15

1.4K 28 39
                                    

J H O's


Inikot ko ang kabuuan ng kwarto namin at wala paring pinagbago maging ang mga gamit namin, ang wedding picture lang namin ang nawala dito.


Baka tinapon na nya o nabasag na ito.



Lumapit ako sa closet para icheck ang mga gamit ko gaya parin sya ng huling nakita ko ang mga ito.


Akala ko sa galit nya sinunog o tinapon na nya ang mga gamit ko pero mali ako nandito parin ito gaya noong iniwan ko.



Umasa rin kaya syang babalik ako o kami ng anak namin?



" Nanay? " boses ng anak namin kaya agad akong napalingon karga sya ni Bea




" Anak o bakit karga ka ni dada big girl kana diba? " tanong ko ngumiti lang sya at tinignan si Bea

" Sabi ni dada ayaw nya akong mapagod nanay kaya kinarga nya ako, bakit nandito ka nanay? kanina kapa namin hinahanap ni dada " inosenteng tanong ng anak namin


" a..ah a..ano kasi anak sabi ko kay nanay dito na kayo matutulog mamaya kaya siguro chineck na nya " paliwanag ni Bea




" Ang laki naman ng higaan dada, kasya naman tayong tatlo diba? " tanong ng anak namin nanlaki ang mata ni Bea



" A..Ano k..kasi anak sa kabila nalang si dada kasi baka makaistorbo ako k..kasi m..magalaw ako matulog " kinakabahang sagot ni Bea malungkot naman syang tinignan ng anak namin


" Gusto mo bang makasama matulog si dada anak? " tanong ko mabilis naman syang tumango


Hindi naman siguro masama kung magkakatabi kaming tatlo, asawa ko parin naman sya at dada sya ng anak ko.




Tinignan ko naman ng seryoso si Bea kaya napakamot nalang sya ng batok at nakuha ang ibig kong sabihin umupo sya para magkapantay sila ni baby



" Okay lang ba kahit magalaw si dada matulog? " tanong ni Bea agad na tumango si baby



" Opo dada basta ang gusto ko tabi-tabi tayo nila nanay tapos sa gitna ako ha kasi ngayon lang kami may katabi ni nanay " sagot nya tumango naman kami ni Bea kaya tumalon-talon sya at pumalakpak natawa nalang kami pareho ng dada nya



" Bea apo nandyan ka ba? " boses ni Nana kaya agad binuksan ni Bea ang pinto


" Bakit ho Nana? " tanong ni Bea


" Eto na ang pinabili mong susuutin ni baby Jane kay Thirdy " sabi ni Nana at inabot ang paperbag


" Salamat po Nana, bababa narin po kami pagkatapos magbihis " sagot ni Bea tumango nalang si Nana



" Oh anak eto na yung bihisan mo, iiwan ko muna kayo ni nanay ha antayin ko na kayo sa pool " sagot ni Bea at hinalikan ang buhok ng anak namin bago lumabas ng kwarto


" wow nanay ang gagandang damit at ang dami " masayang sabi nya at pinakita ang mga pinabili ng dada nya napangiti naman ako


Ang saya ng anak ko, paano na kaya kung malaman nyang anak namin sya si Bea.



" May napili ka naba anak? " tanong ko tumango naman sya at inabot sa akin ang napili nya

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon