CHAPTER 3

2 0 0
                                    


There's this guy who always buy the same candies everyday in the convenience store where I work...

but today is different.

"Yosi nga."

"I.D." tipid na bigkas ko habang nakatingin sa pormang sigang lalaking nakatayo sa harap ko. Gulo-gulo ang undercut hairstyle nito, may piercings sa magkabilang tainga, may band aid sa kaliwang pisngi, at nakabukas ang gusot na polo uniform. Maiisip mo agad na isa siya sa mga bully sa school na palaging laman ng guidance office dahil nagwawala siya kapag nauubusan ng lugaw sa canteen.

"Bente otso na 'ko," seryoso namang sagot niya.

"I.D." I said with a straight face.

Nakita ko naman ang pagnginig ng kanang mata at kilay niya na parang nagtitimpi.

Please! Wala akong ganang makipag-rambulan ngayon dahil sa nangyari kagabi.

Matapos kong makalabas ng bahay ay agad kaming tumakas ng Boss ko sakay ng sasakyan niya. Kahit na wala naman kaming napala ay pasalamat pa rin at nakauwi kami ng buhay.

Sigh! Pero muntik na talaga akong mayari doon...

"For first time customer, kailangan ko ng I.D." maiksing paliwanag ko.

Bigla naman nitong sinuntok ng malakas ang cashier counter nang hindi na ito makapagpigil ng sarili.

"Hindi na nga ako menorde edad! Kailangan ko bang ulit-ulitin 'yon, ha? Wala akong dalang I.D! Pucha naman!" galit na sigaw niya.

Napabuntong hininga nalang ako at napabulong. "Heto na naman tayo..."

"Kung wala kang I.D sa iba ka nalang bumili. Thank you. Next Please," ani ko na may kalmadong boses.

Lalo namang nagsalubong ang mga kilay nito sa inis at muling nagdabog sa counter.

"Shuta! Anong klaseng customer service ba 'to? Abutan mo nalang ako ng isang stick ng light mentol para makalabas na 'ko sa napakapanget na tindahan niyo! Pwe!" bulyaw pa niya sa harap ko.

"I.D." sambit ko ulit na lalong nagpakunot ng noon niya.

"Argh!" Napahampas siya sa noo dahil sa inis. "Alam mo kahit babae ka papatulan na talaga kita kapag hindi—"

Hinampas ko ng malakas ang stainless na table gamit ang dalawang mga kamay ko. Umalingawngaw ang kalabog nito sa loob ng tindahan na nagpagulat at nagpatigil sa lahat ng mamimili.

Inilapit ko ang mukha ko sa kanya habang nakatukod ang mga kamay ko sa table. Bahagya siyang napaatras.

"Alam mo inipit ko ng plais 'yung dila ng huling estudyanteng siga-sigaan dito no'ng isang linggo. Balita ko malamig na cerelac pa rin ang kinakain niya ngayon," pananakot ko sakanya. Kita ko naman ang kakaibang pamumula ng kanyang pisngi at ng kaniyang tainga. Hindi ko maintindihan kung namumula ba siya sa takot o sa galit.

Tinulak ko siya palayo.

"At saka hindi kami nagtitingi ng yosi dito."

Nagbago naman ang itsura niya na parang muling nakadukot ng tapang kung saan.

"Tsk! A-Aangas mo ha! Akala mo ba natatakot ako sa—" Natigil ito sa pagdakdak ng isang plais ang padabog kong inilapag sa counter.

"Lumayas ka na dito kung ayaw mong hindi lang dila ang ipitin ko sa 'yo!" sigaw ko sa kanya na nagpaatras sa kanya.

Dali-dali itong tumakbo papunta sa pintuan ng may pawisan at namumulang mukha. Binantaan pa ako nito bago siya lumayas. "H-Hindi pa tayo tapos, babae! Pagbalik ko babawi ako sa 'yo!"

TastelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon