Once Upon My Life

26 6 0
                                    

Ako ay naglakbay sa lupain ng buhay,
At nakarating sa kahariang tunay.
Kahariang nagngangalang "Pag-ibig",
Na may matibay na salig.

Sa kahariang aking inilalarawan,
Aking natagpuan prinsesang dapat kong pakawalan at pakasalan.
Yaring prinsesang Roselia ang ngalan.
Di man mahaba ang kanyang buhok tulad ni Rapunzel,
Ngunit ang pasensya nya para sa akin ay mas mahaba kesa sa mga salitang maaaring iusal.

Alam ko bilang prinsipe(prinsesa) nya ay marami akong dapat harapin.
Ngunit alam kong di ako nagiisa pagkat kasama ko sya sa lahat ng aking gagawin.
Masasabi kong ako'y kabalyerong handa ng suungin ang kahit anong laban.
Pagkat pagmamahal ng prinsesa ko ang aking matibay na kalasag at sandigan.

Kaya aking pakagagalingan at pagbubutihan.
Pagkat alam kong kasawian ko ay iyong magiging himlayan,
At iyon ay di ko hahayaan.
Iisang bagay lang ang dahilan,
Yun ay ang pagmamahal ko sayo na walang papantay.

Marami man ang dragon sa ating pagsasama,
Di ko hahayaang bugahan nila tau ng apoy ng alinlangan.
Pagkat ito ang mgpaparupok ng ating samahan.
Di ko kailanman nanais o hahayaan.

A.N.
I know na medyo awkward ung title sa content but I just wanna put it.

A Part of MeWhere stories live. Discover now