Chapter 7: Love Sick

3 0 0
                                    

Maddi's POV

       Bwisit talaga tong baklang to. At nakuha pala niya ang number ko ha. Ano naman kayang gagawin ko para makabawi dun? Bahala na si Green Lantern. 

Calling Felix Bakla...

Ang tagal naman sagutin. May kalampungan pang lalaki sguro yun. 

"Hello?" Wow husky voice shit shit. 

"Uy bakla, anong room number mo pala?" tanong ko. Sa tagal ba naman nun malamang nakalimutan ko na. Almost 2 months na yata nakakaraan. 

"Parang hindi pa alam sus" For sure nakangisi tong unggoy  na to. 

"Hoy, bwisit ka!, tagal tagala na nun, do you think naalala ko pa?" Irita kong sabi. Pero deep inside gosh. I remember the days when your here with me~ 

"Room 209" nabalik ako sa realidad. 

"Okay, anong pagkain gusto mo?" Tanong ko. 

"Don't bother" sagot niya. Ang hina ng boses. 

"Okay, I'm on my way" sabi ko. 

"okay" sagot niya. matapos akong babaan. 

Sungit nun meron lang? O wala sa mood? Ay bahala ka ngang bakla ka. 

Nakarating na ko sa tapat ng Condo unit niya. At iritang irita na ko kanina pa ko dito. Bakit ang tagal naman buksan. 

"Last na tong doorbell ko, uuwi na talaga ko" bulong ko. 

Finally bumukas din, iniluwa si Super Hot este si Felix. Kasi naman kamusta, yung outfit niya. Boxer shorts tapos sando. Emerged! 

"Ahm. Felix are you okay?" Pag aalala ko. 

"I'm okay" bulong niya. Papunta siya sa room niya. Sinundan ko naman siya. 

"Magbihis lang ako, labas ka muna" pagpapalayas sakin. 

"Okay"

Pag labas niya ng kwarto, papunta na siya ng kusina. Hinila ko siya. 

"I know you're not okay" Kinapa ko yung noo niya pati leeg niya. "Ang init init mo"

"I'm okay" irita niyang sagot. 

"Ang kulit mong bakla ka, hindi ka nga okay. Tara humiga ka muna sa kama mo" tulak ko sa kanya pabalik sa kwarto niya. 

"Tssss nasobrahan sguro ako sa pagka Hot" biro niya. 

"Nakakataas din pala ng confidence yung lagnat no?" sarcastic tone

"Diba sabi ko I will make it up to you, I guess dito na ko makakabawe." I smiled "Tulog ka na dyan, paano ba to. Ano bang kinakain pag may sakit? Pwede sopas diba?" tanong ko. 

"Kawawa ka naman, walang alam, oo pwede ung sopas" ngising sagot niya. 

"Oo na, diyan ka lang magluluto lang ako" akala mo naman kaya nga ko nagtatanong eh ikaw na hrm. 

"All ingredients are there" sabi niya

"Edi ikaw na, Hrm eh" biro ko bago maka alis

Felix POV

Somehow I'm happy, blessing in disguise yata ang pagkakasakit ko. Ano ba tong pinagsasabi ko. 

Infairness pwede na mag care giver tong si Maddi. 

"Here naluto ko na ung Maddi's special sopas. Tadaaaa" masaya niyang sabi. Simple gestures bakit ang cute? bwisit! 

"Masarap ba yan? walang lason ah!" saad niya. 

"Masarap to, Yung lason nakalimutan kong lagyan sayang!" sabi niya. Hinayang na hinayang pa yung mukha. 

"Loka loka ka so may balak ka pala talagang lagyan. Leche!" 

"Hahahaha. Ang daldal mo bakla. Kain na" utos niya. 

"Subuan mo ko" maangas kong sabi. 

"Pagkaka alam ko may lagnat ka, hindi baldado." Maangas niya ding sabi. 

"Dali na, you will make it up to me remember?" paawa effect ko. 

"Fine fine, lagi na lang yun ung excuse mo" ngiti niyang sabi. Nakita niya yung pasa ko sa labi. "Grabe ang laki pala ng pasa mo, masakit pa ba yan?" pag aalala niya. 

Nakatingin lang siya sa mukha ko. Nahuli ko ung mata niya. We end up looking at each other. Tangina parang huminto ung oras eh...... 

Back to reality.

"Ahmm Oh k-kainin mo na yan. Ikaw na kumain mag isa" sabi nya sabay tayo. 

"Masarap naman pala eh, infairness"compliment ko. 

"I know right, ubusin mo na yan para makainom ka na ng gamot. Ililigpit ko lang kalat ko sa kitchen" paalam niya. 

Ilang oras din akong natulog. Naramdaman ko oras oras may nagpapatong sa noo ko ng basang bimpo. It's Maddi. Grabe puyat na tong babaeng to. 

"I hope, gumaling ka na Felix" bulong niya. 

Around 4am, nagising ako. And I saw Maddi beside me, peacefully sleeping. Nakatungo ung ulo niya sa kama. Tingin ko pa lang pag gising nyan masakit likod nyan. Nakita ko din ung kamay niya may mga paso. 

Sopas lang niluto ganyan na. I'm okay now. Ang gaan gaan na ng pakiramdam ko. "Thank you Maddi" bulong ko sa kanya. 

What an angelic face. Pero pag nagising parang dragon. Binuhat ko siya, at hiniga sa kama ko. 

"Ang gaan gaan mo naman, ano ba kinakain mo hangin?"

If I fall for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon