"Serene "
Mula sa pagkaka upo sa damohan na sinisilungan ng mayabong na puno Inangat ko ang aking tingin sa pinangalingan ng boses.
Awtomatikong sumilay ang kaniyang mga ngiti nang makita ako."Dad"
mula sa pag ngiti napalitan ng pag aalala ang kaniyang hitsura,malamang at napansin niya ang galak bagamat may lungkot saaking boses.Umupo ito sa aking tabi at marahang hinaplos ang aking buhok .
Nakatanaw ito sa mayabong na mga bulaklak ng adelpa ,sa mga oras na ito pareho lamang kami ng takbo ng iniisip.Parehong nangungulila sa aking ina.Taon na rin ang lumipas nang mawala ang aming pinaka mamahal na Ilaw ng tahanan.Sabay naming pinanood ang marahang hawi ng hangin sa mga puno at mga halaman.Ang lugar na ito ay paboritong puntahan nang aking ina,dahil na rin sa kapayapaan ng lugar.
"Nang pinag bubuntis ka nang iyong ina,madalas dito ang paborito niyang puntahan"
panimula niya ,napangiwi ako dahil narin ilang beses niya nang nabanggit iyan."Kaya po ba Sirene ang aking pangalan ?"
Bumaba ang tingin niya sa akin ,marahan kong tinusok ang kumukulobot na kaniyang noo dahil na rin sa tumatanda na siya.
Ngumiti ito saakin at saka nag salita."Marahil alam mo na ang sagot saiyong katanungan "
"Dahil malaki na po ako "
"Yeah , a beautiful lady just like your mom"
"And of course a handsome and caring daddy"
I giggled, natawa rin siya sa sinabi ko .Humilig ako sa kaniyang balikat kasabay nang katahimikan .Sirene , ang aking pangalan sa lugar na ito dito nabou ang aking pangalan at sympre ako nabou sa aming tahanan.••••
Mabilis ang pagdaan ng mga bawat araw hindi natin mamalayan ang pagtapos ng masaya o kahit malungkot na araw.Ganun sa mga taong nakakasama natin hindi sila permanente, kaya naman bawat segundo ay huwag nating sasayangin.
Matapos ang ang naging pag uusap namin ay nagpaiwan muna ako .Sa kabilang dako ay makikita ang mga bulaklak ng adelpa, sa kanang bahagi naman ay ang mga rosas .Tahimik ang boung paligid at ang mga halamang ito ang nakakadagdag sa katahimikan at kagandahan ng lugar.
Serene.
Humilig ako sa malaking puno bago tumanaw sa aking harapan na kung saan tanaw ang mga gusali.Ang aming bahay ay medyo may kalayuan sa syudad kung kaya't nahahaluan ng ilang bundok ang gusaling natatanaw .Hindi naman naging hadlang ang transportasyon dito dahil maayos naman ang mga daan at ruta.Hindi rin naman mabagal ang mga byahe kung sakaling pupunta ng syudad .
Tumingala ako sa langit at sandali pang nagmasid .Ang lugar na ito ang maganda talagang puntahan lalo kapag marami kang iniisip at kapag pagod ka na sa mga tao pati narin sa mundo.Sa ngayong oras ay umalis na si dad para magtungo sa kaniyang trabaho, naglaan lang siya ng kunting oras upang makausap ako kanina ngunit isang malaking bagay na un lalo pa at alam kung busy siya.
Napatigil ako ng may maalala, kinuha ko ang maliit na whistle sa aking bulsa bago ito hinipan kasabay ng paglakas ng hangin ay ang pag tunog nito na ginawan ko ng ritmo.
At ang pinaka gusto ko sa lahat ang pagtunog ng mga ilang ibon sa mga puno, na para bang iyon ay ang kanilang lenggwahe.At masaya sila sa kanilang naririnig.
Ano kaya feeling na maging ibon?
Natawa ako sa sariling naisip.Marahil ay masaya sila sa himpapawid at gaya ng tao may mga obligasyon din sila at may buhay .
Masaya bang lumipad?
Natahimik ako ng lumipad nanaman ang isip ko.Bukas ay magsisimula na ang klase .Namimis ko narin si Jenny, ang best friend ko.Marahil bukas may mga bagong mukha sa paaralan o kaya naman sa klase namin ngunit halos kami ay magkakakilala na, un nga lang ay hindi ko sila gaano ka close.Gaya ni Jenny ay hindi kami gaano sumasabay sa kanila .Hindi ko maiwasang ma excite, mabilis lang ang araw baka nga ilang kurap ko lang tutongtong na kami ng college.
Siguro ay kailangan ko narin paghandaan un.Nang makuntinto ay napagpasyahan ko ng umalis .
YOU ARE READING
Reminisce(On-going)
RomanceSerenity Halsey Flores has only one way to be with her man again. A way that she can fell his warm embrace ,hear his sweet and assuring words, she will do it . But she knows he will never be back again.All she can do is to .........