There's this guy who always buy the same candies everyday in the convenience store where I work.
"Anong ibig mong sabihin na ubos na ang stock niyo, ha?!" galit na sigaw ng isang customer na may malaking katawan sa harap ko.
Napatalon ako sa gulat nang hampasin niya nang malakas ang counter gamit ang kaniyang maugat na kamao.
And it's not him...
Nagwawala ito dahil ubos na ang stock namin ng paborito niyang brand ng sigarilyo.
"Ser, wala na po talaga," sagot ko nang may pilit na mga ngiti.
Hindi na nakakapagtaka na halos karamihan sa mga suki ng tindahan ay mga siga at sanggano dahil ilang kanto lamang ang layo namin sa isang malawak na iskwater area.
Sigh! Hindi ko naman maintindihan sa Boss ko kung bakit sa dinami-dami ng lugar ay dito pa siya sa labas ng city nagtayo ng convenience store.
"Anong klaseng tindahan ba kayo, ha?! Bakit hindi pa kayo magsara?!" nakaririnding sigaw nito sa harap ko habang dinuduro ako ng kaniyang daliri.
Dahil sa pagwawala niya ay unti-unti nang nagaalisan ang mga mamimili na kanina pa nakatayo sa pila. Talaga namang nakakapaginit ng tumbong ang ganitong klaseng mga custosmer na kung umasta ay akala mong siyang nagpapalamon sa 'kin at nagbabayad ng mga 4-digit bills ko.
Napatiim bagang ako at napayukom ng mga palad habang pilit na nilalabanan ang tumataas na level ng adrenaline ko sa katawan.
"Bwisit! Iharap mo nga sa 'kin ang manager mo, bilis!"
Argh! Bukod sa maliit na sweldo ay malulutong na mura at high blood pressure pa ang nakukuha ko sa pagtayo sa harap ng cash register araw-araw. Para tuloy mas gusto ko nalang bumalik sa dati kong buhay.
"Nakikinig ka ba, ha?!"
Hindi na ako nakapag-pigil pa at puwersahan ko nang hinila ang kuwelyo ng suot nitong damit na ikinagulat naman niya.
"Anak ng kamote! Bakit hindi ka nalang sa ibang tindahan bumili? Wala na nga kaming stock hindi ka ba nakakaintindi ng tagalog, ha?!" nangagalaiting sigaw ko sa mukha nito na nakapag-paurong ng dila at buntot niya. "Bumalik ka dito bukas at isusungalngal ko talaga sa bunganga mo 'yung sampung kaha ng dragon with free lighter! Pesteng siopao ka! Ang aga-aga! Nangigigil-"
"Hoy, Winona ano na namang-"
Isang malakas na kalabog ng pinto ang nagpatigil sa akin.
Lahat ng mga mata ay automatikong napadako sa amo kong si Miss Nala na nakatayo sa pintuan ng stock room. Agad na nagsalubong ang mga matatalim na kilay nito ng makita akong tangan-tangan ang kuwelyo ng customer.
Pambihira! Heto na naman kami!
Namumula sa galit siyang naglakad papunta sa kinaroroonan ko at kitang kita ko sa likod ng makapal niyang make-up ang stress. Binitiwan ko ang lalaki at huminga nang malalim upang ihanda ang sarili ko sa bagyong paparating.
BINABASA MO ANG
Tasteless
General FictionAfter the sudden disappearance of her father, Winona decided to finally free herself from the chains that has been strangling her for a long time. She work full-time at a small convenience store on the outskirt of a city. And there she met an unsoci...