Chapter 15

2.8K 36 2
                                    

Angel's P.O.V.

Normal naman ang takbo ng mga sumunod na araw ko. Hindi ako gaanong na-stress sa bahay. Wala akong naririnig na ingay mula sa family ko. Dahil sinisigurado ko na pag uwi ko ay tulog na ako at aalis ako bago pa sila magising.

Minsan naman ay napapadalaw ako sa bahay nina Yesha upang makipag-kwentuhan sa kanya. Minsan naman ay inaaya ko si Yssa uminom. Masarap ayain si Yssa. Hindi umaayaw kapag niyayayang uminom. Katulad ko rin s'ya, hindi mabilis malasing.

Hindi katulad kay Yesha na sobrang bilis mahilo. Minsan naman ay hindi mo rin mapapainom. Pero syempre, hindi na namin pinipilit. Kung ayaw uminon, h'wag na pilitin. Tapos ang usapan.

Nadalaw ko rin si Yvonne noong nakaraang gabi pero parang hindi pa rin s'ya okay. Pakiramdam ko ay may problema sila ng boyfriend n'yang si Lester at ayaw n'ya lang magsalita. Minsan ay nginingitian ako pero alam kong sa loob-loob n'ya ay malungkot s'ya. Nakikita ko rin ang mga lungkot na iyon sa mga mata n'ya. Nakakapagtaka lang dahil hindi naman sila nag-aaway ng umaabot ng ilang araw. Sobrang mahal ni Lester si Yvonne at hindi nito kayang tiisin si Yvonne. Bihira nga lang silang mag-away kaya naman ay nakapagtataka kung bakit parang hindi pa rin sila okay hanggang ngayon.

Si Blake naman ay medyo naging busy nitong nakaraang araw. Pero kahit papaano ay nakakasabay pa rin namin na mag-lunch. At ito namang si Kio ay ganoon pa rin. Minsan okay, minsan naman ay may topak.

Huling bisita ko naman sa computer shop ay noong linggo na kasama ko si Kio. Hindi na ako nakabalik pagkatapos ng araw na iyon dahil sa school. Ayos lang rin naman kay Cherry na hindi ako nakabisita. Wala rin naman s'yang ginagawa maliban sa magbantay ng shop.

Saturday ngayon at wala akong alam kung ano ang plano ko bukas. Pero baka hindi rin ako makakapunta bukas sa shop. Gayunpaman, titingnan ko pa rin kung kaya kong pumunta.

Lunch break ngayon at nandito ako sa canteen. Hindi ko alam kung nasaan sina Kio at Blake. Hindi pa kami nag-uusap at nagkikita simula kaninang umaga. Malamang ay busy ang dalawang iyon. Siguro ay kakain ako ng tanghalian na mag-isa.

"Nasaan si Kio?" Biglang sipot ni Blake sa harap ko at umupo.

Nakakagulat naman ang isang 'to.

"Ewan ko. Dapat nga ay ikaw ang tinatanong ko." Sabi ko.

Nagkibit-balikat s'ya at nilapag sa mesa ang tray na may mga pagkain. "Hindi ko rin alam. Hindi ko pa s'ya nakikita simula kaninang umaga."

"Absent ba s'ya?" Tanong ko sa kanya.

"Siguro. Pero nagsasabi naman 'yun sa'kin kung a-absent s'ya." Aniya at sumubo ng kanin at ulam.

Napakunot ang noo ko. Kinuha ko ang cellphone mula sa bag at tiningnan kung nag-text ba si Kio.

Walang text o tawag.

Nag-check rin ako sa messenger pero wala rin. Pati sa snapchat at instagram ay wala rin.

"Ano ang nangyari sa kanya?" Nagtatakang tanong ko.

"Hindi ko rin alam. Wala namang sinasabi."

Pupuntahan ko na lang s'ya sa bahay n'ya mamaya. Wala namang pasok bukas kaya pupuntahan ko na lang s'ya.

Ang totoo niyan ay nag-aalala na ako sa kanya. Minsan kapag kasama ko s'ya, biglang makikitawa, tatahimik at pagkatapos maya-maya ay bigla na lang s'yang malulungkot.

Ibang-iba ang Kio na nakilala ko noon kumpara sa Kio ngayon. Ilang linggo na s'yang ganyan at hindi ako sanay. Mas gusto ko ang dating Kio na nakilala ko at hindi ang Kio ngayon na hindi ko naiintindihan.

Napakunot naman ang noo ko habang pinapanood si Blake na kumain. Tuloy-tuloy lang s'yang kumakain ng tahimik. Nanatiling nakayuko at nakapatong ang dalawang siko sa mesa at hindi inaangat ang ulo.

Don't Sleep With Your Best Friend (R18) [Under  Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon