J H O's
" Nanay puntahan nalang natin si dada, ang tagal nung driver nya " nakangusong sabi ng anak ko napangiti naman ako at pinisil ang pisngi nya
" Miss na miss mo na agad si dada anak? " tanong ko mabilis syang tumango kaya natawa ako
" Malapit na yung driver ni dada anak " sagot ko napanguso lang sya at umiling
" Kanina mo pa sinasabi yun nanay kaso wala parin hanggang ngayon " sagot nya pinaupo ko naman sya sa lap ko
" Baka nasa work pa si dada anak, sabi nya ipapasundo tayo diba? " tanong ko tumango naman sya
" Kapag sinabi ni dada gagawin nya yun, kaya antayin natin yung driver nya " sagot ko tumango-tango naman sya
Ilang sandali lang ay nakarinig na kami ng doorbell mabilis na tumayo ang anak ko.
" Nanay dali na baka yung driver ni dada na yan " sagot nya at hinila ako napatawa nalang ako sa kanya bago binuksan ang pinto
" Jhoana s..sya na ba si baby Jane? " tanong nya napatango ako at agad niyakap sila
" Apo ako si lola Lovel ako ang mama ng nanay mo " pakilala ni mama at niyakap ang anak ko
" Ako naman ang lolo John mo at sya naman ang tita Jaja mo " pakilala ni papa agad namang nagmano ang anak ko
" Mama tara na po muna doon at pumasok nangangalay na akong nakatayo " singit ni Jaja natawa naman kami saka naupo
" Papa p..paano nyo po nalaman na nandito ako? " tanong ko napangiti lang sya
" Kay Bea pinuntahan nya kami " sagot ni papa naguluhan naman ako
" Kay Bea po? nasa office po sya hindi nya sinabi sa akin na dadalawin nya kayo" sagot ko
" Baby Jane tara maglaro na muna tayo doon " singit ni Jaja saka hinawakan ang kamay ni baby
" Anak hindi ko man alam kung anong nangyari sa inyo ni Beatriz o kung bakit ka biglang nawala hindi na namin iyun gustong pag-usapan pa ang nais namin ngayon ay ang para sa ikakabuti ng apo namin " sagot ni papa napabuntong hininga naman ako
" Hindi alam ng anak namin na mag-asawa kami, hindi nya rin alam na si Bea ang dada nya " sagot ko napatango naman si papa
" Aba Jhoana hindi naman pwede na hindi malaman ng apo ko ang totoo, pakiramdam ko naman sa pakikipag-usap ni Bea sa amin ay nais nyang ayusin ang sa inyo, na gusto nyang bumawi sa inyong mag-ina nya. " sagot ni papa
" Pa naman hayaan nyo nalang po kaming mag-usap ni Bea tungkol doon, saka binibigyan ko naman sya ng pagkakataon bumawi sa anak namin. " paliwanag ko
" Mabuti kung ganun, kung pwede pang ayusin kung ano man yan ayusin nyo para sa anak nyo, hindi na kayo bata anak may sarili na nga kayong anak. Sa mga desisyon nyo sa buhay isipin nyo ang epekto nito sa buhay ng anak nyo " sagot ni papa tumango lang ako
" Alam na ba nila balae na dumating na kayo? " tanong ni mama mabilis naman akong tumango
" Opo ma nalaman po nila noong kailangan ni baby na masalinan ng dugo, nag-stay din po kami doon ng ilang araw bago pumunta dito " kwento ko tumango naman sila
BINABASA MO ANG
Taking Chances
FanfictionI will do everything to make my family complete, for the sake of my child. I'll take the risk for her happiness even if it will slowly destroy me. Jhoana Louisse Maraguinot De Leon