02

1.5K 75 18
                                    

CHAPTER 02

Jaden

I shouldn't have done that. 

I shouldn't have said all of that.

What should I do?

How should I avoid him?

Should I avoid him?

Oh my God, I can't keep calm. 

I don't know what to do anymore!

This is so—

"Den, ayos ka lang ba?"

Natigil ako sa aking pag-iisip dahil kay Keiji. Nang inangat ko ang aking ulo ay nakatingin na pala silang lahat sa'kin. Kasama ko kasi ngayon sila Kei, Khou, at Rain sa cafeteria. Break namin kaya we decided to get some snacks. I didn't realize that I was spacing out at mukhang napansin nila iyon. 

"Dude, we've been calling you for God knows how many times," ani Rain. 

"Lumilipad ang isipan mo. Saan ka nakaabot?" Kei and Rain glared at Khou's remark which the latter responded with a chuckle. 

Napabuntong-hininga ako. "May iniisip lang," sagot ko. Kinuha ko ang pagkain ni Kei at wala sa sarili iyong sinubo. Napaubo ako nang malasahan ang pagkain. Ang anghang!

"You are seriously not fine, Jaden," Kei said in an obvious tone as he pulled his plate away from me. Binigyan ako ni Rain ng juice na agad ko namang ininom. Tiningnan ko ang pagkain ni Kei at pizza pala iyon na may hot sauce! I forgot that he likes spicy foods and I can't stand spicy things!

"Anong problema?" tanong ni Rain. 

Natahimik ako at 'di nakasagot agad. Sasabihin ko ba sa kanila ang totoo? Hindi ako mahilig mag-sikreto sa kanilang tatlo pero pagdating sa isang ito, nagdadalawang-isip ako na sabihin. Pakiramdam ko kasi hindi pa ito ang tamang pagkakataon na sabihin sa kanila, at saka nahihiya ako. Nahihiya talaga ako sa katangahang nagawa ko noong gabing iyon. Gayunpaman, I still need to give them a reassuring answer. I don't want them to worry especially Kei.

"Wala. Hindi seryoso. Sasabihin ko sa inyo kapag pwede na," tanging sagot ko. 

Hindi na nila ako kinulit hanggang sa naisipan na naming pumunta sa kanya-kanya naming mga klase. I have no class with him right now. Bukas pa ang schedule ng klase niya kaya't medyo hindi ako nababahala. Hindi naman siguro niya ipagkakalat ang nangyari sa'min? I mean, it would affect him too especially that he's a professor. Nasi-stress na naman ako. 

"Den, may ginagawa ka?" tanong ni Klare, class representative namin. Nandito na kasi ako sa room namin at hinihintay namin na dumating ang prof. 

Umiling ako. "Wala naman. Bakit?" 

"Pasama sana ako sa faculty. May pinapakuha si Prof Norman," aniya. Klare's a petite lady, fair skin tapos mahaba ang buhok. She's also good in socializing and can carry herself really well. Kaya nga siya ang napili na class representative e. 

Pumayag ako sa pabor ni Klare at sabay kaming naglakad papuntang faculty. Nag-usap kami sa daan ngunit tungkol lang din sa ibang sub na magka-klase kaming dalawa. Nang makarating sa faculty ay dumiretso agad kami sa table ni Prof Norman. Kakaonti lang ang nasa loob at laking pasalamat ko dahil wala siya. 

Nasa likuran lang ako ni Klare habang kinakausap niya si Prof Norman. Nakikinig lang ako sa kanila habang nagbibigay ng instructions si Sir. May gagawin na naman yata. 

"Ardante, tulungan mo si Miss Tugade na mag-distribute nito," binigay ni Sir ang mga photocopies sa akin na agad ko namang inabot. 

"Yes Sir."

PS1: Playing with Fire (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon