Six

32 3 0
                                    

Chapter 6


Mabuti na lang at walang social media dito. Walang cancel culture. Si Natasha Jane Sy lang naman pala ang aksidenteng natapunan ko ng juice. Malay ko ba kung sino ang babaeng 'yun? Do I really have to memorize the names and faces of every students here?


It seems like I already won the popularity award. Ever since 'nung Freshie night ay matunog na matunog ang pangalan ko sa buong school. I'm no longer known as the prodigy or Vance's little sister but now remembered as a brave Freshie who spilled an apple juice on Natasha's dress.


It's because of that stupid Hades.


Doesn't he recognize me? I was his friend when we both accepted the award.


Pero sino nga bang makakaalala 'non? We were nine and ten years old at that time. It's been 10 years. Sobrang tagal na 'non. Ang laki ng pinagbago niya. Kahit nga ako, hindi ko siya namukhaan kung hindi ko lang nalaman 'yung name niya.


Honestly, I totally forgot him. After the awarding, we lost connection and ngayon ko na lang siya ulit naalala. Everything about him changed, especially his eyes. His eyes are so pretty, but they look so sad. Nasaan na 'yung masiyahing Hades Breckenridge?


"Ang lalim ng iniisip mo, Miss." Pansin sa akin ni Alice habang nagda-drawing siya. Nagpapa-design kasi ako sa kanya ng mga dresses for future events. Hindi ko rin alam kung kailan ang next party pero excited na ako dahil gusto kong itama 'yung image ko.


Kuwento sa akin ni Alice usap-usapan daw sa assistants' area na marami daw na students na nasa side ko at tuwang-tuwa sa nagawa ko kay Natasha. Pero mas marami ang galit dahil nga she's Natasha Jane Sy. One of the students who won the Popularity Award. Meaning, madaming supporters.


Biglang nag-ring ang telephone at sinagot naman ito ni Alice. This telephone only works inside this school. Hindi siya connected sa linya ng iba.


"Miss Miracle, pinapatawag daw po kayo ni Miss Mayne." Hearing those words caused me to panic. Is this because of the accident? It's been two days already, hindi ba sila makamove-on?


Napatayo ako sa kama ko at pumunta sa office ni Mayne. Syempre, tinginan pa rin sa akin ang mga students. Wala ba silang ibang gagawin kung hindi ang pansinin ako? They must have so much time in their hands.


Pagpasok ko sa office ay nadtanan ko si Mayne na may kausap sa telephone.


Nilibot ko ang mga mata ko. Napakalaki ng office na ito kung para sa kanya lang. I assume this is the student council room pero wala akong nakikitang ibang meeting area nila maliban sa small sala nito.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Art School for the EliteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon