CHAPTER 2 - Ala Paparazzi :)

54 0 0
                                    

“Nakakainis!” halos sabunutan na ni Destiny ang kanyang sarili habang nakatunganga sa kanyang cellphone.Kasalukuyang nasa cafeteria siya ng kanilang paaralan ng maisipan niyang i-text si Gerald upang kamustahin.Nakuha niya ang contact number nito sa kanyang kaibigan pagkatapos ng mahaba-habang pilitan.Ayaw sanang ibigay ni Brittany sa kanya ang numero ng binata dahil sa takot na magalit dito ang pinsan nito pero wala din itong nagawa sa kakulitan niya.Nangako na lang siya dito na siya na ang bahalang magpaliwanag sa binata.

                “Hoy sadako! Ano problema mo? Bad hair day?” bigla na lang sumulpot si Brittany sa kanyang tabi.

                She sighed.

                “Eh kasi naman hindi pa nagtetext si irog eh!” maktol niya.

                Natawa ito sa kanya.

                “Wow ha! May endearment na agad.Ano ka ba alam mo namang busy lagi yun hindi naman lagi makakapagtext yun!” paliwanag ng kanyang kaibigan.

                “Hello?! Sa loob ng isang oras di man lang niya magawang tingnan ang cellphone niya?! Ganun na ba siya ka-busy?!” naiinis na sagot niya sa kanyang kaibigan.

                “Relax! Kung makapag-demmand ka naman kasi parang kayo na ah” natatawang sagot naman nito.

                “Ah ewan! Makabili nga muna ng pagkain!” tumayo na siya pero nakakailang hakbang pa lang siya ng marinig niyang tumunog ang message alert tone ng kanyang cellphone,agad siyang napatakbo pabalik sa mesa nila at dahil sa pagmamadali niya napasobra siya ng takbo at naibangga niya ang kanyang paa sa gilid ng mesa.

                “Damn! Ouch! “ habang hinihimas ang nasaktang binti tiningnan niya ang mensahe sa kanyang cellphone.Muntik na niyang maibato iyon dahil sa sobrang inis dahil isang walang kwentang quotes lang pala  yun galing sa isang kaklase niya.

                “Shit! Mapapatay ko ang nagpauso ng qoutes na yan eh!” nanggagalaiting himutok niya.

                “Hey pardon your french lady!” natatawang saway ni Brittany sa kanya.Sakto namang nag-ring ang kanilang school bell na nangangahulugang tapos na ang kanilang break.

                “Halika na sa classroom.Oh kaya mo pa bang maglakad? Dalhin na kaya kita sa clinic?” nag-aalalang tanong nito sa kanya dahil paika-ika na siyang maglakad.

                “Okay lang ako.Tara na” yaya niya dito

               

                Hindi nakapasok si Destiny ng sumunod na araw dahil namaga ang kanyang binti at nahihirapan siyang maglakad.She texted Brittany na hindi makakapasok at bahala na itong ipaalam sa mga instructor nila.

                Biglang tumunog ang kanyang cellphone.Napangiti siya ng makitang si Gerald ang tumatawag.

                “Hel-?!”

                “What happen to you?” bungad nito di pa man siya nakakapagsalita.

                “Hindi ba uso ang Hello sayo?” natatawang tanong niya

                “Whatever! I heared from Brittany that you’re injured” tanong nito

                Nagbunyi ang kalooban niya dahil sa concern na pinapakita nito.

Saranghae Mr.Sungit ng Buhay Ko <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon