CHAPTER 7 - Confused

27 0 0
                                    

Nagising si Destiny dahil sa sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha.Napatingin siya sa orasan.Malapit na palang mag-alas dose ng tanghali kaya palanagrereklamo na ang kanyang sikmura.Hindi na niya matandaan kung anong oras na siya nakauwi ng nagdaaang gabi.Bumangon siya at pumasok sa banyo para maligo.Pagkatapoos niyang maligo,nagbihis na siya at bumaba na.Pagpasok niya sa kusina,nadatnan niya ang kanyang ina na naghahanda na ng pagkain.

                “Goodmornoon nak!” bati nito sa kanya.Napakunot-noo siya.

                “Goodmornoon?”

                “Oo.Pinaghalong ‘Goodmorning’ at ‘Good afternoon’.Parang yung ‘breakfast’ at ‘lunch’ lang naging brunch” paliwanag nito.Natawalang siya dito.

                “Si nanay pauso!” alam na niya kung saan siya nagmana.Kung kalokohan din lang naman,reyna ang nanay niya diyan.Sakto namang pumasok ang kanyang ama sa kusina.

                Eto pa ang isa! sambit niya sa kanyang isip.

                “Ang gwapo nung boyfriend mo anak ah” bungad nito.

                “Sinong boyfriend tay?” takang tanong niya.

                “Yung sumundo sayo kagabi”

                “Nakita niyo po siya? Ang alam ko wala pa kayo kagabi nung umalis kami”

                “Wala pa nga.Nasa opisina pa ako nun eh” mas lalo siyang nalito.

                “Eh pano niyo nasabing gwapo eh hindi niyo naman pala nakita?”

                “Yun ang sabi ng nanay mo eh.Alam mo namang malaki ang tiwala ko diyan sa nanay mo” at yumakap pa sa baywang ng kanyang ina.She rolled her eyes.

                Naglambingan pa talaga sa harap ko!

                “Mga magulang ko nga kayo!” umiiling-iling nasaad niya.

                “So,boyfriend mo nga yun anak?” nang-iintrigang tanong ng kanyang ina.

                “Hindi po nay” balewalang sagot niya.

                “Aba’y bakit hindi? Nanliligaw ba yun sayo? Kung oo wag kanang magpakipot” panggagatong nito sa kanya ng kanyang ama.

                “Hindi po siya nanliligaw tay”

                “Bakit? Maganda ka naman,matalino,sexy medyo kinulang nga lang sa height” hinihimas-himas pa nito ang sariling baba habang sinasabi iyon at nakatingin sa kanya.Natawa siya.

                “Tatay ko nga talaga kayo! Walang duda! Hindi po niya ako nililigawan kasi ayaw niya sa akin.Ako po ang nanliligaw sakanya” biro niya.

                “Aba’y pagbutihan mo anak.Sayang ang lahi!”

                Tuluyan na siyang natawa sa kanyang ama.Ibang klase talaga mga magulang niya.Kung ituring siya ng mga ito,parang magbabarkada lang sila pero hindi parin nawawala ang respeto niya sa mga ito.Nagagawa rin namang magseryoso ng mga magulang niya kung kinakailangan.Marami ngang naiinggit sa kanya dahil yung ibang kakilala niya masyadong mahigpit ang mga magulang.Buti pa daw siya,cool ang mga magulang.Yeah,she was thankful about it most of the time.Pero minsan may mga oras na hinihiling niyang sana hindi ganun ka-cool ang parents niya.Kagaya na lang ngayon,sumasakit ang ulo niya sa kakulitan ng mga ito.

Saranghae Mr.Sungit ng Buhay Ko <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon