Chapter 13: Peanut Cookies

1 0 0
                                    

Maddi's POV

          Kakatapos lang namin mag practice. Dang! The final day is coming. Infairness kinakabahan ako ah. But then masaya ko sa grupo namin. Nadagdagan kami ng 2 boys. Isang bahista at drummer. Ang babait nila. We decided to name our band. "Business Harmony" Kasi business administrator kami lahat, and harmony because lahat kami may kanya kanyang passion sa pagtugtog. 

"Final na yung kanta natin ah, ipapasa ko na to sa Faculty" sabi ni Lina bakit parang ang blooming nitong lokaret na to. 

"Yes, final na yan" ngiti kong sabi. 

"Final na yan, bagay na bagay kay Maddi yung mga kanta eh" sabi ni Timmy drummer namin. 

"Sus, nangbola kapa Timmy" sabi ko. Si Patrick naman ung bahista namin tahimik lang. Pag kinakausap dun lang siya magsasalita. 

"Guys, gawin natin lahat. Let's feel the moment sa day na yun" saad ko. 

"Yeah!" sigaw naming lahat. 

Habang naglalakad kami. Itong si Lina parang timang pangiti ngiti habang hawak yung cellphone niya. 

"Hoy lokaret ka, nginingiti ngiti mo dyan, para kang timang" basag ko sa trip nya

"Ano ka ba, ngumingiti lang timang na?" bulyaw niya sakin. 

"Sus, umamin ka nga sakin anong meron?" tanong ko. 

"Wala ah, Ayy bff una na ko nagtext si Mama. May dinner kami tonight" paalam niya sakin

"Okie dukie, ingat ka ha!" sigaw ko bago pa siya makalayo. 

Sus naturingan akong bestfriend, pinaglilihiman ako. Malalaman ko din yan loka loka ka. 

When I dream about you

that's when everything's all right~

Felix bakla calling.....

"Hello baks?" 

"I bake some cookies, do you want some?" sabi niya sa kabilang linya

"Anong gagawin ko?" pambabasag ko. Hahaha mairita ka lang bakla. 

"Leche Okay" nawala sa mood. Huktay tayo dyan.

"Hahaha wait I'm just kidding, okay I'll be there" sabi ko na medyo natatawa pa. 

"Akala mo naman kinaganda mo. Bilisan mo na"  asar na to for sure. 

"Okay okay,turuan mo ko gumawa pagdating ko" sabi ko sa knya.

"Okie dukie. Byeee" paalam niya. 

As the time goes by, habang tumatagal nagiging close na talaga kami ni Felix. Madalas akong tambay sa condo niya. Minsan naman siya yung mangungulit sakin. At ito na naman siya, papakainin na naman ako ng mga pagkain niyang masasarap. Edi siya na che! Pero atleast busog na naman ako.

"Ilalagay ba ng sabay ung Baking soda pati yung Cocoa?" tanong ko kay Felix. 

"Yes, ilagay mo na. Buhos mo lahat." sagot naman niya habang nasa tapat siya ng oven. Kinukuha niya na kasi ung mga una niyang niluto bago pa ko dumating. 

"Here tikman mo to" sinubuan niya ko. Sweet ah. 

"Ahhhhm sarap siya ha!" sabi ko habang ngumunguya nguya pa. Pero wait bakit may nalasahan ako peanut. Napalingon ako sa table, may peanut nga. Shit shit. 

"Ah, Felix may peanut ba to?" medyo hindi na ko makahinga ng ayos. 

"Yup, sarap no? Chocolate peanut cookies yan" pagmamalaki nya. 

"O-oooh ang sarap ngaaaa shit" napahawak ako sa leeg ko. Hindi na ko makahinga. 

"Hey, Maddi are you okay?" dali dali siyang lumapit sakin. Alalang alala. 

"F-felix I'm a-allergic to p-peanuts" hindi na ko makapagsalita ng ayos. 

"Shit shit bakit hindi mo sinabi" frustrated nya sagot. "Dadalhin na kita sa ospital" alalay niya sakin. 

Hinawakan ko siya "J-justtt get my m-meeeedicine, nasa pocket ng bag k-kooo" shit ang hirap huminga. 

"Okay okay, stay there" tumakbo na siya papunta sa sala. "Hereeee drink this Maddi" nanginginig na yung boses niya. 

Agad ko namang ininom yung gamot ko, shit buti na lang dala ko lagi yun. I'm allergic sa peanuts high school last na inatake. Ngayon na lang ulit ako kinabahan dahil sa allergic na to. I feel better now. Binuhat ako ni Felix papuntang sala. 

"Hey, Maddi are you okay now?" "Kamusta nakakahinga ka na ba?" "Maddi tell me" sunod sunod niyang tanong. 

"I'm okay now." ngiti kong may assurance. "Thank you..... " hindi ko natapos yung sasabihin ko, Felix hugged me, so tight. 

"Maddi, I'm very sorry hindi ko alam" konting tiis iiyak na tong baklang to. "Tangina, anong gagawin ko pag nalagutan ka ng hininga dyan tss" iritang sabi niya habang nakayakap pa din sakin. "Natakot ako dun ah" dagdag niya pa. Putcha huwag kang ganyan Felix, kinikilig ako

"Hahaha natakot din ako no. Akala ko ikaw papatay sakin eh. Mumultuhin talaga kita" pagbibiro ko. 

"Shit naman Maddi hindi biro nangyare sayo" pagalit niya sakin. 

"Sorry naman, kasi naman kung hindi mo ko pinakain ng peanut"nguso kong sabi. 

"Now I know bawal ka sa peanut, dadamihan ko next time" biro niya. 

"Siraulong bakla!" sigaw ko. 

"Sure ka bang okay ka na?" tanong pa niya. 

"I'm pretty sure, walang tiwala?" Ito talagang baklang to. Kung hindi ka lang pogi nako. 

Felix POV

         Tuwang tuwa pa naman ako, pinagmamalaki ko pa yung Peanut chocolate Cookies ko. Feeling ko meron na kong sakit sa puso,kaloka. Seeing Maddi like that, nakakatrauma. Hirap na hirap siyang huminga. Lintik na Mani yan! 

"Hindi ko alam anong gagawin ko, pag may nangyaring masama kay Maddi, lalo na involved ako. I can't bare losing Maddi. "

"WHAT A DAY!" bulong ko sa sarili ko. 

If I fall for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon