong naka-sched pala na magkikita kami ni Hades.
"Why are you late?" Hades asked as soon as he saw me. Huminga muna ako ng malalim dahil hingal na hingal ako sa pagtakbo bago sumagot.
Tumingin ako sa orasan. It's 9:02 am. 9 o'clock ang usapan namin. "Parang sira naman. 2 minutes lang akong late, galit na galit agad?"
Hindi siya sumagot but instead, hinagis niya sa akin 'yung bag niya. "Oh, buhatin mo 'yan."
Wala akong nagawa kung hindi ang saluhin ito. Fuck, ang bigat.
"Let's go."
"Hoy, hindi mo ako alalay!" I shouted, and he just kept on walking like he heard nothing.
"Jerk." Mahinang sabi ko pero narinig niya pa ata. Huminto siya sa paglalakad at nilingon ako.
"What did you call me?" Hades asked. "Maybe I should let you know that I'm actually the nicest person ever. And my friends can attest to that."
"Wow, friends. That's surprising. Natitiis nila ugali mo?" I replied as I rolled my eyes.
Sunud-sunuran lang ako sa kanya habang buhat-buhat ang bag niyang napakabigat. Ano bang laman nito? Bato?
Pagkarating namin sa practice room ay inilapag ko na sa sahig ang bag at umupo sa sofa. Ganoon din ang ginawa niya. Nanahimik kami for a couple of minutes.
"Hoy, kuhain mo nga 'yun." Turo niya sa gitara na nakasandal sa pader.
"Bakit hindi ikaw ang gumawa? Wala ka bang paa at kamay?" Sinamaan niya ako ng tingin kaya naman padabog akong tumayo at inirapan siya. Kinuha ko ang gitang pinaaabot niya. Nakakailang utos na siya sa akin ngayong araw ha, eh samantalang hindi pa kami nagsisimula. Ang alam ko kasi talaga, nandidito ako para gumawa ng stupid project at hindi para maging alalay ng isang Hades Breckenridge.
"Nagrereklamo ka?" He asked.
"Ay, hindi? Tuwang-tuwa pa nga ako. Hindi ba halata?" I smiled sweetly at him. A sarcastic sweetness. "Sige, utusan mo lang ako. Yes, no problem."
"Baka nakakalimutan mong sa akin nakasasalay grades mo?"
"Oh, edi sa'yong-sayo na grades ko. Lamunin mo pa. Akala mo naman hindi rin sa akin nakasasalalay ang 40% ng grades mo?" Sagot ko at binigay sa kanya ang gitara. "Akala mo naman ang galing-galing mo, eh 2 days na nga tayong nagtatrabaho, wala ka pa ring maisip na gagawin."
BINABASA MO ANG
Art School for the Elite
Roman pour AdolescentsArt School for the Elite? Ah, the prestigious art school in the whole world that only accepts elite students with outstanding artistic abilities. Kristine Miracle Morgan, an art prodigy, is already determined not to go to ASE. Art will always hold a...