Chapter 3

6K 77 3
                                    

Angel's P.O.V.

Mag-iisang oras na ako dito sa bakanteng room na katabi ng room ni Blake. At dahil wala akong magawa ay kinalikot ko na muna ang cellphone ko. Kasalukuyan ko s'yang hinihintay dahil nasa kanya ang susi ng motor ko. At oo, talagang nagmatigas s'ya na hindi ibigay sa'kin ang susi.

Pansin kong may nagsilabasan na engineering students at dumaan sa tapat ng room kung saan ako tumatambay. Napapalingon ang iilan sa'kin pero hindi ko na pinansin.

Napatingin ako sa oras gamit ang relo ko. "6:05 pm. Ang tagal pa."

Itong hayop na ito ay sinasayang ang oras ko. Kapag ako ay tuluyang nainis sa kanya, hindi ako magdadalawang isip na sakalin s'ya.

Narinig kong may pumasok sa silid na ito kaya nilingon ko kung sino iyon.

"Ano ang ginagawa mo dito?" Tanong ni Kio na kakapasok pa lang dito.

Wala na rin pala s'yang klase. Siguro ay mga kaklase n'ya ang mga nagsilabasan kanina.

"Si Blake." Sagot ko.

"Bakit?" Tanong n'ya at umupo sa tabi ko.

"Nasa kanya susi ng motor ko." Sagot ko.

Tumango-tango naman s'ya. Halatang naintindihan n'ya kaagad ang sinabi ko.

"7:00 pm pa yata ang out n'ya." Aniya.

"Oo nga. Isang oras na nga ako dito." Inis na sabi ko. "Tapos ngayon ay maghihintay na naman ako ng panibagong isang oras bago s'ya makalabas."

Gigil na gigil na ako pero kaya ko pa namang pigilan.

Natawa s'ya. "Sabay ka na sa'kin. Iwanan mo na s'ya."

"No." Kaagad na sagot ko. "Hindi ako mapapakali hangga't hindi ko kapiling ang baby ko."

"Tsk." Napairap s'ya at sumandal sa pinto. "OA."

"Bakit? Ganoon ka rin naman sa kotse mo." Sabi ko.

"Sabagay." Sang-ayon n'ya. "Samahan na lang muna kita hanggang 7:00 pm."

"H'wag na. Baka mamaya ay may gagawin ka pa."

Wala namang problema sa'kin na sasamahan n'ya ako basta ba wala s'yang gagawin mamaya at hindi n'ya pagsisisihan na samahan ako dito pansamantala.

"Wala akong gagawin kaya ayos lang." Aniya.

Pumayag na ako. S'ya naman ang nagsabi at hindi ko s'ya pinilit na samahan ako. Ako pa ba ang tatanggi samantalang malaking pabor 'to sa'kin para hindi ako ma-bored at mainis lalo dito.

Nagkwentuhan kami ng kung ano-ano. Hindi ko na rin namalayan na umabot na pala ng kalahating oras ang kwentuhan namin. Kung ikukumpara ko s'ya kay Blake, mas masaya s'yang kakwentuhan. Mabait si Kio, gentleman hanggang kama. May mga nagkakagusto sa kanya pero ayaw n'ya munang magkaroon ng girlfriend. May mga past relationship na rin s'ya pero parang katulad ko rin, ayaw na munang pumasok sa panibagong relationship. Hindi naman totally toxic ang nakaraan n'ya, sadyang pinili ng ex-girlfriend n'ya ang pag-aaral dahil hindi nito kayang pagsabayin ang pag-aaral at pagkakaroon ng nobyo.

Noong una ay nahirapan si Kio na intindihin ang ex n'ya kung bakit kailangang umabot sa break up. Pero kalaunan ay naka-move on s'ya. Hindi naman s'ya naging bitter pagkatapos ng break up nila ng ex n'ya. Sadyang hindi pa s'ya nakakahanap ng babaeng mamahalin n'ya ulit.

7:00 pm na at narinig namin na nagsilabasan ang mga studyante sa kabilang pinto, kasama na doon si Blake. Pareho kami ni Kio na nakatingin sa pinto at hinintay si Blake. Maya-maya ay lumabas na ito at kaagad kaming nakita dito sa loob ng room.

Don't Sleep With Your Best Friend (R18) [Under  Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon