B E A's
I woke up early and a smile formed in my lips, who wouldn't be if your wife and daughter is peacefully sleeping beside you.
I can hold them, I can hug them, I can kiss them.
I fixed my wife's hair covering her gorgeous face, and kissed her forehead.
Ang ganda ng asawa ko ilang taon na ang lumipas pero gandang-ganda at napakasexy parin nya sa paningin ko.
I wonder kung gusto pa nya akong bigyan ng isa pang baby, para naman may kalaro ang anak namin hehe.
Aayusin ko lahat ng maling nagawa ko mahal ko, dahil gusto kong mabuo ang pamilya natin gusto kong nandito kayo sa tabi ko bulong ko.
Hinaplos ko naman ang pisngi ng anak naming mahigpit na nakayakap sa nanay nya bago ko hinalikan ang noo nya saka ako bumangon.
" Apo ang aga mo ata? " bungad ni nana napangiti lang ako
" Goodmorning po nana, tulungan na po kita dyan gusto kong ipaghanda ang mag-ina ko " sagot ko ngumiti naman sya at tumango
" Ikaw ang bahala apo, eto humigop kana muna ng kape " sagot nya at inabot ang tasa
" Napakatalino at bibo ng anak nyo ni Jho apo tiyak na tuwang-tuwa ang mga magulang mo sa kanya " sagot ni nana habang nagluluto ng fried rice
" Opo nana napakatalino nya po kaya pakiramdam ko alam nya na may namamagitan sa amin ng nanay nya, kaso natatakot ako nana " kwento ko napatingin naman sya sa akin
" Takot? saan apo nandito na ang mag-ina mo huwag ka ng pumayag na aalis pa sila ulit " sagot nya tumango naman ako
" Natatakot ako nana na baka hindi nya ako mapatawad dahil sa mga nagawa kong pasakit sa nanay nya, na pinabayaan ko sila, na tinalikuran ko sila noong kailangan ako ng nanay nya " paliwanag ko
" Normal lang magalit sya o magtampo anak, pero aaminin mo naman na nagkamali ka mabait ang anak mo alam kong mauunawaan at patatawarin ka nya at ramdam ko kung gaano ka nya kamahal " sagot ni nana tumango naman ako saka magluto ng egg, hotdog at bacon
" Goodmorning po " bungad ni Jho habang kinikusot ang mata napangiti naman ako
" Goodmorning nasaan si baby? " tanong ko at sinalubong sya ng halik sa noo
" Tulog pa, magluluto nga sana ako ng breakfast mo kasi maaga kang papasok kaso mas maaga ka namang nagising " sagot nya natawa naman ako at inaya syang maupo na saka ako nagtimpla ng kape
" Balak ko rin kasi kayong ipagluto kayo ni baby " sagot ko tumango naman sya
" Nana hindi naman sunog yung ipapakain ni Beatriz sa amin noh? " pagbibiro nya natawa naman si nana
" Hindi anak binantayan ko yan hehe " sakay ni nana sa biro ni Jho
" Sige na maiwan ko na muna kayo at magdidilig ako ng halaman " paalam ni nana bago lumabas
" Kahit kelan buhay ni nana yung mga halaman nya " komento ni Jho
" D..Doon nya binuhos ang oras nya sa tuwing namimiss nya kayo ni baby yun ang libangan nya n..naapektuhan din sya noong nawala kayo " malungkot na sagot ko tumango naman sya at humigop ng kape
" J..Jho a..anong naging buhay nyo ng anak natin sa lugar na yun? " tanong ko napatitig naman sya sa akin
" Buhay namin? Hindi ko alam kung gugustuhin mong marinig ang pinagdaanan naming mag-ina mo " sagot nya napabuntong hininga naman ako
" Pero gusto kong malaman " sagot ko umiling naman sya
" Huwag mo ng dagdagan pa ang guilt na nararamdaman mo ngayon sa tuwing nakikita mo ang anak mo, huwag mo ng saktan lalo ang sarili mo. " sagot nya umiling naman ako
" Jho please anong nangyari? " tanong ko ulit napabuntong hininga naman sya
