Nasa harap na sila ng ticket booth ng biglang huminto si Gerald.Nagtaka siya.
“Bakit?” nagtatakang tanong niya dito.
“Romantic Movie?” kunot-noong tanong nito sa kanya.
“Oo bakit? Ano problema?”
“Pwedeng yun na lang?” turo nito sa isang poster ng Action movie.Umiling siya.
“Ayoko” tanggi niya.
“Why? Kaysa naman dito” alanganing saad nito.
“Ayoko ng action,love story ang gusto ko.Teka nga,ba’t ka ba nagrereklamo? As far as I know hindi naman kita pinilit na-!” hindi na niya natapos ang kanyang sinasabi dahil bigla na lang siya nitong hinila sa kamay at ibinigay ang dalawang ticket.Lihim siyang napangiti.
Nag-umpisa na ang palabas kaya itinutok na niya ang kanyang mga mata sa screen.Sa buong durasyon ng palabas,nakatutok lamang ang atensyon niya sa screen.Masyado siyang engross sa pinapanood kaya kahit siguro magunaw ang mundo sa oras na yun,hindi na niya mapapansin.
Sisinghot-singhot si Destiny ng matapos ang pelikula.Hindi niya namalayang umiiyak na pala siya.
“What’s the matter? Happy ending naman ah.Why are you crying?” nagtatakang tanong ng binata sa kanya.
“Yun na nga eh,kaya ako umiiyak kasi happy ending” saad niya habang pinupunasan niya ang kanyang mga luha.
“You’re really weird! Tara na nga” yaya nito at nauna na itong tumayo at lumabas ng sinehan.Bigla siyang nakaramdam ng gutom.
“Kain muna tayo” yaya niya kay Gerald.Tumango lang ang binata.Habang naglalakad sila papunta sa isang fast-food chain,biglang may humarang sa kanilang babae.Maganda ito,matangkad,slim.Pang-model type.
“Hi Gerald! Are you with someone?” nakangiting saad nito.
Aba’t! Ano akala sakin ng higad na to? Invisible?!
“Mukha ba siyang nag-iisa miss?” hindi nakatiis na singit niya.Tumaas ang kilay nito.
“Sino ka naman?” mataray na tanong nito sa kanya.
“Nightmare mo,pwede?” magaspang namang sagot niya.
“Whatever!”
Biglang napanting ang tainga niya sa narinig.Bigla ay parang umakyat lahat ng dugo niya sa kanyang ulo.
“Aba’t mahadera-?!”
“Destiny that’s enough!” singit ng binata.
Nakita niyang lihim na napangiti ang babae at para bang sinasabi nitong “ano ka ngayon?” dahil sa lantarang pagkampi ng binata dito.
“Eh talaga namang mahadera-!”
“I said enough” mahina ngunit mariing saad nito.Parang gusto niyang pumalahaw ng iyak anumang oras dahil sa ginagawang panghihiya ng binata sa kanya.Nagmamaktol ang puso niya sa ginagawa nito.Tiningnan niya ang babae na ngayo’y ngiting-ngiti na at parang siyang-siya sa kamiserablehan niya.She just glared at her at tiningnan ulit si Gerald.

BINABASA MO ANG
Saranghae Mr.Sungit ng Buhay Ko <3
RomanceEto yung story'ng ayaw na ayaw kung ipost online kaso yung pinapangarap kung first book ko , REJECTED! AHAHAHA. Sabi ko nun, "Pag eto na-reject, ipopost ko to sa WATTPAD :p" at heto na nga. Maybe , marami pa talaga akong kailangang matutunan at kak...