Chapter 21

1.5K 17 0
                                    

Angel's P.O.V.

"Angel! Matagal ka pa ba?" Sigaw ni daddy mula sa baba.

Kasalukuyan akong nakaupo sa kama at handa na akong umalis. Pero hindi pa rin ako tumatayo.

"Aalis na kami!"

Napabuntong hininga ako at tumayo. Lumabas ako ng kwarto at sinara ang pinto. Bumaba na ako ng hagdan. Sumalubong naman sa'kin si daddy sa baba.

"Mabuti naman at nakaayos ka na." Sabi ni daddy at lumabas ng bahay. 

Sumunod sa kanya ang kapatid kong si Alice. Nilingon na muna ako ni Alice bago s'ya tuluyang lumabas ng bahay. Lumabas na rin ako dahil ako na lang ang naiwan sa loob. Lumabas na ako ng gate dahil nasa labas na rin ang sasakyan namin at sinara ito. Dumeretso ako sa sasakyan at sumakay sa likod. Katabi ko si Alice dahil s'ya ang nasa gitna namin. Katabi naman ni Alice sa kabila si ate.

"Sino ang mauuna?" Tanong ni daddy.

"Ako na muna daddy." Sagot naman ni ate.

Minsan lang sumasabay si ate kina mommy at daddy sa pagpasok sa school kapag hindi maaga ang pasok n'ya. Mas matanda sa'kin si ate ng isang taon pero magkasabay kaming nag-aral noon. Ngayong college ay hiwalay na kami ng school dahil hindi naman ako pumasa sa entrance exam sa school kung saan s'ya pumapasok. Ang bunsong kapatid ko naman ay senior high school pa lang at sa ibang school rin nag-aaral. Pero baka mag-e-exam rin s'ya sa school kung saan nag-aaral ang ate ko ngayon.

"Sino ang susunod?" Tanong ni daddy.

"Ihuli n'yo na ako dad. Mamaya pa naman ang pasok ko." Sagot ni Alice at nilingon ako. Itinaas-baba n'ya ang kilay n'ya.

Ano naman 'yun?

"Sige."

Umalis na kami at naunang hinatid ni daddy si ate Avery. Ako naman ang susunod na ihahatid kaya papunta na kami sa school ko.

"Mamaya Angel, hanggang 9:30 pm ka lang sa labas." Sabi ni daddy. "Paalala ko lang sa'yo."

"Opo dad." Sagot ko.

Nilingon ko si Alice at nakatingin pa rin s'ya sa'kin.

"Aww." Mahinang sabi n'ya. Sapat lang para kaming dalawa lang ang makarinig.

"Panget mo." Mahinang sabi ko at tumingin na sa labas. Hindi ko na s'ya pinansin ulit.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa tapat ng school. Binuksan ko ang pinto at lumabas.

"Pasok na po ako." Sabi ko at sinara ang pinto. Nagsimula na rin akong maglakad papasok ng school. 

Medyo naninibago ako kapag ganito. Hindi naman na kasi ako nasanay na hinahatid ako dito sa school. Mas sanay ako na ako lang ang mag-isang pumupunta dito at mas maagang nakakarating dito.

"Woah."

Napatingin ako sa lalaking sinabayan ako sa paglakad. Si Kio.

"Hinatid ka?" Tanong ni Kio.

"Yeah." Maikling sagot ko.

Obvious naman.

"Nino?" Tanong n'ya.

"Ni daddy." Sagot ko.

Oo nga pala. Hindi ko pa pala nakwento sa kanya ang tungkol kagabi.

"Ng daddy mo? Ikaw? Nagpahatid sa daddy mo?" Hindi makapaniwalang tanong n'ya.

Tumango naman ako. "Oo. Kasasabi ko lang 'di ba?"

"I mean..." Hindi n'ya natuloy ang sasabihin n'ya.

"Bawal na raw ako gumamit ng motor at ihahatid n'ya na ako araw-araw. May curfew na rin ako, hanggang 9:30pm na lang ako sa labas." 

Tumango-tango naman s'ya. "Okay?"

"Yes." Napabuntong hininga ako. Hindi na ako makakagimik nito sa gabi.

"Anyway, sasabay na ako sa inyo mamaya mag-lunch." Aniya.

"Sure." Sabi ko. "Una na ako sa room ah. May klase pa ako ngayon."

Tinanguan n'ya ako at naghiwalay na kami ng daan. Dumeretso na ako sa room at naghintay para sa klase ko ngayong araw. Habang hinihintay ang professor namin ay kinuha ko na muna ang cellphone ko at kinalikot ito. Kinuha ko ang earphone ko at binuksan ang spotify saka nagpatugtog. Sumandal ako sa upuan at pinikit ang mga mata ko. Hindi naman malakas ang volume ng tugtog ko at naririnig ko pa rin ang mga kaklase ko. Kaya naman ay malalaman ko rin kaagad kapag nandito na ang professor namin ngayong umaga.

***

"Hinatid ka na ba ng daddy mo kanina?" Tanong ni Blake pagkaupo n'ya. Sabay silang napaupo ni Kio sa harap ko.

"Yeah." Sagot ko.

Nandito kami ngayon sa canteen dahil lunch break na namin. Medyo natagalan sila ng punta dito dahil may tinapos pa si Blake at hinintay ito ni Kio. Hindi na rin muna ako umalis sa table na inukupahan ko at baka pagbalik ko ay may ibang taong makaupo dito. Hinintay ko na muna sila bago ako o-order or magpapasabay na lang ako sa kanila na mag-order. 

"Alam mo?" Tanong ni Kio kay Blake. Pagtukoy nito sa paghatid sa'kin ni daddy kaninang umaga. Malamang ay nagtataka s'ya dahil hindi naman kami nagkausap ni Blake kanina.

"Oo, nakwento n'ya sa'kin kagabi." Sagot ni Blake.

"Ah." -Kio.

"So hindi ka na makakagimik n'yan kapag aalis kami ni Kio." Sabi ni Blake at nilabas ang cellphone mula sa bag n'ya.

'Yun na nga. Pero mas mabuti na rin siguro 'yun para naman makaiwas na ako sa gastos. Pero ma-mi-miss ko pa rin.

"Malamang." Sagot ko. "Hindi ko naman pwedeng hindi sundin si daddy."

"Daddy mo lang pala ang katapat sa'yo." Natatawang sabi ni Kio.

Natawa lang ako ng kaunti.

"Pero ngayon lang s'ya naging mahigpit sa'yo." -Blake.

"Malamang ay nainis na 'yun sa alitan namin ni mommy at ate kaya ganyan." Sagot ko. "Kaya hihigpitan n'ya ako para tumino na ako at para na rin walang masabi sa'kin si mommy sa tuwing nakikita n'ya ako. At magkabati-bati na kami."

"Edi mas okay na rin 'yun na magkakabati na kayong lahat." Sabi naman ni Kio.

"Oo naman. Wala naman akong problema. Basta ba okay lang rin sa kanila." Saad ko.

"Syempre naman na okay lang 'yan sa kanila. Pamilya mo pa rin naman sila." -Blake. "Sino ba naman kasi ang gustong makaalitan ang pamilya habang buhay."

Hindi na ako nagsalita ulit. Sabagay, may point sila.

"Pero nakakatakot ang daddy mo ha." Sabi ni Blake.

Nagtaka naman si Kio. "Daddy nino?"

"Daddy ni Angel. Nakausap ko saglit kagabi."

Nilingon ako ni Kio. "Totoo?"

Tumango naman ako. "Nag-video call kasi kami kagabi tapos biglang dumating si daddy. Kaya ayun, pinakita ko na si Blake para hindi n'ya sabihin na nagsisinungaling ako. Alangan namang sabihin ko na wala akong kausap samantalang narinig n'ya ako na may kausap."

"Edi kilala ka na ng daddy n'ya?" Tanong ni Kio kay Blake.

"Oo nga. Alam n'ya na rin ang pangalan ko." -Blake.

"Ay okay." Sagot ni Kio.

"Basta natakot ako pero nilakasan ko na lang ang loob ko na kausapin at yayain na kumain." Natatawang sabi ni Blake.

Natawa na lang rin ng mahina si Kio at hindi na nagsalita pa.

"Baka naman ay pwede na tayong kumain dahil nagugutom na ako." Sabi ko.

"Oo nga." -Blake. "Kumain na tayo bago pa tayo maubusan ng oras."

Inutos ko kay Blake ang gusto kong kainin ngayon at pumayag naman s'ya. Sabay na sila ni Kio na nag-order at hindi naman nagtagal ay nakabalik na sila at nagsimula na rin kaming kumain.

Don't Sleep With Your Best Friend (R18) [Under  Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon