Prologue

4.1K 107 33
                                    

PROLOGUE

"Okay, suko na 'ko!"

Napatingin kami kay Khou nang sinabi niya iyon kasabay ng pagtapon sa lapis niya sa mesa. Nandito kami ngayon sa student's lounge sa Reverend Bldg at gumagawa ng draft para sa gagawin naming plate. Kasama ko si Khou, Keiji at Rain.

Kaming dalawa lang ni Khou ang gumagawa ng draft habang ang dalawa ay iba ang ginagawa. Khou and I are both taking architecture while Keiji's taking culinary arts and Rain's taking up business management. The four of us are friends, close friends.

"Khou, wala ka pang nasisimulan," ani Keiji.

"Kaya nga! Wala akong masimulan. I don't have any ideas! Ang dry ng utak ko," nagpangalumbaba si Khou sa table. Ako naman ay nagpatuloy nalang sa ginagawa at nakinig nalang sa kanila.

"Tagal ng tuyo't niyan," sabi ni Rain.

"Basain mo nga tutal ulan ka naman."

"Oh talaga?"

Narinig kong bumuntong-hininga si Keiji habang ako ay natatawa habang nakikinig. Ganito talaga palagi ang ganap kapag nagsama-sama kaming apat. Wala ng bago roon.

"Tumigil nga kayo, 'di ako makapag-focus," sita ni Keiji kaya ayon natahimik ang dalawa.

"Buti pa si Den oh may nagawa na," biglang sabi ni Rain.

"Ay malamang may creative juices 'yan si Den, hindi siya dry ngayon. Nakipag-totnakan 'yan last week, remember? Nadiligan."

Sinamaan ko nang tingin si Khou dahil sa sinabi.

"Tanginang bibig 'yan walang preno," saad ko.

Khou chuckled at me. "Totoo naman ah? Sana all!" sigaw pa niya.

"Sana all totnakan with stranger dahil heartbroken!" dagdag pa ni Rain.

"Hindi mo parin maalala ang pangalan Den?" tanong ni Khou.

"Hindi ko nga tinanong! Kulit. Kaninong anak ba 'to?"

"Sure ka r'yan?" pag-uusisa niya. Tangina ng buong pagkatao nitong si Khou talaga.

"Den's cursing at you inside already Khou. Tigil mo 'yan," singit ng aming referee na si Keiji.

"Kapag naalala mo Den sabihin mo sa'kin. Ako na, pwede mo ng itabi," Rain said. Hinawakan pa niya ang dibdib na parang bukal sa loob siyang nagboluntaryo. Hindi ko alam kung bakit kaibigan ko ang dalawang 'to. Si Keiji lang yata matino sa tatlo eh.

"Tigilan niyo 'ko," tanging sabi ko. Tumawa lang ang dalawa at binalewala ang sinabi ko. Hindi talaga nagseseryoso!

Napailing nalang ako.

Simula pa last week kinukulit na ako ng dalawa dahil nalaman nilang may nakasama ako pagkatapos mag-inuman. Hindi ko naman tinanggi dahil nasa katawan ko ang ebedinsya. It was just a one night stand so I don't know why are they making it a big deal. As if naman na hindi nila iyon gawain.

Siguro nanibago lang sila dahil hindi naman ako ganoon. And besides, I just went into a break-up. And that's basically the reason why I hooked up with a random guy I met at the bar. And the truth is, I remember the guy's name and his face. But what happened was still blurry.

Ten minutes before our next class, nagkanya-kanya na kaming tatlo. Khou and I take up the same class kaya sabay kaming tumungo sa room.

We were talking while waiting for the professor. I was also scrolling through my socials just to relax. Hindi ko napansin ang oras hanggang sa tinapik na ako ni Khou. I looked at him.

"Prof's here," aniya. I hid my phone immediately and noticed that everyone's silent already. Umayos ako ng upo at nang tumingin sa harap ay napakurap ako sa nakita.

I blinked a couple of times and even rubbed my eyes just to make sure na hindi ako namamalikmata.

What the fuck?

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at awtomatikong dumaosdos sa upuan para matabunan ng tao na nasa harapan ko. Now, I look stupid!

"Ginagawa mo?" nagtatakang tanong ni Khou. Hindi ko siya pinansin dahil 'yung puso ko! Kinakabahan ako na para bang may nagawa akong kasalanan.

Well, kasalanan nga 'yon pero it was a white sin!—if that's a thing. But my point is—why the fuck is that man here?! Joke time ba 'to?

"I'll call your names for attendance. Say present or here."

That voice! I can recognize them clearly! Hindi talaga ako nagkakamali!

I tried to take a peak habang nagtatawag na siya ng pangalan.

His perfect lips, sharp jawline, his proud nose and his eyes. That perfectly sculpted face. Siya talaga  'yon! Gago anong nangyayari?

I was on that position when memories of that night played in a fast forward motion. Everything! The lewd voices, sound, and face! I remember everything!

"Ardante, Jaden Iker."

Literal na hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko at nanatili sa aking posisyon kahit sumasakit na ang leeg ko. Napakagat ako sa labi at nagdasal na sana i-mark nalang niya akong absent, bahala na.

"Ardante, Jaden? Not around?"

Jusko, sino ba  'yang Ardante na 'yan? Ang malas naman niyan!

"Hoy Den tawag ka!" Pinandilatan ko si Khou nang sikuhin niya ako. Napalakas pa ang boses niya kaya't napatingin ang iba sa akin. Minura ko siya sa isipan ko. Wala akong ibang choice kung hindi magsalita.

"H-Here," I said in a low but clear voice.

"Here where?" tanong ng prof namin.

What the fuck is wrong with him? Here sa classroom, Sir!

"Where Mr. Ardante?" pag-uulit niya.

I swallowed hard. Napahinga ako nang malalim bago pinilit ang sarili. Umayos ako ng upo and cleared my voice before answering.

I raised my right hand so he'll notice me. "Here, S-Sir," I said.

Umiwas ako ng tingin dahil nakatingin siya sa'kin at may mapaglarong ngiti habang direktang nakatitig sa'kin. Anong iniisip niya? Anong tingin 'yon? Naaalala niya ba ako?

"You're here. Good to see you, Jaden." sabi niya habang malawak na nakangiti. Hindi ko alam kung napansin iyon ng mga kaklase ko ngunit makahulugan ang tingin niya sa'kin.

Ano ba ang nangyayari? Karma na ba  'to agad dahil sa ginawa ko after break-up? Tanginang ex 'yan may sumpa yata!

"Gago, ayos ka lang ba? Para kang baliw diyan promise," ani Khou.

Yes Khou! Malapit na! Mababaliw na ako!

Because why the fuck?

Why the fuck is the man I had sex with now my prof?!

*****

Leave kayo comments😤❤️

-henrrykun

PS1: Playing with Fire (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon