J H O's
Maaga akong nagising dahil gusto kong makausap ang mga in laws ko.
Tulog parin ang anak ko at nakayakap ito sa unan nya samantalang ang dada nya pinagkasya ang sarili nya sa couch.
Sandali akong nanatili sa banyo upang ayusin ang aking sarili bago bumaba hinalikan ko muna ang noo ng anak kong payapang natutulog.
Nadatnan ko ang magulang ni Bea na nasa dining table na masayang nagkakape.
" Goodmorning po mommy, daddy " bungad ko ngumiti naman sila at inaya akong maupo
" Hulaan ko tulog pa ang asawa at anak mo " sagot ni daddy ngumiti lang ako at tumango
" Opo dad parehas pong napagod kahapon " sagot ko ngumiti naman sila
" P..Pwede ko po ba kayong makausap? " tanong ko mabilis naman silang tumango
" Walang problema hija, sige na ano ba yun? " tanong ni mommy at hinaplos ang kamay ko
" Tungkol po kay baby Jane hindi po kasi nya alam na mag-asawa po kami ni Bea at hindi rin nya alam na lolo at lola nya kayong totoo. " sagot ko nanatili silang tahimik
" Hindi po sa ayaw kong malaman nya ang totoo dahil alam kong balang araw malalaman nya rin po ito, ayaw ko lang sana na mabigla po sya kung malaman nya ang totoo na si Bea ang dada nya marahil ay marami syang mga katanungan kapag nangyari yun nais ko sana na unti-untihin po natin sa kanyang ipa-intindi ang lahat " sagot ko tumango naman sila
" Naiintindihan kita anak alam ko naman na hindi madali ang naging buhay nyong dalawa na malayo kay Beatriz, pero Jho sana huwag mong ipagkait kay Bea na makilala sya ng anak nya. " sagot ni dad tumango naman ako
" Opo dad hindi ko po ipagkakait sa kanya na makasama ang anak namin, yun narin po ang dahilan kung bakit nagdesisyon po akong magstay muna kami dito sa inyo " sagot ko ngumiti lang si mommy
" Huwag kang mag-alala matatanggap ng apo ko si Bea sa buhay nya, at alam ko rin na gagawin lahat ni Beatriz makuha lang ang loob ng anak nyo " masayang sagot ni mommy ngumiti naman ako
" At mukhang sinisimulan na nya hehe " sagot ni daddy at ngumuso sa hagdan
" Nanayyyy! Dadaaa! baba mo na po ako " sagot ng anak ko napangiti naman si Bea tumakbo naman ang anak ko upang halikan ang pisngi namin
" at bakit dada ang tawag mo kay Bea? " tanong ko naupo si Bea sa tabi ko
" Namiss kasi ni dada Bea yung baby nya kaya sabi ko ako nalang muna baby nya, tapos sabi nya dada daw gusto nyang itawag ko sa kanya " paliwanag ng anak namin ginulo lang ni Bea ang buhok nya at natawa
" basta sa amin apo, lolodad at mommyla ha " sagot ni daddy tumango lang ang anak ko at umupo sa lap ng dada nya
Hindi na sila mapag-hiwalay
" Anong gusto mong kainin anak? " tanong ni Bea tinignan naman ako ng anak ko
" si nanay nalang po magsasabi dada " sagot ni baby Jane
BINABASA MO ANG
Taking Chances
FanfictionI will do everything to make my family complete, for the sake of my child. I'll take the risk for her happiness even if it will slowly destroy me. Jhoana Louisse Maraguinot De Leon