Halaga

76 8 0
                                    

Bawat nilalang daw sa mundo ay may halaga,
Mapa tao, hayop, bagay o mapa ano pa.
Ngunit bakit hindi ko makita ang aking halaga,
Siguro kasi ako'y walang kwenta talaga.

Ni tapunan ng tingin o bigyan ng karampot na oras ay dili nila magawa,
Daig ko pang pulubi na nag-aasam ng katiting na awa.
Mabuti pa nga ang busabos ay tinatapunan ng tingin kahit puno ng pangugutya.
Kesa naman ni katiting o kakarampot ay wala.

Makikita niyo rin sa huli ang aking tunay na halaga,
At matutunan niyo rin na ako'y bigyan ng pag-aaruga.
Ngunit sana ay di pa huli ang lahat pag nalaman mo na,
Dahil sa buhay ay di na maaaring ibalik pa ang nakaraang lumipas na...

# grab the opportunity to show the people around u there worth until it is not to late...

Hit vote if u relate into it and if u want...
Thanks guys!

A Part of MeWhere stories live. Discover now