Chapter 36

1.1K 24 6
                                    

Angel's P.O.V.

Nandito ako ngayon sa school grounds. Half day lang ang pasok ko at parang wala pa akong gana na umuwi. Wala rin naman akong gagawin sa bahay at ayaw ko rin naman na munang umuwi. Dito na muna siguro ako sa school at mamaya na lang ako uuwi ng bahay.

Nag-text bigla sa'kin si Blake. Tinatanong n'ya kung nasaan ako. And speaking of Blake, lumalala na ang kabaliwan ko sa tuwing nakakasama ko s'ya at lalo na kapag magkalapit kami. Ewan ko ba pero lagi na rin akong nag-vi-visit sa profile n'ya sa instagram. Umabot na rin ang pang-stalk ko sa mga babaeng na-follow n'ya. At lahat na ginagawa n'ya para sa'kin na kahit alam kong as a friend lang ay big deal na sa'kin. Umaabot na rin ako sa punto na mapapaisip ako na kaya n'ya ba 'yun ginagawa sa'kin ay dahil gusto n'ya ako. Kung may crush ba s'ya sa'kin kaya s'ya mabait sa'kin. Kung type n'ya kaya ang katulad ko.

Like what the f*ck? Hindi ko na naiintindihan ang sarili ko.

Crush ko na ba s'ya? Gusto ko na ba s'ya? Kung hindi ay ano itong ginagawa ko? Ano itong nararamdaman ko sa tuwing magkalapit kami sa isa't isa? At bakit big deal na sa'kin lahat ang ginagawa n'ya para sa'kin?

Everytime na nagiging mabait s'ya sa'kin ay napapaisip ako kung ganoon rin ba s'ya maging boyfriend. Dahil lang sa walang hiyang panaghinip kong iyon. Paano ba naman kasi, 'yung panaghinip kong 'yun ay parang totoo. Totoo sa pakiramdam at ang hawak n'ya sa'kin sa panaghinip kong iyon ay parang ramdam na ramdam ko sa totoong buhay.

Ano ba Angel? Okay ka lang ba?

Matagal na s'yang mabait sa'kin, malambing rin s'ya sa'kin at minsan naman ay mapang-asar. Pero nitong mga nakaraan ay iba na talaga. Kumbaga, binibigyan ko na ng meaning ang lahat ng kilos n'ya sa'kin.

Pero paano kung gusto n'ya talaga ako?

"F*ck ano ba!" Inis na sabi ko sa sarili ko.

Naudlot ang kaiisip ko ng kung anu-ano dahil tumawag bigla si Blake. Sinagot ko naman kaagad ang tawag n'ya.

"Nasaan ka ba?"

"Bakit?" Tanong ko.

"Pupuntahan kita."

Bakit n'ya ako pupuntahan? Gusto n'ya ba akong makita? Gusto n'ya ba akong makausap? Gusto n'ya ba akong makasama?

Ayan na. Heto na naman ako sa sakit kong ito. Kung anu-ano na naman ang pumapasok sa isip ko.

"Bakit?" Tanong ko.

"Sagutin mo na lang kasi."

Sinabi ko sa kanya ang tanong n'ya at maya-maya lang ay nandito na s'ya. Wala ba s'yang pasok dahil pumunta pa talaga s'ya dito.

"Wala ka bang pasok?" Tanong n'ya.

Umiling ako. "Wala na." Sagot ko na hindi s'ya tinitingnan.

Tumango-tango s'ya at umupo sa tabi ko. "Wala na rin akong pasok ngayon." Aniya.

"Okay." Matipid na sagot ko. Hindi ko na rin inalam kung bakit wala na s'yang pasok ngayon.

Ewan ko ba pero hindi na ako natutuwa sa nararamdaman kong ito para kay Blake. Dati wala lang naman sa'kin na magkalapit kami pero ngayon ay parang naiilang na talaga ako sa kanya. I mean, nitong mga nakaraang linggo pa ako naiilang sa kanya kaso nga lang palala nang palala.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong n'ya.

Umiling ako kahit hindi ko alam kung nakatingin ba s'ya sa'kin. Iling lang ang naitugon ko at hindi nagsalita.

"Sabagay. Maaga pa naman."

Base sa sagot n'ya ay nakita n'ya akong umiling. So nakatingin nga s'ya sa'kin. I mean, naramdaman ko naman na nakatingin s'ya sa'kin pero syempre ay hindi pa rin ako sigurado.

Don't Sleep With Your Best Friend (R18) [Under  Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon