Chapter 4: Get to know you

4 0 0
                                    

Felix POV

Last set na, dikit yung score namin. Infairness, may ibubuga naman sila. Isa pa sa hindi ko inexpect nandito si Ms. Breathless. Si maddi, taga dito pala siya sa University. Tanga mo Felix. 

"Guys, kaya to! Last set!" Sigaw ko. I'm pretty sure na sure win na to. 

"Mine" Habang hinahabol ang bola. "Set set!

Pagod na pagod na ko. Halos ako na lang gumagawa.

"Go felix, go Guys!"

But then someone cheer us up. Cheer me up. It was Maddi. Kahit papaano ginanahan ako dun ah. Bwisit talaga tong babaeng to. 

And hindi ako nagkamali, we won. Kami pa ba? 

After ng game pumunta muna ko sa Quarters, para magshower at makapagpalit na din. 

"Uy ang pogi nung number 2 kanina" kinikilig na sabi ni Daniel

"Hahaha nako ako nga nakuha ko na number eh" pagmamayabang ni Max. 

"Oh my what? Nakuha mo na ayts?" Inis na sabi ni Daniel. 

"Ang chaka naman nung mga yun eh. Walang pogi" sabi ko pagkalabas ng banyo. 

"Ewan ko sayo Felix wala ka talagang taste che!" Max. 

"Che bahala kayo dyan, labas lang ako" paalam ko. 

Paglabas ko sa Quarters, unti unti ng nawawala ang mga tao. Pero hindi nakaligtas sa paningin ko si Maddi, na kasalukuyan ng pababa sa blechers. 

Pinuntahan ko sila bago pa sila makaalis. Nakatalikod sa gawi ko si Maddi. 

"How's the game?" Tanong ko sa kanila

Maddi's POV

"Wow, ang intense ng laban. Ang hot ni Fafa felix" kinikilig kilig pang sabi ni Lina.

"Nasan ang hot dun, ang lambot lambot nga eh" iritang sabi ko. 

"Bakit ba ang bitter mo dyan? akala mo naman" 

"Nye nye, tara na baba na tayo"  

"How's the game?" Someone asked

"Okay naman galing nila Felix" Paglingon niya "Ay kalabaw! Este uy felix" muntik na ko matumba sa gulat. 

"Magaling pala eh, Salamat sa cheer ha!" Sabay kindat. 

"Care to introduce mo, Maddi?" singit ni Lina

"Ay Felix, bestfriend ko pala si Lina, lina si Felix" pakilala ko. 

"Hi" tipid na bati ni Felix

"Hello Felix, super fan mo ko" tuwang tuwang sabi ni Lina. Bubulong kay Maddi "Leche kang babae ka kilala mo pala si Felix mamaya ka sakin" 

Inirapan ko na lang siya. 

"Congrats nga pala Felix tsaka sa team niyo, galing niyo" with my genuine smile. 

"Thank you Maddi, uuwi na ba kayo?" tanong ni Felix

"Hindi pa naman baka magstay pa kami, may next class pa kami eh mamaya pa"

"Tara kain tayo, my treat" yaya ni Felix

"Ahhhhm" Pag iisip ko. "Tara saan ba?" Singit ni Lina

"Tara dyan na lang sa Starbucks" 

Ang dami na naming napag usapan gaya ng HRM student pala si Felix. Yung mga tropa niya pala Fashion Designing naman. Beki talaga. Nag HRM pa to kunyare para safe. -.- 20 yrs old na pala to. 

"So paano pala kayo nagkakilalang dalawa?" maangas na tanong ni Lina

"Ahhhhm ano" pag iisip ko. 

"We meet kasi yung friend ko kakilala siya. That's why" saad ni Felix

Nakahinga ako ng maluwag dun. Buti na lang mabilis utak neto ni Bakla. hay

Matapos ang isang oras. 

"Ayyy kaimbyerna, guys. Una na ko ah  may ipapasa pa kong assignment eh." sabi ni Lina

"Eh? bakit biglaan?" Tanong ko. 

"Ewan ko ba kaya nga ko naiinis nag post yung prof eh" inis na sabi ni Lina. 

"Oh sige text mo na lang ako." 

Pagka alis ni Lina

"Ang bilis ng utak mo dun ha. Not bad" sabi ko

"Ako pa ba, halata ka nga eh buti na lang nakaisip ako agad ng alibi" tuwang tuwang sabi ni Felix

"Yabang mong bakla ka" bulong ko

"Ano sabi mo?" tanong ni Felix

"Wala sabi ko ang ganda mo" pag iiba ko ng topic. 

"I know right. small thing" sabay hawi kunyare ng buhok. 

"Ladlad na ladlad naman kabaklaan mo" Saad ko. Na napalakas yata. 

Lumapit siya na halos inch nlang ang layo. 

"Subukan mo naman hinaan yang boses mo. Kung hindi hahalikan talaga kita" banta niya. 

"Tsssss" Then I look away. Feeling ko ang pula pula na ng mukha ko. 

Tumayo na ako. 

"Alis na ko, start na ng klase ko oh" paalam ko.

Hinablot nya yung kamay ko. Na nagpatigil ng sistema ko. Shit. 

"Yung phone mo naiwan mo" sabi niya

"Ayts! Leche, thank you"

"Ayan may sakit ka ng kalimot" biro niya. 

Habang naglalakad ako paalis. Maganda nga tuluyan ng may sakit na kalimot eh para makalimutan ko yung mga muntik na mangyare between us. Aish! Jusko! 

If I fall for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon