Chapter 7

162 13 6
                                    


"Eli, let's go."



I immediately grabbed my luggage out of my room when I heard kuya calling me. Kuya Kael was already done packing his things. Habang ako, kakatapos lang.



Five hours lang tulog ko kaya antok na antok pa ako. Tapos ang laki pa ng eye bags! Nagsuot na lang ako ng sunglasses para matakpan.



After namin mag check out, pumunta na kami sa Airport. Natulog lang ako buong byahe habang nakikinig sa playlist ko. Tito Jack, dad's brother was the one who picked us up from the airport. Pinapaayos pa raw kasi ni Manong Robert 'yung car namin.



"Kuya, do you want to eat lunch first?" Tito Jack asked Daddy.



"Where do you want to eat, Kael?" Daddy asked.



"Anywhere," Kuya answered casually.



"How about you, Eli?" tanong naman sa 'kin ni Daddy.



"Jollibee?" I suggested. Gusto ko kumain ng spaghetti!



"Jollibee then," si Tito Jack.



Nag take-out lang kami for lunch kasi masyadong maraming tao. Pagdating namin sa bahay, dumiretso agad ako sa kwarto ko at natulog ulit. Gabi na nang magising ako.



"Eli, aalis na tayo." Daddy knocked on my door while I was organizing the gifts that we got from Korea.



Dadalhin namin 'to sa bahay ni Tito Jack. Doon kasi kami mag-celebrate ng Christmas Eve kasama ang buong family. May palaro daw mamaya si Tito Manuel.



When we arrived at Tito Jack's house, everyone was already set. Kumain na kami at nagsimula na ring mag videoke sila Mommy.



"Anak, sing with us!" pagyaya ni Mommy sa 'kin.



Ningitian ko lang si Mommy at iniwan sila sa sala. Umakyat ako sa second floor ng bahay at dumiretso sa balcony. The cold breeze of air immediately kissed my skin as I leaned my hands on the rail.



I looked at the moon. It was big and beautiful. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at saka pinicturan ang view ng moon. Inup-load ko agad 'yon sa Instagram.



I was staring at the moon for a quite while. Now, this much better than what's happening down in the living room. So peaceful. Char, lakas maka-main character.



Nagulat ako nang biglang nagsi-putukan ang mga fireworks. Alas dose na pala!



Kinuha ko ulit ang cellphone ko sa bulsa at kinunan ng litrato at video 'yung fireworks. Tons of different colors were popping in the air. They were like balloons. Napakaganda!



After a few minutes of showcase of the fireworks, it came to an end. Napasimangot agad ako. Ano ba 'yan, ang bitin naman! Pero dahil maganda 'yung kinuha kong video, i-a-upload ko siya sa story ko sa Facebook!



Ino-pen ko agad ang Facebook ko at pumunta sa 'create story'. Nahihirapan pa akong pumili ng i-a-upload dahil ang gaganda lahat ng mga kuha ko! Walang tapon!



Nang nakapag-decide na ako, nilagyan ko 'yon ng music na pang Christmas bago ko inup-load. Inup-load ko rin ang mga pictures. Marami agad ang nag-view at nag-heart react.



Babalik na sana ako sa baba nang ma-feel kong nagvibrate phone ko kaya napahinto ako sa paglakad. Notification 'yon sa Instagram galing kay Yohan kaya chi-neck ko agad.



redxbull: Merry Christmas, Eli.



Hala! Si Yohan! Binati niya ako! Binati ako ni Yohan! Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti habang nagta-type ng reply.



elitorres: merry christmas, yohan!



Dahil sa excitement ko, sinend ko sa kan'ya 'yung mga pictures na kinuha ko. Nag-react agad nang heart si Yohan kaya mas lalo akong napangiti. Maya-maya, nagsend din siya ng picture sa 'kin. Hindi ko pa agad na view kasi nagloloading pa!



"Ano ba 'yan! Ang hina naman ng internet!" sabi ko sabay taas ng phone ko, naghahanap nang signal.



Nang ma-view ko na ang picture, nanlaki agad ang mga mata ko sa nakita. Nakangiti siya sa camera habang pinakita niya ang view nang fireworks sa kan'yang likod. Ang pogi naman!



redxbull: The fireworks here were so beautiful.



redxbull: typing...



redxbull: It reminded me of you.


My Bias (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon