07

1K 66 17
                                    

Chapter 07

Jaden

"Ma, uuwi po ako sa next weekend. May lakad lang po talaga ako ngayon."

I am inside the car talking to my mother through the phone. Nakalimutan ko itong tawagan noong nakaraan kaya ngayon siya na ang tumawag upang tanungin ako kung uuwi ba ako sa amin.

"Kapag hindi na naman 'yan matutuloy Ike, magtatampo na talaga ako," tunog nagtatampong sabi ni mama. Hindi ko mapigilang mahinang matawa dahil sa kanya.

"Promise, Ma. Sige na, I'll hang up. Pakisabi nalang kay Dad," sabi ko. Mama bid her goodbye before she ended the call.

Tinago ko na ang phone ko at lumabas na ng kotse at tumungo sa likuran. Damian's taking out our bags, giving it to a man which I think is a staff of the hotel in front of us.

We just arrived here in a resort. Maaga kaming bumyahe kanina and it took us almost four hours to arrive. It's already almost lunch when we arrive here, mainit na at gutom na rin ako. It's Saturday today at ngayon iyong sinabi ni Damian sa akin na dinner with his family. It'll be later tonight, we still have time.

"May maitutulong ba ako?" tanong ko na kumuha ng atensyon ni Damian. The man looked at me before he closed the door of his car. Tapos na yata.

"Our things are already on our room. Let's have lunch first then you can rest for a while. Will that be okay? Or you wanted to do something?" he asked me.

Damian's on his black shorts and a white printed shirt. May nakasabit na sunglasses sa dibdib niya. He's clean and fashionable, gwapo. Kaya siguro maraming napapatingin sa kanya rito ngayon. Hindi ko tuloy maiwasang mapalingon sa mga kababaehang nakatingin sa kanya. Nakangiti at nag-uusap, halatang siya ang topic. Nanliit ang mga mata ko dahil sa nasaksihan.

Suddenly, I heard Damian chuckled in front of me. "If stares could kill, you'll be a criminal by now."

Natauhan ako sa sinabi nito at nahiyang nag-iwas ng tingin sa mga babae. I didn't notice that I was staring at them or glaring! Nakaka-distract naman kasi ang ginagawa nila.

"And you'll be dead by now. Four times," sabi ko sa kanya. He's laughing lightly, lumalabas ang dimples niya na mas lalong nagpapagwapo sa kanya. Paborito ba siya ni Lord?

"Mas napansin mo pa sila kesa sa'kin, Jaden. Focus on me, will you?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. Nahimigan ko pa ang pagtatampo sa boses niya na para bang may ginawa akong ikinasama ng loob niya. He just laughed at my reaction kaya tinalikuran ko na ito at nauna ng maglakad, leaving him behind me.

"This way, sweetheart," hinapit niya ang bewang ko at iginiya ako sa ibang direksyon. I was startled at his action but I let him be. I don't want to make a scene that will get the people's attention, nakakahiya.

Hinayaan ko nalang si Damian sa ginagawa niya. We walked together, his hand rested on my waist guiding me until we arrived at a hall. May mga tables na naka-arranged. May counter na puno ng pagkain at mga tao na nakaupo, kumakain.

It's a buffet. Sana naman masarap.

Damian talked to a staff who went to him. He asked about what are the food offered today. Habang kinakausap niya ang lalaki ay nanatili ako sa tabi niya, hindi niya parin ako binibitawan. Pansin ko rin na parang kabisado niya ang sarili niya rito sa lugar.

"Kuha na tayo ng pagkain," sabi niya sa akin nang makaalis na ang lalaki.

"Nakapunta ka ba rito noon?" hindi ko maiwasang itanong.

"Hindi pa lang ako ipinapanganak nandito na ako." Hindi ko matukoy kong seryoso ba siya sa sagot niya kaya inirapan ko lang ito at nauna ng maglakad.

Both of us got our food and went to a vacant table. Kumain kami at nag-usap ng mga bagay-bagay. Mabilis kaming natapos kaya't tumungo na kami sa kwarto na kinuha niya. My eyebrows furrowed as I looked at him opening the door.

PS1: Playing with Fire (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon