J H O's
Maaga akong nagising upang magluto ng breakfast namin.
" Goodmorning babe " bungad ni Beatriz at inaayos ang kwelyo ng longsleeve nya
" Ang aga mo ata? " tanong ko sa kanya at pinagtimpla sya ng kape
" May maaga akong meeting babe saka may dapat pa akong basahin " sagot nya tumango-tango naman ako
" Yung anak natin tulog pa? " tanong ko mabilis syang tumango
Anak natin, nasasanay na ako.
" Opo babe tulog pa sya, napagod sigurong naglaro kaya mahaba ang tulog " sagot nya tumango naman ako
" Gutom ka na? " tanong ko umiling naman sya
" Di bale malapit na to. " dagdag ko tumango naman sya at kinalikot ang cellphone nya
Ilang sandali lang ay natapos narin akong nagluto at naghain.
" Kumain ka na. " utos ko umiling naman sya
" Kakain ako kung sasabayan mo ako " sagot nya napairap naman ako
" Mauna kana walang sasabay sa anak mo " sagot ko umiling-iling naman sya
" Ayoko, kumain ka nalang ulit kapag magising yung anak natin o kaya sabihin mo kay Nana sabayan si baby saka baka mamaya magutom ka kung matagal magising si baby " sagot nya napabuntong-hininga naman ako at tumango
" Sige na nga mapilit kang damulag ka " sagot ko natawa naman sya saka nilagyan ng pagkain ang plato ko
" Paano yan magiging busy ka lalo at wala kang secretary, pwede naman akong pumunta muna doon para tulungan ka." sabi ko at sumubo ng pagkain
" Magiging okay lang ako huwag mo ng isipin yun magfocus ka nalang sa anak natin " sagot nya tumango nalang ako at nagpatuloy na kumain
Pagkatapos naming kumain, naghanda narin si Bea na pumasok sa office.
B E A's
" Babe papasok na ako, susubukan kong maglunch dito mamaya. " paalam ko at hinalikan ang noo nya
" Sige mag-iingat ka, tatawag kami kapag magising yung anak mo at hanapin ka. " sagot nya at kumaway ng makapasok ako sasakyan napangiti naman ako at bumisina saka tuluyang pumasok
Pagdating sa opisina wala akong inaksayang oras at nagsimulang magtrabaho, napatitig ako ng may kumatok.
Ito ang hirap kapag walang secretary.
" Beatriz " tawag nya sa akin napabuntong-hininga naman ako
" A..Anong ginagawa mo dito? Hindi ka dapat nandito. " nag-aalalang sagot ko ngumisi lang ito lumapit sa akin
" Caitlyn bumalik ka sa trabaho mo " banta ko pero dire-diretyo lang sya at naupo sa kandungan ko
" Bakit hindi mo ba ako namimiss? lalo na ang mga ginagawa natin? " tanong nya napailing naman ako at pilit na tinutulak sya
BINABASA MO ANG
Taking Chances
FanfictionI will do everything to make my family complete, for the sake of my child. I'll take the risk for her happiness even if it will slowly destroy me. Jhoana Louisse Maraguinot De Leon