Chapter 23

1.5K 18 1
                                    

Angel's P.O.V.

Kakauwi ko lang galing sa bahay ni Blake at 8:00 pm pa lang. Hinatid naman ako ni Blake dito kagaya nga ng sinabi n'ya kanina. At kung hindi n'ya man ako naihatid ay talagang masasaktan s'ya sakin. Pumasok ako sa bahay at naabutan ko sina mommy, daddy, ate at Alice sa sala na nanonood ng palabas sa TV. Napalingon naman silang lahat sa'kin pagkapasok ko. Halatang hindi nila inasahan na nandito na kaagad ako samantalang maaga pa naman.

Napatingin si daddy sa relo n'ya. "Very good. Maaga kang nakauwi." Sabi ni daddy sa'kin.

Nilipat ko ang tingin ko kay mommy. Hindi s'ya nagsalita at maya-maya ay ibinalik ang atensyon sa TV ganoon rin si ate. Nilipat ko ang tingin ko kay Alice, tiningnan n'ya lang ako mula ulo hanggang paa saka ako inirapan at muling binaling ang atensyon sa TV.

Sarap talagang iumpog sa pader.

"Hindi ka ba magmamano sa'min?" Tanong ni daddy sa'kin dahil nakatayo lang ako.

Napalunok ako. Hindi ko na maalala kung kailan ako huling nagmano sa kanila ni mommy. Sobra na talaga yata akong naging bastos dahil pati pagmamano ay hindi ko na nagawa sa kanila. Nilapitan ko si daddy at nagmano sa kanya. Nilapitan ko rin si mommy at nagmano rin.

"Pagkatapos mong magbihis ay kumain ka na." Sabi ni mommy habang ang atensyon ay nasa TV.

"Opo." Sagot ko at umakyat na.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay humugot ako ng isang malalim na hininga.

"Hay."

Kaagad akong nag-asikaso sa katawan ko at nagpalit ng damit. Muli akong lumabas ng kwarto at pumunta sa kusina. Naghanap ako ng pwedeng kainin. May nakita kong vegetable salad at 'yun na ang naisipan kong kainin. Pagkatapos kong kumain ay gutom pa rin ako. Hindi kasi ako kumain sa bahay ni Blake kanina. Inaya n'ya naman ako pero ang sinabi ko ay dito na ako kakain. 

Naghanap ako ng dessert at may nakita na naman akong cupcakes. "Galing na naman ba 'to sa manliligaw ng kapatid ko?" Bulong ko.

Kinuha ko ang box na 'yun at nilagay sa lamesa. Kumuha ako ng isang plato at naglagay ng tatling cupcakes doon kaya naman ay may natira pang tatlo sa box. Ibinalik ko ang box sa refrigerator at kinuha ang plato saka lumabas ng kusina. Nakita ako ni Alice na dala-dala ang plato na may cupcakes. Tiningnan n'ya ako ng masama at ngumisi naman ako sa kanya.

Umakyat ako at nagkulong sa kwarto saka doon sinimulang kainin ang cupcakes na dala ko. Actually, pwede naman akong kumain sa kusina, pero hindi ako makikita ng kapatid ko kaya umakyat na ako dito para makita n'yang kumuha ulit ako ng cupcakes na galing raw sa manliligaw n'ya.

Biglang may tumawag sa'kin sa instagram kaya kaagad kong kinuha ang cellphone ko at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Kio.

Sinagot ko ang tawag. Video call.

"Yow!" -Kio.

"Yow! Napatawag ka?" Tanong ko kaagad sa kanya.

"Bakit? Bawal ba?" 

Napairap ako. "Hindi."

"'Yun naman pala eh." Aniya.

"Ano ba ang kailangan mo?" Tanong ko. Bihira lang naman kasi akong tinatawagan n'yan, maliban na lang kung may kailangan s'ya.

"Wala lang." Sagot n'ya. "Boring kasi."

"Mabuti naman at nasa mood ka ulit." Sabi ko sa kanya.

Nitong mga nakaraan kasi ay minsan nasa mood s'ya tapos minsan wala sa mood. Hindi mo rin minsan makausap ng maayos. Minsan tulala, hindi umiimik at may sariling mundo. Ang gulo n'ya kaya.

"Away mag-ama kasi." Aniya.

Kaya naman pala.

"Ayun, umamin ka rin kung bakit minsan ay hindi ka namin makausap ng maayos." Sabi ko.

Pero ngayon lang s'ya naging ganyan samantalang dati pa sila ganyan ng daddy n'ya. I mean not all the time naman na magkaaway sila. May araw naman na okay sila at may araw na hindi. But still, hindi n'ya dinadala ang problem nila ng daddy n'ya sa school at nakakausap namin s'ya ng matino. Hindi katulad nitong mga nakaraan na may araw na parang hindi mo na s'ya makausap.

Napakunot ang noo n'ya. "Ano 'yang kinakain mo?" Tanong n'ya.

Pinakita ko sa kanya ang cupcake. "Ito."

"Gawa mo o binili mo?" Tanong n'ya.

"Dekwat." Sagot ko. "Nadekwat ko mula sa kapatid ko. Galing na naman yata 'to sa manliligaw n'ya."

Sino pala ang manliligaw ng kapatid ko 'yun? Hindi n'ya naman kasi dinadala dito. 

"Tss. Tapos kinain mo?" Aniya.

"Hayaan mo s'ya." Sagot ko. "Sabi n'ya rin naman na hindi daw 'to masarap."

Sinabi pa nga na wala akong taste kasi nasasarapan ako sa cupcake na mula sa manliligaw n'ya.

Natawa s'ya. "Kung ako ang nasa posisyon ng manliligaw n'ya at nalaman kong hindi masarap ang cupcake na ginawa ko para sa kanya. Magpapa-inom talaga ako."

"Baliw." Sagot ko at tuluyang inubos ang isang cupcake. "Grabe naman 'yung magpapainom."

"Bakit? Syempre masakit para sa'kin 'yun." Aniya. "Hindi pala masarap ang cupcake na ginawa ko para sa nililigawan ko."

Napairap ako. "Oh edi masakit na."

"H'wag mo nga akong iniirapan d'yan. Tusukin ko 'yang mata mo." 

"OMG! Nakakatakot." Sarkastikong sabi ko. Muli ko s'yang inirapan.

"Yiee. Gusto magpatusok." Natatawang sabi n'ya at halatang nang-aasar.

"T*ngina mo." Madiing sabi ko sa kanya at tumawa naman s'ya.

"Ang sama talaga ng ugali. Minumura na lang ako." Nag-drama pa.

"Ewan ko sa'yo. Bye na nga. Tatapusin ko lang 'tong kinakain ko tapos matutulog na ako." Asar na sabi ko.

"Ay grabe, kakatawag ko lang kaya." Aniya.

"Eh wala ka namang sasabihin."

"Edi matulog ka na. Bantayan na kita." Itinaas-baba n'ya ang kilay n'ya.

Natawa ako sa sinabi n'ya. "Ano kita? Boyfriend? Eww. Kilabutan ka nga."

Lalo s'yang natawa. "Sige bye na. Kung alam ko lang dadagdagan mo lang 'yang kinakain mo. Nahihiya ka lang kumain sa harap ko."

"At kailan pa ako nahiya sa harap mo?" Tanong ko.

Naghuhubad at nagbibihis pa nga ako sa harap mo.

"Ngayon lang, kasi..."

"Kasi?" -Ako.

"Kasi ang pogi ko." Aniya.

"Sinungaling ka na pala?"

Natawa s'ya ulit. Happy s'ya?

"Okay. Bye na." Paalam n'ya at pinutol ang tawag.

"Baliw talaga." Sabi ko at tumayo. Lumabas ako ng kwarto at bumalik sa kusina. Nakalimutan kong kumuha ng tubigo kung anumang panutak para sa kinain ko. Naabutan ko ang kapatid kong si Alice doon.

Nilingon n'ya ako at binigyan ako ng isang nakakamatay na tingin.

"What?"

"What mo mukha mo." Inis na sabi n'ya.

Inirapan ko s'ya at pumunta sa refrigerator at kumuha ng isang bote na orange juice. Muli ko s'yang hinarap. Binuksan ko ang bote ng orange juice at uminom. Muli ko itong sinara pagkatapos.

"Nabusog ako." Nginitian ko s'ya at iniwan kong mag-isa sa kusina.

Don't Sleep With Your Best Friend (R18) [Under  Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon