Chapter 38

1K 16 0
                                    

Angel's P.O.V.

Uwian na at maaga pa. Pero parang wala na rin naman akong ibang mapupuntahan kaya siguro ay uuwi na lang ako sa bahay. Sigurado naman akong mamaya pa ang uwian ni Kio. At si Blake naman, hindi pa rin naman ako handang kausapin ng isang 'yun. At hindi ko rin s'ya kayang kausapin ulit.

Nilagay ko na sa bag ko ang mga gamit ko at lumabas na ng room. Nagsimula akong maglakad palabas ng school. Habang naglalakad ay kinuha ko ang cellphone ko at kinalikot na muna ito.

Nag-send bigla ng picture sa'kin si Kio. Picture ko na naglalakad habang nakayuko at kinakalikot ang cellphone.

Kio: Bawal mag-cellphone habang naglalakad. Nakakamatay

Inangat ko ang ulo ko at hinanap si Kio. Kalaunan ay nahapan ko rin s'ya. Nawala bigla ang ngiti ko nang nakita ko si Blake na kasama n'ya. Umiwas naman kaagad ng tingin sa'kin si Blake nang nakita n'ya ako.

Nilapitan ako ni Kio at pansin kong dahan-dahang naglakad si Blake papalapit sa amin. Hindi ko na s'ya tiningnan pa at binaling ang tingin kay Kio.

"Oh? Maaga yata kayo." Mahinang tanong ko sa kanya.

"Yes." Aniya.

"Wala na kayong pasok?" Tanong ko.

"Maaga talaga kami kapag ganitong araw." -Kio.

Tumango-tango naman ako. Hindi ko naman kasi kabisado ang schedule nila kaya hindi ko talaga malalaman kung kelan sila maagang makakauwi.

"Tara gala na muna tayo." Pag-aaya ni Kio. "Pahinga na muna sa acads."

"Nagpapahinga ka? Ang kapal naman ng mukha mo." Sabi ko sa kanya.

Masyadong busy maging isang college student lalo na kapag 4th year college na. Tapos gala ang nasa isip n'ya.

"Pero pagdating sa inuman? Pumapayag ka kaagad." -Kio.

"Ibang usapan kasi 'yun." Sabi ko.

Ewan ko ba.

Natawa s'ya saglit. "Kumain na lang muna tayo sa labas. At kung gusto n'yong gumala, edi gala na muna tayo. Pero kung ayaw n'yo na gumala at uuwi na kayo kaagad pagkatapos kumain, ayos lang din."

"Sige. Ikaw bahala." Sabi ko.

"Tara Blake." Pag-aya ni Kio kay Blake.

"Sige lang." -Blake.

Nagsimula kaming maglakad ni Kio at nakasunod naman sa amin si Blake. Hindi pa rin kami nag-imikan ni Blake hanggang sa nakarating kami sa isang fast food restaurant. Naghanap kami ng bakanteng table at doon umupo. Nag-usap na muna sila kung ano ang order nila at tinanong na rin ako ni Kio kung ano ang gusto ko. Sinabi ko na lang na rice and chicken with drinks na lang sa'kin at kaagad namang tumayo si Kio upang makapag-order na.

Naiwan kami ni Blake sa table at hindi pa rin kami nag-iimikan. Kinuha n'ya ang cellphone n'ya mula sa bag n'ya at doon binaling ang atensyon. Nakatitig naman ako ngayon sa mesa at nanatiling tahimik. Napapatingin rin ako sa labas at pasimpleng sinusulyapan si Blake pero hindi pa rin s'ya tumitingin sa'kin.

Nakaupo lang s'ya ang kinakalikot ang cellphone n'ya na para bang wala s'yang kasama ngayon. Na para bang wala ako dito sa table namin ngayon.

Minsan kapag ganito kami ay inaasar n'ya na ako. Pero ngayon ay tahimik lang s'ya. After what happened yesterday ay nagbago kaagad ang pakikitungo n'ya sa'kin. Mag-iisang araw pa lang na umamin ako sa kanya pero pakiramdam ko ngayon ay isang buwan na n'ya akong iniiwasang kausapin.

Marahil ay nasanay ako na sa tuwing magkikita kami ay kinakausap n'ya kaagad ako. Hindi katulad ngayon na halatang naiilang s'ya sa'kin.

Sana pala ay hindi na ako sumama pa.

Hindi ko rin naman alam kung ano ang nakain ko kung bakit pa ako sumama dito. Nakita ko na lang ang sarili ko na sinasabayang maglakad si Kio papunta dito. Kahit na alam kong sasama rin si Blake ay sumama pa rin ako.

Makalipas ang ilang minutong paghihintay ay bumalik na si Kio. Nilapag n'ya ang orders namin at umupo na sa tabi ko. Maya-maya ay nagsimula na rin kaming kumain.

Nag-usap sina Kio at Blake habang kumakain tungkol sa mga lessons at professors nila pero hindi na ako nakisali pa. Bukod sa hindi ko sila naiintindihan ay wala rin naman na akong balak na magsalita.

Medyo nagsisi ako na pumunta pa ako dito. Pero bahala na. Nandito na ako at wala na akong magagawa pa. Alangan naman na iwanan ko itong pagkain ko dito at layasan nila. Hindi rin naman siguro 'yun tama.

Tahimik lang akong kumakain at nakikinig sa kanila. Maya-maya ay nilingon ako ni Kio. Napansin n'ya siguro na kanina pa ako dito tahimik.

"Okay ka lang ba?" Tanong sa'kin ni Kio.

Tumango naman ako.

"Kanina ka pa kaya tahimik." Aniya.

"Okay lang ako."

Napatingin ako kay Blake. Nakatingin rin s'ya sa'kin. Kaagad akong napaiwas ng tingin at binaling ang atensyon sa pagkain.

"Sure ka?" Tanong ni Kio.

"Oo. Gutom lang ako." Pangangatwiran ko.

Hindi naman talaga ako gutom na gutom kaya mas nakatuon ang atensyon ko sa pagkain.  Sadyang ayaw ko lang magsalita sa ngayon.

Muli silang nag-usap at palihim ko namang sinusulyapan si Blake. Seryoso lang s'yang nakatingin kay Kio.

Hindi na ulit ako tumingin pa kay Blake at inubos ang pagkain ko. Naubos na rin ang pagkain nila pero ang kwentuhan nila ay hindi pa.

Wala na akong maisipang gawin at kinuha na lang ang cellphone ko at iyon ang pinagkaabalahan ko. Hihintayin ko na lang silang matapos sa kwentuhan nilang dalawa at kung kailan sila mag-aayang umuwi. Ayaw ko naman na sumingit sa usapan nila.

Or ayaw ko lang talagang umalis?

Inabot na kami ng ilang minuto dito at tahimik pa rin ako. Pansin kong sabay silang tumawa kaya napatingin ako sa kanila. Hindi ko alam kung ano ang pinagtatawanan nila dahil busy ako sa cellphone ko. Nagpatuloy sila sa pag-uusap nila kaya muling kong ibinalik ang atensyon ko sa cellphone ko.

Maya-maya ay napansin kong sabay silang nagsitayuan kaya tumayo na rin ako.

"Uuwi ka na?" Tanong ni Kio kay Blake.

Tumango naman si Blake. "Oo eh."

"Sige. Sige. Ingat ka."

Tumango naman si Blake at umalis na hindi ako nililingon. Nakaramdam ako ng kirot sa ginawa n'ya. Talaga bang iiwasan n'ya na ako? Pero hanggang kailan?

Tuluyang nawala si Blake sa paningin ko kaya nilipat ko na ang tingin ko kay Kio. Nakatingin na rin s'ya sa'kin.

"Uuwi ka na ba?" Tanong sa'kin ni Kio.

Tumango ako. "Oo." Sagot ko.

Tumango-tango naman s'ya. "Sige. Parang wala ka rin sa mood ngayon gumala."

Ngumiti lang ako ng pilit. "Pasensya na."

Napakunot ang noo n'ya. "Pasensya? Para saan?"

"Eh kasi minsan ka na lang mag-ayang gumala pero hindi pa kami sasama." Sagot ko.

"Okay lang 'yun. Walang problema. At isa pa, gala lang 'yan. Hindi naman big deal." Aniya.

Muli ko s'yang nginitian. "Sige. Mauna na ako." Humakbang ako pero hinila n'ya ako pabalik.

"Saan ka pupunta?" Tanong n'ya.

"Uuwi na."

"Sumabay ka na."

Umiling ako. "H'wag. Kaya ko namang umuwi mag-isa."

Lagi n'ya rin talaga akong sinasabay sa kanya.

"Sumabay ka na." Hinawakan n'ya ang braso ko at hinila palabas.

Okay. Okay. Hindi na ako tatanggi.

Wala na akong nagawa at sumabay na ako kay Kio pauwi.

Don't Sleep With Your Best Friend (R18) [Under  Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon