01

1.7K 83 14
                                    

CHAPTER 1

Jaden

"Let's end this. Ayoko na. You're too hard to handle. Nakakapagod ka."

For the nth time naalala ko na naman ang huling sinabi ng hinayupak kong ex. Too hard to handle? Talaga? Saan? Saan banda? Hindi naman ako clingy, hindi makulit, ni ako nga palagi ang umiintindi sa relasyon namin tapos siya pa ang may ganang mapagod? Joke ba  'to?!

Kahit anong isip ko, kahit anong hanap, at kahit anong intindi, hindi ko alam kung saan ako nagkamali. Hindi ako nagkulang. Nagmahal ako ng sapat. Nagmahal ako ng tama. Masaya kami. Akala ko masaya kami.

"Den, kumain ka na muna." Naramdaman ko ang presensya ni Keiji sa gilid ng kama. Nakatalikod ako sa gawi niya habang niyayakap ang unan at nakakumot. Wala akong ganang gumalaw.

"Mamaya," sagot ko.

"Den, seryoso tangina. Tatlong araw ka ng 'di lumalabas. Ang dumi ng condo mo. Umayos ka nga!" bakas sa boses ni Keiji ang pinaghalong inis at pag-aalala.

Nagi-guilty ako. Alam ko na naaabala ko na siya. I'm probably stressing him right at this week kung kailan katatapos lang ng finals namin. Pero kasi pucha, ang sakit talaga.

"Kei...ang sakit..." mahina kong sabi, nakatalikod parin. "Tatlong araw na simula noong nakipaghiwalay siya pero habang tumatagal mas lalong sumasakit. Mas nagsi-sink-in sa'kin na wala na. Hindi ko matanggap..."

"Alam ko. Naiintindihan ko, believe me. You can cry all you want. Pwedeng-pwede ka magmukmok, magdabog o kung ano pa pero huwag ganito," he sounds like pleading. "Huwag iyong pinapabayaan mo na ang sarili mo. I'm so near on calling your parents to pick you up and take you home. We're so near on living here with you, mabantayan ka lang," dagdag niya.

Mahina akong natawa at ngumiti.

Ang gulo ko talaga. Ang babaw ng mga emosyon ko. But I can't help it. Times like this, nararamdaman ko lalo na nasa tamang mga kaibigan ko. I'm still lucky.

"I won't be able to come back if ever you have called my parents." Tinabi ko ang unan at naisipan na tumayo. Umupo ako sa kama ko; bagsak ang mga balikat, magulo ang buhok, namumugto ang mga mata, namumutla at tuyo ang labi. The picture of me right now is so awful that it can be used as a blackmail.

"That's the reason why I didn't. Come here." Kei walked towards me with open arms. Umupo siya sa tabi ko at bigla akong niyakap. I hugged him back habang dinadama ang paghagod niya sa likuran ko. Naiiyak na naman ako.

"Your life doesn't stop here, Den. Your life is more than just your past relationship. Tangina lamang ng ex mo." Natawa ako sa huli niyang sinabi ngunit naintindihan ko ang mga unang sinabi niya.

I know. I understand my situation. May mga bagay lang talaga na kailangan kong malaman ang rason. I just also wanted to let out my emotions, ayokong magpanggap, mas mahihirapan ako. I know things will be fine, I know that. But that doesn't mean that I'll be fine agad. Nasasaktan parin ako. Sobra. Sobrang sakit. Dinadama ko nalang sa ngayon, alam ko huhupa rin 'to. Sana hindi matagalan.

It's Sunday today. Matapos ang pag-uusap namin ni Kei kahapon ay naisipan ko ng lumabas ng bahay. I cleaned my unit, took a bath and went to the bar. Khou invited us to a drink. Alam ko na para iyon sa akin dahil nag-aalala raw ang mokong at himala dahil libre niya umano.

"Inom ka lang Den! Pero huwag masyado maglasing ha! Mababa pa naman tolerance mo," paalala ni Rain sa'kin. Nandito kaming tatlo sa isang table—me, Rain, Khou, and Keiji. May mga inumin na sa mesa and we're all sharing that.

"Alam ko limitasyon ko 'lul," sabi ko sabay lagok ng inumin sa baso ko.

"Basta kapag nawala ako mamaya huwag niyo na 'ko hanapin ah? I'll just send a message if I won't come back." Napailing nalang kami sa sinabi ni Rain. Him and his plays. Sanay na kami sa kanya.

PS1: Playing with Fire (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon