34

1.6K 38 15
                                    

J H O's







" dada bakit ang tahimik mo po diba paborito mo yang niluto ni nanay? " inosenteng tanong ng anak namin lihim naman akong napangiti dahil alam ko ang rason kung bakit sya nagkakaganyan





Kung ikaw ba naman ang mabitin Jho suway ng isip ko.




" Kung anu-anong napapansin mo anak, ang sarap kaya ng niluto ng nanay " sagot nyat at ginulo ang buhok ng anak namin




" Akala ko kasi ayaw mo sa niluto ni nanay di mo kasi ginagalaw yung pagkain mo dada "  nakangusong sagot ni baby




" Sorry anak sige kumain na tayo, may iniisip lang kasi si dada. " palusot nya kaya natawa ako ng mahina sinamaan naman nya ako ng tingin saka kami tahimik na kumain




" Dada tumawag si lola at lolo kanina kay nana gusto daw nila akong matulog sa bahay nila. " anunsyo ng anak namin nagkatinginan naman kami ni Bea





" Kelan daw anak? " tanong ni Bea




" Mamaya po ang sabi ni lola susunduhin daw nila ako at ihahatid din nila bukas. " sagot nya tumango naman ako




Dati ng nasabi ni mommy na kukunin nila si baby Jane kapag hindi busy si dad.




" Sigurado ka bang okay ka lang anak na wala kami ni nanay? pwede naman na tayong pumunta doon. " tanong ni Bea mabilis na umiling ang anak namin





" Opo okay lang po ako dada, saka babalik din po ako bukas kaya hindi nyo ako gaanong namimiss sabi kasi ni lola papasyal daw kami at huwag kayong isama " sagot ni baby natawa naman kami ni Bea





" Oh I see my secret pala kayong pupuntahan nila mommy at ayaw kaming isama. " sagot ng dada nya




" Huwag ka ng magtampo dada sa susunod sasabihin ko isasama kayo saka sabi ni lola kapag maiwan kayo magkakaroon na ako ng kapatid soon kaya sabi ko din huwag na kayong isama. " sagot ni baby nanlaki ang mata namin ni Bea





" sabi ni mommy yun anak? " tanong ko tumango-tango sya




Pinapahiwatig na ata ng parents ni Bea na magkaroon ulit ng apo.





Pero may mga dapat pa kaming ayusin ni Bea kailangan pa naming ipaliwanag na anak namin na mag-asawa naman talaga kami.




" Gustong-gusto ko yun anak, ilan ba ang gusto mo? " sagot ni Beatriz at nakipag-apir pa sa anak namin






" Gusto ko din yun dada para may kalaro ako dito, kita mo kasi ako lang bata dito. " nakangusong sabi ni baby natawa naman si Bea





" Hayaan mo anak gagawan ng paraan ni dada yan " sagot ni Bea inirapan ko lang sya





" Ilan ba gusto mong kalaro anak? " tanong ni Bea at tinignan ako ng nang-aasar





" Mhmh dipende po sa ibibigay ni nanay. " sagot ni baby napangiti naman ako sa kanya





" Marami pang mga bagay anak ang kailangan gawin at aayusin kaya antayin mo lang anak ha kasi hindi ganun kadali ang magkaroon ng baby na kung gusto mo na ibibigay na ni papa God kaya kailangan nating mag-antay at magdasal. " paliwanag ko tumango-tango naman sya



Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon