CHAPTER 9

0 0 0
                                    


•••

Tsk

Matapos kung mabasa ang note niya ay may bahid ng ngiti ang aking labi ng buksan ang lunch box kahit pa hindi ko alam kung nang aasar lang siya.Ang mabagong amoy agad ng putahe ang sumalubong saakin ng buksan ko ito.

Matapos ito kainin ay nag iisip ako kung ibabalik ko pa ba o kailan ang lunch box niya.Siguro kapag nakita ko nalang siya sa school.Hindi mapapagkailang magaling magluto ang nanay niya.

Siya kaya? magaling din .Baka sa ibang bagay magaling.

Pag tunog ng alarm sa aking cellphone ang bumalik sa anong pinag iisip ko .Kinuha ko ito at binuksan .

1:04

Hapon na pala mukhang matagal tagal ang pag iisip ko.Reminder un na oras na para gumawa at magbuklat ng mga notes ko.Marami rami pa pala akong dapat aralin kung ano-ano pumapasok sa isip ko.

Maya maya pa ay may marahang katok akong narinig boses iyon ni lola.Tinawag ako nito bago marahang buksan ang pinto.Pumasok ito na may bitbit na inumin at cookies meron ding apple sa kabilang plato at ito na ay na slice na .Gaya ng palagi niyang ginagawa alam na alam niya na ang oras ng pag aaral kung kaya't nagdadala ito ng meryenda.

"Salamat po lola"

Hinaplos ako nito sa ulo bago marahang ngumiti .Sinabi ko pa noon na ayos lang kung hindi na niyan gawin lalo pa at tumatanda na siya .Hayaan ko raw siya na alagaan ako bagay na nagpapasaya ng aking puso.Tumayo ito ng tuwid bago lumabas ng kwarto.

2:50 pm

Nag unat ako ng katawan bago pinasadahan ang huli kung tatapusin pag katapos nito ay sigurado ako kailangan ko ng pahinga.

3:40 pm

I sigh.Naging ganiyan ang haba ng oras ng pag aaral ko kapag may isa akong bagay na hindi ko maintindihan kailagan ko talaga itong malaaman kahit pa ramdam ko na ang sakit ng mga hita sa pag kakaupo, sakit sa leeg sa bahagyang pag yuko at kunting kirot ng ulo.

Ubos ko na rin ang pagkaing binigay saakin ni lola .Isang pang inat ng katawan bago ko napag desisyonan na ayusin ang aking gamit.Sabado pa lang naman ay tinatapos ko na talaga ang mga gawain ko para naman pagdating ng linggo ay maluwag ang schedule ko.Pabagsak ang ginawa kong pay higa sa kama .Maya maya pa ay naramdaman ko pag vibrate ng cellphone ko.

Jenny the Binnie calling...

Kakapahinga ko lang ng katawan ngunit parang ang pandinig ko ang mapapagod.

"HeYyyyy"

"Sup"

Medyo pagod kung bigkas na parang tumakbo ng isang oras sa labas.Mula sa pagkakahilata dumapa ako sa kama sinubsob ang ulo habang ang kaliwang kamay ay hawak ang cellphone.Narinig ko pa ang pagsinghap niya sa kabilang linya.Ano nanaman kaya ang nasa isip nun.

"Ano? bakit ka napatawag?"

"Ano...anong ginagawa mo? HALA KA! NASAAN KA?SINONG KASAMA MO?"

Mabilis inalis ang cellphone sa tainga ko bago dumaing sa sakit ng pagtama ng isa kung daliri sa paa sa upuan .Dahil sa gulat sa boses niya .Gigil kung tinignan ang paa .

"Ano ba? bakit ka ba naninigaw?!"

"Ano ba kasing ginagawa mo?"

"HAaaa!?"

"Wala . Nevermind . Gusto ko lang sana kita yayain bukas"

Gulo talaga ng utak nito minsan e, hindi mo mahulaan kung kailan din bubwelo ang bibig.Nakaupo na ako sa gilid ng kama habang  medyo iniinda pa ang sakit sa daliri ng tumama.

"Napaano ka?"

Tanong niya ng marinig ang daing ko.

"Ay shunga sigaw ka ng sigaw tumama tuloy daliri ko sa paa! ang sakit kaya!"

"Anong kinalaman ng pagsigaw ko sa pagtama ng paa mo aber?"

"Abat .. makikita mo pag nagkita tayo maghihigante ako."

" HAHHAHA"

Tawa lang ang sinagot niya saakin na bagay na kinainis ko pa . Bumalik ako ako sa pag higa bago inis na pinatayan ng tawag ang magaling kong best friend.Maya maya pa ay tumunog ito para sa isang text message.

Ito naman nagtampo agad ito nanga po.Gusto sana kita ayain bukas dahil linggo naman .Walang okasyon okay? nautusan kasi akong magbantay ng pamangkin ko ayon hehe.

Napakunot ang noo kung ng mabasa un.

Bwal tumggi uu nalang okay? at TAMA ka ng isiniiship magbabantay tayo basta ako bahala!
Papasundo kita mga 10 am okie ba? oajyyy yaabn

Ayan nanaman siya hindi ko maintindihan halos ang message niya .Naging jeje nanaman siya.Wala akong nagawa pumayag nalang ako tutal wala naman ako gagawin bukas.

5:15

Ganun katagal ko nasayang oras ko makipag usap sa kaniya? tsk .Mabilis akong bumaba dahil ano mang oras ay dadating na si Dad mga bandang ala sais ay umuuwi na siya para naman ay sabay sabay kaming maghapunan.

Patakbo akong bumaba ng matanaw ko agad ang sasakyan niya sa garage .Napaaga niya yata.Hinanap ko siya sa kusina ngunit tanging si lola lang nakita ko doon at naghahanda na .

"Lola? where's dad? nagbibihis po ba?"

"Akyatin mo nalang sa taas Serene at kausapin mo"

Malungkot niyang sinabi un na napagpakaba saakin.






You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 07, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Reminisce(On-going)Where stories live. Discover now