kabataan

61 8 3
                                    

Nais kong balikan panahon ng kamusmusan,
Kung saan ang alam lang ay laro at pagsasaya kasama ang mga kaibigan,
Hindi kailangang intindihin ang tinggin ng lipunan.....
Pati na saklap at pait na dulot ng mundong ginagalawan...

Nais kong muling maging bata.....
Batang di sinisisi malaki man ang kamaliang ginawa...
Di  tulad ngayong ako'y lumaki't tumanda.... 
Katiting mang kamalian ay sinisisi na at di na mapagkit sa kanilang gunita.....

Kasalanan bang hilingin muling maging isang kabataan....?
Kahangalan bang naisin na hangarin ang kasimplihan nila at kapayakan.. ?
Marahil ang kabataan nga sa paningin ng iba'y sadyang mababaw lamang....
Ngunit ang realidad ay  higit silang may dunong at alam sa salitang katapatan...

#katapatan
#Kapayakan

A Part of MeWhere stories live. Discover now