“Ang ganda ko talaga!” then she chuckled.Nasa harap siya ng full-length mirror.She was wearing a simple black halter dress.Bumagay ito sa kanyang morenang balat.She applied a light make up.Hindi naman kasi talaga siya mahilig sa make up pero kinailangan niyang maglagay ng kaunting make up dahil ayaw niyang maging kahiya-hiiya sa party.Hinayaan niyang nakalugay ang hanggang balikat na buhok.Biglang may kumatok sa pinto ng kanyang silid.
“Anak nandiyan na ang sundo mo” narinig niyang sinabi ng kanyang ina.
“Lalabas na po!” sagot niya dito.
Agad na kinuha niya ang kanyang gamit.Alam niyang papaulanin na naman siya ng reklamo ng kaibigan niyang si Brittany kapag nagtagal pa siya doon.
Reyna pa naman ng reklamadora yun!
Nasa huling baitang na siya ng hagdan ng mag-angat siya ng ulo.She was expecting her friend kaya ganun na lang ang gulat niya ng makita niya si Gerald.Dahil sa pagkagulat,nagkamali siya ng tapak sa hagdan kaya nawalan siya ng balanse.
“aaahhhh!” napapikit siya at hinihintay na lamang ang pagsayad ng nguso niya sa malamig na sahid ngunit sa isang matipunong katawan siya bumagsak.Agad na napatingala siya ng maramdaman niya ang kakaibang boltahe na dumaloy sa kanyang sistema ng madikit ang kanilang mga katawan at parang iyon din ang naramdaman ng binata dahil napatitig din ito sa kanya.
Again,she was amaze with his expressive brown eyes.Parang tsokolate ang kulay nito.Nanunuot sa kanyang ilong ang natural na amoy nito.She always love his scent.It was sweet but masculine at the same time.Parang mababaliw ang sino mang makakaamoy nito.Wala sa loob na sininghot niya ito.
Hay! Heaven!
She look again his face.Nakakunot-noo lang ito habang nakatingin sa kanya.Bumaba ang tingin niya sa mga mapupulang labi nito na parang nang-aakit na mahalikan ito.
“Are you okay?” narinig niyang tanong nito pero masyado siyang abala sa pagmememorya ng bawat parte ng mukha nito.
“Ba’t ang gwapo mo? Wala bang pangit sayo?” wala sa sariling tanong niya dito.
“It seems that you’re okay” sambit nito at agad na lumayo sa kanya.Nakaramdam siya ng panghihinayang.
“We should go now” saad nito at dali-daling lumabas ng bahay.
“Nay,alis na po kami” paalam niya sa kanyang ina na saktong palabas galling sa kusina.
“Mag-iingat kayo” bilin nito.
“Opo” humalik siya sa pisngi nito.
Tahimik lamang si Gerald habang nasa daan sila.Nilingon niya ang binata,nakatutok lang ang atensiyon nito sa daan.
“Eherm!” pagpapansin ni Destiny dito.Ni hindi man lang siya nilingon nito.
“Bakit kaya bilog ang mundo? Ba’t di na lang heart shape mas cute pa” panimula niya.
“Ano kaya ang ang brand ng damit ni Ninoy nung pinatay siya?”
Tahimik parin ang binata.Nakita niya ang isang maliit na stuff toy na nakalgay sa wind shield ng kotse nito.Kinuha niya ito.

BINABASA MO ANG
Saranghae Mr.Sungit ng Buhay Ko <3
RomanceEto yung story'ng ayaw na ayaw kung ipost online kaso yung pinapangarap kung first book ko , REJECTED! AHAHAHA. Sabi ko nun, "Pag eto na-reject, ipopost ko to sa WATTPAD :p" at heto na nga. Maybe , marami pa talaga akong kailangang matutunan at kak...