" Walang-wala kami ng anak mo ng umalis sa bahay na ito, iniwan ko lahat ng binigay mo wala akong dinala kahit gamit ng anak mo. Tanging ang pera lang na sarili ko at mga gamit na nabili ko ang dala namin. Nagdesisyon akong mamuhay sa liblib na lugar ng sa ganun hindi kami makilala bilang pamilya mo, naging labandera ako ng mga guro sa paaralan na pinapasukan ng anak mo, o kaya minsan ay nagbabantay sa munting canteen sa paaralan hindi namin ginamit ang epelyido mo. Nagtiis kami ng anak mo sa simpleng buhay bihira kami makapasyal sa bayan nagtiis kami sa anong pwedeng makain sa bundok masaya na ako kung makakain ang anak mo ng mga pagkaing gusto nya wala na akong pakialam kung ano pang mga trabaho ang pasukin ko basta sa mabuting paraan hindi yung kapit sa patalim mabigyan ko lang ng magandang buhay ang anak ko. " sagot nya napaluha naman ako pero agad nyang pinunasan
" Huwag kang iiyak Bea, ayaw kong kaawaan mo ako dahil sa mga hirap na pinagdaanan ko ang gusto ko ay pasalamatan mo ako dahil kinaya ko ang ganung buhay na malayo sayo at sa pamilya ko, na kinaya kong itaguyod syang mag-isa ng hindi umaasa sa iba na hindi ako gumawa ng masamang bagay may ipakain lang sa kanya. " sagot nya kinuha ko naman ang kamay nya at masuyong hinalikan
" J..Jho *hik* h..hindi ko alam na aabot sa ganun *hik* hindi ko alam. Patawarin mo ako sa mga kawalang hiyang nagawa ko sayo at sa anak natin, patawarin mo ako kung wala ako sa tabi mo para alalayan ka *hik* patawarin mo ako kung pinabayaan ko kayo *hik* patawarin mo ako kung mag-isa kang humarap sa hamon ng buhay *hik* patawarin mo ako sa lahat ng pagkakamali ko pangako magbabago na ako. H...Hayaan mo akong bumawi mahal ko " hikbi ko hinaplos nya lang ang pisngi ko
" Nanay bakit mo pinapaiyak si dada? " inosenteng tanong ni baby ngumiti lang ako sa kanya
" Hindi ko po pinapaiyak si dada napuwing lang sya anak, halika nga dito at ikiss yung mata ni dada para gumaling na " aya ng asawa ko agad naman akong hinalikan ang anak namin at niyakap
" Ayan gagaling kana dada kasi hinalikan ko na yang mata mo, ganyan din ginagawa ko kay nanay kapag umiiyak sya " sagot ni baby kinarga ko naman sya at niyakap ng mahigpit
" Huwag na kayong aalis ni nanay ha dito nalang kayo sa tabi ni dada, kasi malulungkot ako kapag lalayo pa kayo " bulong ko naramdaman ko naman ang pagtango nya
" Opo basta love mo lang kami ni nanay ha " sagot nya tumango naman ako at hinalikan ang noo nya
" Oo naman anak kayo lang ni nanay ang love ni dada wala ng iba " sagot ko ngumiti naman sya
" Huwag kana magba-baby ng iba ha dada " sagot nya natawa naman ako
" Hindi po ikaw lang ang baby ko " sagot ko at ginulo ang buhok nya
" Anak halika na at kakain na tayo bawal malate si dada sa work anak " singit ni Jho agad namang lumapit si baby sa nanay nya
" Eto uminom kana ng gatas at kukuha si nanay ng food mo " dagdag nya ganado namang uminom ng gatas ang anak namin
" dada anong oras ka uuwi mamaya? " tanong ng anak ko
" Hapon na uuwi si dada anak, tayo lang muna nila nana dito " sagot ni Jho lumungkot naman ang mukha ng anak namin
" Maghanda kayo ni nanay mamaya anak ha susunduhin kayo ng driver ko mamaya tapos magkasama tayong maglunch " sagot ko agad namang nagliwanag ang mukha nya
Pagkatapos naming nagbreakfast naghanda narin ako para pumasok sa trabaho.
BINABASA MO ANG
Taking Chances
FanfictionI will do everything to make my family complete, for the sake of my child. I'll take the risk for her happiness even if it will slowly destroy me. Jhoana Louisse Maraguinot De Leon