There's this guy who always buy the same candies everyday in the convenience store where I work.
"Welco—me..." Mahinang bati ko sa customer na pumasok sa loob ng convenience store habang naghihigab. Nakatukod ang kanang siko at pisngi ko sa counter habang pilit na pinipigilan ang antok.
Hindi ako gaanong nakatulog dahil binabagabag pa din ako nang biglaang naging desisyon ko kagabi.
Tsk!
"Burglary?" hindi makapaniwalang sigaw ko sa amo ko. "Anong akala mo sa 'kin cheap na akyat bahay?"
"What's the difference between a swindler and a robber anyway?"
"Malaki ang pinagkaiba no'n!" singhal ko.
"Kahit saang angulo mo tingnan, they are both committing a crime!" seryosong dahilan naman niya.
"Tsk!" Napaiwas nalang ako nang tingin dahil ayoko nang makipagtalo pa.
Naaasar talaga ako kapag may point ang sinasabi niya!
"Madali lang 'to, Winona! Akong bahala sa 'yo," nakangising wika niya sabay tapik sa balikat ko.
"Kung madali lang, bakit hindi ikaw ang gumawa?"
"Ughh..." bigla siyang sumimangot. "Siguradong hindi ako makakalabas ng buhay kapag nahuli ako ng ex ko."
Napahilamos ako ng mukha sa narinig.
Pambihira! Sinabi na at lalaki na naman ang puno't dulo nito!
"Bakit naman gusto mong pasukin ko ang bahay ng ex mo? Nasisiraan ka na ba?"
Nakita ko naman ang biglang pagpinta ng inis sa mukha niya. "Gusto ko lang malaman kung sino ang bagong kinakama ng babaerong 'yun. Nako talaga!"
"Anak ng tokwa! Bakit hindi mo nalang siya direktang tanungin?"
Tinapunan niya ako ng isang matalim na tingin. "Shut up. You know nothing about love, Winona."
BINABASA MO ANG
Tasteless
General FictionAfter the sudden disappearance of her father, Winona decided to finally free herself from the chains that has been strangling her for a long time. She work full-time at a small convenience store on the outskirt of a city. And there she met an unsoci...