Ipabatid

34 6 0
                                    

Sana'y pakinggan ang aking himig,
Nais ipabatid ang laman ng bawat titig.
Na mula sapol ng masilayan ka,
Ako sayo'y napaakit at nahulog na.

Di ka na ngang mawaglit sa isip,
Pagkat laging kasama ka sa aking panaginip.
Maging tulog man o gising ay hanap ka,
At di na ko maghahanap pa ng iba.

Sa labi ko laging namumutawi,
Kung paano sa puso ko ika'y naghari.
Kung sa England may Queen Elizabeth,
Dito naman sa puso ko ay ikaw; na aking sadyang bet na bet.

Pader man ngaun ang sa atin namamagitan,
Minsan man daig ko pa ang artista pagkat di mo malapitan.
Wag kang magalala parang alden at yaya dub lang yan,
May lola nidora mang tutol sa umpisa ngunit madadaan din yan sa masinsinang usapan.

A Part of MeWhere stories live. Discover now