Kinabukasan maagang nagising sina Destiny at Brittany para mag-swimming.Susulitin na nila ang kanilang bakasyon dahil uuwi na sila kinabukasan at balik eskwela na naman sila.Paniguradong magiging busy na naman sila dahil graduating na nga at marami ng requirements ang dapat ipasa kaya habang may oras na silang mag-enjoy,gagawin na nila baka kasi matagalan bago maulit iyon.
“Ano ba Brittany,may balak ka pa bang lumabas diyan?! Gusto ko ng mag-swimming eh!” sigaw niya dito habang nasa loob ito ng banyo at abala sa pagpapalit.
“Oo sandali na lang ‘to!” ganting sigaw naman nito.
Tumanaw ulit siya sa bintana ng kanilang cottage kung saan malaya niyang natatanaw ang dagat.Napangiti siya ng mahagip ng kanyang paningin si Gerald na nakaupo sa dalampasigan.Nakasuot ito ng cargo shorts at black sando na bihira lang nitong isuot and he looks so hot on it.It’s so refreshing seeing him on that attire.Kahit simpleng shorts at sando lang ang suot nito,ang lakas parin ng appeal nito dahil madaming babae ang napapatingin dito.
Haist! Ang yummy talaga niya! Tili niya sa kanyang isip.
“Tara na!” yaya ni Brittany sa kanya.Nakalabas na pala ito ng banyo ng hindi man lang niya namalayan dahil abala siya sa pagpapantasya kay Gerald.
Naglakad na sila palabas ng cottage.Agad siyang lumapit kay Gerald at binati ito.
“Goodmorning irog!” nakangiting bati niya dito.
Tumingin ito sa kanya.Napakunot-noo ito habang tinitingnan siya nito mula ulo hanggang paa na parang hindi nagugustuhan ang nakikita.Awtomatikong napatingin siya sa kanyang sarili at sinusuri kung anong mali.Wala naman siyang makitang mali doon.Nakasuot siya ng black bikini.Simple lang ang design nun pero bumagay naman sa kanya ayon na din kay Brittany.Nagtatanong na tingin ang ibinalik niya sa binata.
“Hi sexy!” bati sa kanya ng isang lalaking guest doon.
Lalo pa atang sumama ang mood nito.Hinila nito ang kanyang kamay at wala siyang magawa kundi sumunod dito.
“Teka-!” muntik na siyang mapasubsob sa buhanginan dahil sa bilis nitong maglakad.Hinila niya ang kanyang kamay at nagtagumpay naman siya.
“Sandali nga lang! Ano bang problema mo?!” naasar na tanong niya dito.
“Go and change now!” maawtoridad na sabi nito.
“Ano bang problema sa suot ko?”
“Masyadong mahalay!”
Napanganga siya dahil sa sinabi nito.
“Hello?! Nasa beach tayo at mag-swiswimming ako,ano gusto mo isuot ko,long sleeve at pajama?!” eksaheradong sambit niya.
“Huwag kang pilosopo! Go and change into something decent!” giit parin nito.
“Wow ha! Kung maka-decent ka para namang ako lang ang nakasuot ng swimsuit dito.Eh ba’t di mo sawayin yun? At yun pa?!” isa-isa niyang itinuro ang babaeng napapadaan sa gawi nila na kung tutuusin ay mas bulgar pa ang mga suot na swimsuit kaysa sa kanya.
“Drat! Gustong-gusto mo bang pinagpipiyestahan ng mga lalaking yun ang katawan mo?! Fine! Do what ever you want!” at nilayasan na lang siya nitong nakatulala dahil sa pagkabigla sa inaakto nito.Hanggang sa unti-unti ng gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang labi.Muli ay nadagdagan ng pag-asa sa kanyang puso.Wala na atang tyansang makaahon ito sa pagkakalugmok sa kanyang nararamdaman para sa binata.

BINABASA MO ANG
Saranghae Mr.Sungit ng Buhay Ko <3
RomanceEto yung story'ng ayaw na ayaw kung ipost online kaso yung pinapangarap kung first book ko , REJECTED! AHAHAHA. Sabi ko nun, "Pag eto na-reject, ipopost ko to sa WATTPAD :p" at heto na nga. Maybe , marami pa talaga akong kailangang matutunan at kak...