8:02Nang makarating ako sa classroom namin ay agad kong napansin ung prof namin na nakatayo sa harap ng klase.Agad itong sumenyas na pumasok na ako.
Sigh
Pagkaupo ko agad nang nagsimula ang klase .Buti nalang hindi ako napuna . Dahil na rin kilala na namin dito ang isat -isa wala nang intro introduce yourself na yan.Kami kami rin ang mag ka-klase simula pa nung first year high school kami.Maliban nalang sa mga umalis o nag transfer sa ibang school.Ung mga taong hilig umalis .
Naging mabilis din ang klase actually hindi un klase kasi kwentuhan un about sa bakasyon namin , whatever .Dahil narin first day of class nag announce lang nang ibang reminders ang teacher namin.Nang sumapit ang recess mabilis kong hinila si Bennie the Jennie ,yes girl siya ewan ko lang bakit ganiyan trip nang parents niya at naging ganiyan pangalan niya.
Hila hila ko sa braso si Bennie nang pumalit ito nang pwesto at ako naman ang hinila.lakad takbo ito habang hila ako sa braso papuntang rooftop.Dating gawi.
"Teka hahaha"
tawa ko pa habang hila ni Bennie.Ang lagi naming gawain basta recess o kahit lunch nasa rooftop ang deritso .Hindi na kami bumibili dahil na rin pinapadalhan siya ng mother niya at talaga namang ang babaita sinama pati ako.First year High school kami unang nakapag usap and second year High school na kami naging close sa isat-isa.Naalala ko pa nun meron kaming classmate na akala mo pag ma-may ari ang planetang earth kong mam-bully. Si Bennie ang hilig niya nun pag tripan.
Si Bennie kasi ay isa sa mga scholar sa paaralang ito.And sympre one time nalaman niya un and also nalaman niya na minsan hindi afford ni Bennie ang mga pagkain sa cafeteria .Jan nag start nung bi-nully niya si Bennie.After i saw what happened ,lagi na akong sumasama kay Bennie until we became friends to Best friends ,para nanga rin kaming magkapatid.
Dahil na rin marami kaming pagkakatulad ,ang bonding namin minsan ay humarap sa libro ,manood ng mga documentaries , educational sites.Mas gusto namin ng tahimik bihira lang din kaming makihalubilo sa kapwa namin i-studyante.
"Hey"
"Hmm?""Hindi ka ba nag sasawa jan?" Pag tatanong ni Bennie habang naka nguso sa kinakain ko.
Pareho na kaming nakaupo sa dalawang upuna na magkaharap dito sa rooftop ng school.Gaya ng dati sikat ang araw ngunit malamig naman ang hangin kaya't di gaanong masakit sa balat ang sinag ng araw."Itong food na ginawa ni tita?"
"uhuh"
"Huh? bakit naman ako magsasawa eh gawa niya ito para saakin...teka nga bakit ganiyan ang tanong mo saakin Bennie the Jennie?"
Umingos ito nang banggitin ko ang bou niyang pangalan .Pang inis lang ee.
"Wala naman bakit masama na ba ngayong magtanong? "
"Ganito kasi yan kapag ang Isang bagay ay alam mong ginawa o at pinag hirapan ng Isang tao dapat ipakita mo na sobrang na appreciated mo ung bagay na un."
"Kahit ba paulit ulit?"
"Oo ,kasi Bennie pinag hirapan parin un at Ikaw ba hindi matutuwa kapag nalaman mo na ang isang bagay ay pinag laanan ng oras para gawin at ibigay sayo?"
"At tapos habang ginagawa niya un Ikaw ang nasa isip niya kong kaya't ang bawat kilos ay may halong alaga at pag mamahal"
"Gets ko na"
" Tsk sa dami ng sinabi ko yan lang sasabihin mo?"
Isinubo ko ang huling pagkain bago sumandal sa upan habang nakatingin sa kaniya na ngumu-nguya nguya pa.Sure ako may mga tumatalsik talsik pa .
" Alan mo kasi Serine may mga bagay na---"
"Ano?"
"Na ano na.. mawawalan tayo ng sasabihin"
"Sus bakit hindi mo nalang sabihinin na namamangha ka lang sa sinabi ko, oh diba tama naman ako namangha ka "
Lumapit pa ako sakaniya habang tusok tusok ang noo niya.Ganiyan siya maiinis kapag hinahawakan ang kaniyang matambok na noo.Panay ang ilag niya hanggang sa gimanti ito at napuno nanaman ng tawanan ang boung rooftop.
Nang matapos ang lahat ng gagawin sa araw na ito saaming paaralan ay sabay na kaming lumabas ng campus .Si Bennie ang unang nakaalis .Pa sipol sipol pa ako ng makarating sa mansyon.Paakyat na ako ng hagdan ng makarinig ako ng usapan sa kusina .
Hmmm nandito na naman un.Siguro kailagan ko nanamang mag isip ng anong magandang reason kong sakali mang tawagan nanaman ako ni lola.
Dali dali akong umakyat ng kwarto at mabilis na nag bihis bago pumasok sa aking lagusan .Ang aking mini library .Sa loob may dalawang lagyan ng mga libro depende sa category at genre ng mga novel books.
At meron itong hallway papunta sa dulo kong saan ang aking mesa ,nasa gilid nito ang bintana na kong saan natatanaw ang aming garden at mga puno.Sa kanang bahagi ng mesa ang aking mini studio natatakpan ito ng glass kong kaya't nakikita parin ang loob.
Sa likod nitong aking mesa ang isang cabinet na kong bubuksan mo ay mga larawan namin Kasama ang yumaong ina.Kasama ng mga paborito naming gawin ang mag burda kasama si ina.Tumayo ako't kumuha ng frame sa loob ng cabinet.
Binuklat ko ang mga larawan na naroon at nang matagpuan ang pakay ay agad ko itong kinuha at nilagay sa Isang maliit na frame
Nilqpag ko ito sa aking harapan ,sa harap ng mesa at pinag masdan .Mga larawan ito.
Mga larawan na kay sarap sa pakiramdam kong babalikan ang mga alaala.
YOU ARE READING
Reminisce(On-going)
RomanceSerenity Halsey Flores has only one way to be with her man again. A way that she can fell his warm embrace ,hear his sweet and assuring words, she will do it . But she knows he will never be back again.All she can do is to .........