05

1.1K 67 16
                                    

Chapter 05

Jaden

I just have to talk to him, tell him to be our adviser, convince him if needed, and then my job is done. Ganoon lang kadali.

Sana talaga ganoon lang kadali.

Nandito ako ngayon sa labas ng faculty room. Hinahanda ko ang aking sarili bago kausapin si Sir Damian. Pagkatapos ng meeting namin sa AC ay dumiretso agad ako rito sa faculty upang makausap na si Sir. They clearly told me that we can't waste time so as early as possible I should be able to talk to Sir Damian. Para kung sakali ay tumanggi ito, makakahanap pa kami ng iba bago magsunod na buwan.

I already composed a script inside my head sa mga dapat kong sabihin. Sana ay masabi ko nang maayos at makumbinsi si Sir. Kailangan ko munang isantabi ang kung ano man ang personal na nangyari sa amin.

Inayos ko muna ang suot ko, sinigurado na natatakpan nang maigi ang leeg ko. Kapag naaalala ko ang mga marka sa leeg ko na iniwan ni Sir Damian umiinit ang ulo ko. Ngunit kailangan kong kumalma.

I took a deep breath. I closed my eyes and calmed myself.

Inhale...

Exhale...

Inhale...

Ex—

"What are you doing?"

"Shutangina!"

Nagulat ako nang may biglang magsalita sa harapan ko. Minulat ko ang mga mata ko at natagpuan si Sir Damian na nakatayo sa may pintuan. Nakakunot ang noo niya habang tinitingnan ako.

Napaayos ako ng tayo at napalunok, medyo kinakabahan ngayong nasa harapan ko na siya. He's on his usual long-sleeves polo tucked inside his pants. He's also wearing specs and his hair looks like they're just blown by the wind but still stylish. Hindi talaga maitatanggi na may itsura si Sir at idagdag pa na bata pa ito. Nag-init tuloy ang pisngi ko dahil sa lapit nito at dahil nahuli niya ako sa ginagawa ko kanina. Tingin niya siguro sa akin ngayon ay parang tanga.

"S-Sir..." nauutal kong tawag dito.

"Hmm?" he raised his eyebrow at me.

"Uuwi na ba kayo? M-May kailangan lang sana akong sabihin. It's not about what happened—not like we have to bring that up," natigilan ako dahil sa titig niya. He's just listening attentively and patiently, pakiramdam ko tuloy I'm blabbering nonsense! However, hindi nakatakas sa'kin ang pagdapo ng mga tingin niya sa leeg ko!

"It's about our club, S-Sir," I pursed my lips after what I said. That was not the script that I made! What I said just now was so unprofessional! Gusto ko nalang maglaho. Patawarin sana ako ng AC kung hindi namin magiging adviser si Sir Damian.

"I'm actually going home. We can talk about it over dinner?" he asked.

"Ah, pwede naman bukas nalang, Sir."

"I'm not here tomorrow," aniya.

Napaisip ako. Dinner ngayon with him? Diskumpyado ako! Kung wala lang nangyari sa amin, hindi ko sana mabibigyan ng malisya. Pero dahil sa nagyari sa amin, hindi ko maiwasang kabahan. Pakiramdam ko may gagawin kaming mali!

I bit my lower lip before I arrived with a decision. I need to set aside my personal life. Para ito sa AC. This is me being a student and Damian as my professor. Hindi dapat maapektuhan ng hoe life ko ang student life ko.

"O-Okay," sagot ko.

*****

Damian

PS1: Playing with Fire (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon