Aldub

24 7 0
                                    

ALam niyo bang dalawa,
Kayo'y waring DelUByong sumalanta?
Di lamang sa Luzon ngunit sa lahat ng sulok ng ating bansa,
At hindi pa rin makamove on mapabata man o matanda.

Tambalan nyo aywalastik,
Wala namang ginagawang pamimilit o pagsisiksik.
Ngunit ito ay sadyang tinatangkilik,
Pagkat ito'y simple pero may taglay ngang kilig at bagsik.

Hanapan man kayo ng pangtapat,
Pagsama-samahin man silang lahat.
Masasabing di sila sasapat.
Pagkat tambalang Aldub nais lamang ay magdulot ng galak,

Aldub aldub saya ng buong bahayan.
Aldub aldub saya ng buong bayan.
Aldub aldub tanda ng ating bansa.
Bansang mapagmahal,Pilipinas ating bayan.

A.N.
Hello wattpaders...di ko hilig ang Aldub o kahit anong love teams but di naman ako against sa kanila. Bakit ako gumawa ng tula na ganito? Wala trip ko lang at biglang dumaan sa isipan ko.

A Part of MeWhere stories live. Discover now