CHAPTER 8

0 0 0
                                    

Old Love
- Yuji & Putri Dahlia

•••••

Mahinang tapik sa aking balikat ang nagpa gising saakin.Ewan ko ba sa dami na rin ng ginawa ngayong araw ay nakatulog ako.

Dahan dahan ang ginawa kung pag mulat at papungas pungas pa .Inayos ko aking upo bago marahan na niligon ang lalaking Kasama mo .Kanina lang ay naiinis ako dito bakit nga ba ako sumabay sa kaniya .Nakakunot ang noo nito ng naging matagal ang pagtitig ko.

"We're here"

"Anong oras na?"

"5:04"

"Oh"

Nahihiyang sinulyapan ko ang labas at marahang binasa ang ibabang labi bago sumulyap sa kaniya.Nag aagaw nanga ang dilim sa liwanag .Teka matagal ba kaming naka hinto dito? hinintay niya bang gumising ako?.Nakakakonsensya,  ngunit ng maalala ang pag tama ng noo ko sa pinto kanina ay nawala ng bahagya ang hiya ko.Dapat lang sa kaniya yan hmp.Dahan dahan kung inangat ang aking bag bago lumingon ulit sa kaniya.

"Thanks sa pag hatid"

Bumaba na ako bago pa hintayin ang sagot niya .Patakbo akong pumasok ng gate ng walang lingon lingon .Matapos makapag bihis, maghapunan at gawin ang mga schoolworks ay maaga akong nagpahinga kailangan ko rin bumawi ng tulog.

••••

Mahinang huni ng mga ibon,  kalmadong ihip ng hangin at ang marahang pagsayaw ng mga halaman at mga puno .Marahan akong umupo sa isang punong malaki malapit sa aming harden .Ang init ng araw ay hindi masakit sa balat dahil na rin sa hangin .Mula sa aking kinauupuan ay tanaw ang nagtataasang gusali, napangiti ako bago marahang hawakan ang tela at magsimulang magburda.Isa itong ng uri  bulaklak, ang lily of the valley.Noong isang araw ko pa ito inuumpisahan at tinatapos ko na lamang ngayon.Ngayon ay araw ng sabado kung kaya't walang klase ganun ka bilis lumipas ang are, parang kahapon lang ang first day ng klase  .Bukod sa pagtulong kay lola sa kusina ay ito ang hilig kung gawin, ang mga bagay na ito ay buhay para saakin mula saaking puso ang bawat nakalapat na burda rito.

Marahan ko itong inangat at tinapat sa sinag ng araw ng matapos .Pinakatitigan ko ito ng puno ng pagkamangha at pagmamahal .

Napakagaling ko talaga naman.

Naka ngiti ko itong nilapag sa aking tabi, pinagsiklop ko ng marahan ang aking bistida na marahang sinasayaw ng hangin .Maingat ko ding ibinalik ang aking mga gamit sa maliit na kahon at maayos na nilapag saaking tabi.Tumingala ako sa taas ng mapansin ang mahinang huni ng ibon. Kinuha ko saaking tabi ang aking gitara at marahan itong kinaskas.Ipinikit ko ang aking mata ng magsimulang humalo ang ritmo nito sa tinig ng hangin at huni ng ibon.

"When you were here, the stars disappear
Nothing can outshine the dress that you wear
We should be dancing 'cause girl you look stunning
Let's spend the night together 'till reach the morning"

Marahan akong napa ngiti ng malakas na umihip ang hangin .

"Up and above, never enough
I wanna hold your hand and show what is love
When you are smiling and when you are laughing
We should keep dancing to treasure the feelings"

"Like it's the old love
This is the way that we both wanna feel
Under the moonlight we made our first kiss
'Cause this is the moment that you made me feel
Like it's the old love
Come on and hold me, I want you right here
Stay close to me so you don't feel the fear
I'll never let go 'cause I'm just right here"

Marahan kung iminulat ang aking mata ng may mapagtantong pumasok saaking isip habang may marahang ngiti sa labi at masayang kinakanta at dinadama ang kanta.

"When I'm with you, feels like déjà vu
I realize that dreams really come through
We keep on talking for the moment we live in
Let's just keep drinking 'till the moon disappear"

Hindi ko maintindihan at bakit pangalan at mukha niya ang pumasok sa aking isipan.Baka naman kabag lang yan Serene sa sobrang hangin ba naman sa pwesto mo .

Bumuntong hininga ako bago ilihis ang ano mang pumapasok sa aking isipan .Itinigil ko na ang pagkanta at pag galaw sa gitara, sandali pa akong tumitig sa aking harapan bago mapag pasyahan na bitbitin ang aking gamit at umalis .

Bago makalampas sa mga halaman ay naisipan kung kumuha ng isang rosas.Marahan kung nilapag ang aking dala bago pumutol ng isang piraso ng bulaklak, ng matapos ay mabilis akong pumasok ng masyon. Umakyat muna ako saaking kwarto bago ibalik ang mga dala.

"Ay ganun ba?hindi ko naman napansin kahapon ng makauwi siya eh pa'no hindi ko naabutan maaga yata natulog.Pati nga sa paghapunan ay hindi ko na nasabayan"

Galing ako ng kusina at umalis roon ng hindi maabutan ang aking lola bitbit ang rosas papunta sa bukana ng bahay kung saan nang gagaling ang boses ng aking lola.

"Sige salamat ha,  mag iingat ka iho."

"Lola?"

Imbis na sagutin ako ay agad niyang tinignan ang aking noo at sinuri .Ng maalala ang nangyaring  ang pagtama ng aking noo sa pinto marahil un tinitignan niya.

Teka..

May hawak itong kulay pula na lunch box.

"Masakit pa ba ang noo mo Serene?"

"Hindi na po lola tsaka ilang araw narin po un , ano po yan?"

Turo ko sa hawak hawak niya.Nilingon ko pa ang kaniyang pinangalingan na parang may maabutan pa ako doon kahit naman na sigurado akong nakaalis na ang sinumang kausap niya roon.

"Ah napadaan dito si Slade.Nabanggit niya rin na aksidente niyang natamaan ang noo mo kung kaya't nagluto daw ang nanay niya at dumaan na siya dito para ibigay sayo ito at mag sorry .Tinanong pa nga kung masakit pa ang noo mo .Nag alala naman ako kung ano na nangyari sayo .Ayos ka na ba talaga?"

Mahabang kwento niya ngunit ang mata ko ay nasa lunch box niya.Napasimangot ako akala ko pa naman siya nagluto .Pero kahit na ganun may kung ano saakin na parang gusto kong ngumiti ng bunga.

Tsaka nung Monday pa un ah.

"Serene!"

"A-- ah opo lola, haha peace"

"Okay na po ako lola wag ka na mag alala hindi naman po malakas ang pagkatama ko."

"Ganun ba, oh siya at kunin mo na ito"

Ngiti ngiti kung inaabot un bago inaabot din sa kaniya ang rosas na hawak ko.Naka ngisi ko itong inabot sa kaniya.

"Kahit  kailan talaga, meron ka palaging baon na kung ano-ano kapag pinapag salitaan kita ano"

Napangiti ako ganun din siya kahit hindi niya sabihin, proud siya saakin.  sympre ako na ito e . Maganda , mabait , matalino , masipag  lahat ng 'ma'  ano pa ba .Kung baga walang labis si Slad- AY!

"Sige po lola akyat na po ako"

Mabilis akong humalik sa kaniyang pisngi habang patakbong umakyat sa kwarto hawak ang lunch box .May sinabi pa siya ngunit hindi ko na masyadong napakinggan . Kailagan kung linisin ang aking utak at kung ano-anong pumapasok na pangalan dito .Hawak ko lang ito at pinaktitigan.May note na nakapa ako sa likurang bahagi nito mabilis ko itong kinuha at binasa .

' I'm sorry about yesterday,  I know how you love foods so here (◠‿◕)'




Reminisce(On-going)Where stories live. Discover now